chapter fourteen

1619 Words
• MIKHAIL • Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwala. Si Cresha ba talaga 'yung nasa harap ko? All I know about her is, she's a reserved woman. Pero sa sitwasyon namin ngayon, kaming dalawa lang ang naririto sa unit, ang malala pa doon ay nagawa niya akong halikan! Joke ba 'yon? Seryoso ba siya? "Kung ang iniisip mo ay tungkol sa paghalik ko sa iyo kanina, totoo 'yon." Parang lalabas ang puso ko sa katawan ko nang marinig ko ang boses ni Cresha. Agad ako napatingin sa pinto ng kuwarto ko. Naroon siya habang hawak niya nag doorknob. Bakit ba palagi ako nagiging magugulatin sa tuwing nariyan siya?! "Bilisan mo na 'dyan, kumain na tayo." Saka umalis siya sa pinto at nauna na. Napakamot ako sa aking ulo. Umalis ako sa kama at sumunod sa kaniya. Relax ka lang, Mikhail. Si Cresh lang 'yan. Isipin mo nalang, JOKE lang talaga 'yung halik. Kungwari, walang nangyari. Pero, hindi talaga maalis sa sistema ko tungkol doon! Arghhh! Nagiging abnormal na ako! Natigilan ako nang makita ko ang pagkain na nakahanda ay galing fast food. Ibig sabihin, nagpadeliver pa siya? At sa salas kami kakain? Hindi sa kusina? "Umupo ka dito," Sabi niya habang tinatapik niya ang espasyo sa kaniyang tabi. "Dalian mo." Kusang sumunod ang katawan ko sa kaniyang inutos. Umupo ako sa kaniyang tabi. Agad binuksan ni Cresha ang mga pagkain at siya pa talaga ang naghanda ang para sa akin. Pinapanood ko lang siya habang ginagawa niya iyon. Ibang-iba talaga siya. "Hindi ka ba sanay sa presensya ko?" Bigla niyang tanong nang matapos na niyang ayusin ang pagkain na kulang nalang ay kainin na namin. "Masasanay ka rin." I swallowed the bile on my throat. I can't able to say any words to answer her. Para akong tuod sa harap niya! Hindi na talaga tama ito. "Kumain ka na, Milkhail. Kung ayaw mo ay ako nalang ang susubo para sa iyo. Willing ako." Naalarma ako sa sinabi niya. Agad kong kinuha ang pagkain at kinain iyon. "S-salamat pala, magbabayad ako mamaya..." "Libre ko na iyan." "Ha?" Tumingin siya sa akin. "Iba nalang ang ibayad mo." Saka ngumisi nang nakakaloko. Bigla ako kinabahan. Ano na naman 'yung bayad na gusto niya? Hindi ba pera? "A-anong bayad naman?" Ngumuso siya. "Did you know there's a thirty six types of kisses?" "H-ha? Kiss?" Ulit ko pa. Tumango siya. Hinarap niya ang kaniyang sarili sa akin. "And I wanted to experience those kisses with you, Mikhail." Bigla akong tumawa kahit na kinakabahan. "S-seryoso ka ba d'yan? C-Cresha naman..." Nagkibit-balikat lang siya. "Mag-inom nalang tayo pagkatapos. Nakabili na din ako ng beer, nasa ref lang." Saka sinimula na niyang kumain. Pagkatapos namin kumain ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Nilinis ko din ng maayos ang salas para hindi na makalat sa oras na nakauwi na sina Vibs at Angela. Magbibihis palang sana ako nang biglang kumatok ang kasama ko sa pinto. Bago man ako magsalita ay binuksan na iyon. Tumambad sa akin si Cresha na dala na niya ang mga beer at iilang chichirya. "Dito tayo mag-iinom para hindi na makalat." Saka umupo siya sa sahig. Inayos na niya ang mga inumin sa sahig. "Magbihis ka lang d'yan, I don't mind if you're naked." Laglag ang panga ko. Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Bakit biglang nagiging ganito si Cresha? Wala na talaga ako naiitindihan sa nangyayari! Nang matapos kong magbihis (mabuti nalang talaga may banyo ang kuwarto ko kaya doon ako nagbihis) ay sinimulan na namin mag-inom si Cresha. Pinapakwento niya ako sa mga bagay-bagay. Tulad noong mga araw na nasa Iloilo palang ako. "Alam ko may tinatago ka, Mikhail." Seryoso niyang sabi. Yakap-yakap niya ang kaniyang mga binti habang ako ay naka-indian seat. "Huh?" Ngumuso siya. "Nakita kita sa parking lot kanina. May dala kang sasakyan. Base sa kotse na iyon, hindi galing sa kompanya kung saan ka nagtatrabaho." Bumaling siya sa akin. "Sabihin mo, galing ka ba sa mayamang pamilya?" Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. "Hindi ko masabi na mayaman ako dahil ang mga magulang ko lang ang mga mayayaman. Pera naman nila iyon." Yumuko ako. "Ayaw ko kasing malaman ng iba na anak ako ng isang CEO habang ang nanay ko, nasa politika. Ewan ko, mas gusto ko ang simple." "Well, I'll keep your secrets if you want to." Sabi niya. "I'll share my secret too." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. "H-ha? Sigurado ka ba?" Tumango siya. Binitawan niya ang mga binti niya. She lay them down. Tumingin siya sa mga iyon at ganoon din ako. Pinapanood ko lang ang ginagawa niya. "Six months ago, I got this injury when I was in a middle of a rally..." Mapait siyang ngumiti habang hinawakan niya ang parte ng binti niya kung nasaan ang kaniyang injury. "My car crushed, naipit ang paa ko. Ang akala ko pa ng mga time na iyon, mamamatay na ako o kaya mapuputulan na ako ng paa." Saka nilagok niya ang beer sa bote. Tumingala siya sa kisame at bumuga ng hininga. "Hindi ko nakuha ang inaasam ko na national title dahil sa aksidente na iyon. Then, I got bitter and very sensitive, lalo na kapag binanggit ang tungkol doon. If you remember Kelsi, kalaban ko siya ng mga oras na 'yon." Nanatili lang ang mga tingin ko sa kaniya. Kita ko na binasa ng dila niya ang pang-ibabang labi niya. "Kaunti nalang... Kaunting tiis pa bago pa ulit ako makabalik sa rally." She almost whisper those words, kinda she's started to cry. Yumuko siya at muli niyang niyakap ang mga binti niya. Gumapang ako patungo sa tabi niya. Kahit may alinlangan pa ay nagawa ko parin siyang akbayan para macomfort ko siya. "Pero," Panimula ko. "Parang ayaw ko na  bumalik ka sa pagrerace, Cresh." Natigilan siya. Bumaling siya sa akin. Agad ko inilayo ang sarili ko sa kaniya. Inekis ko ang mga braso ko para depensahan ko ang aking sarili kung sakaling atakihin niya ako. "H-huwag mong masamain, ah? Kasi ano.. Gusto ko rin naman na maaabot mo ang mga pangarap mo, kaya lang ayaw ko, kasi ayaw kong mapahamak ka na naman," Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. Then she beamed at me. Siya naman ang gumalaw, walang sabi na umupo siya sa kandungan ko at pinulupot niya ang kaniyang mga braso sa magkabila kong balikat. Magkaharap kami. Napaatras ako dahil sa gulat. Napasandal ako sa gilid ng kama! "C-Cresh..." Nagtama ang mga tingin namin. Namumungay ang mga mata niya. L-lasing na ba siya? "Kung alam mo lang kung gaano mo ako pinasaya sa mga sinabi mo, Mikhail." Mahina niyang sabi. "No one guy can care for me like that." Lumunok ako. Damn it, anong ginagawa mo sa akin, Cresh? P-parang hindi ako makahinga ng maayos sa mga pinanggagawa mo... Isinandal niya ang kaniyang noo sa noo ko. Marahan siyang pumikit. "You make me feel like a luckiest girl... You light up my life." "C-Cresh..." B-bakit ang init?! "Love me back, Mikhail." Bigla niyang sabi. Dahan-dahan niyang idinilat ang mga mata niya at nagtama muli ang mga tingin namin. "Forget 'bout your bitchy girlfriend. Let me show you how can I love a man like you." Kusang gumalaw ang mga kamay ko. Dumapo ang mga palad ko sa makabila niyang bewang. "You make me think you're a terrible lover, Cresh.... It intimidates me a little..." Anas ko. She draw a small smile on her lips. "I'm sorry about that, now, you know my story..." May halo nang lambing nang sabihin niya iyon. Hindi ko na mapigilan pa ang aking sarili. Lumipat ang isang palad ko batok niya. Sinunggaban ko ng halik ang mga labi ni Cresha. Humalik siya sa akin pabalik. Ramdam ko na mas diniinan pa niya ang kaniyang sarili sa akin. Damn, ngayon ko lang napagtanto na iba talaga ang nararamdaman ko para sa kaniya kumpara kina Vibs at Angela. Pakiramdam ko ay ang layo niya para sa akin pero ngayon, kaming dalawa lang dito sa loob ng unit. Parang nawawala ang katinuan ko lalo nang maramdaman ko ang mga labi niya. Cresha's lips are so addicting. Mas nawawala ako sa aking sarili. Hindi ko malaman kung nalulunod ba kami sa espiritu ng alak. Marahan ko siyang hiniga sa sahig ngunit hindi pa rin humihiwalay ang mga labi ko sa kaniya. "M-Mikhail..." Nanghihina niyang tawag sa akin nang sa humiwalay ang mga labi namin. Nagkatitig lang ako sa kaniya. "Anong ginagawa mo sa akin, Cresh?" Namamaos kong tanong sa kaniya. "Bakit nagagawa mong alisin ang katinuan ko?" Matamis siyang ngumiti sa akin. Niyapos niya ang leeg ko. "Maybe you're falling with me." "Damn it, nanadya ka na yata." Tumaas ang isang kilay niya. "But I am too proud that I'm still a virgin." Shit, ipagpapatuloy ko pa ba ito? Tang ina, kaunti nalang, hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko! "Nirerespeto kita, Cresh." Mahina kong sambit. Hinawi ko ang mga takas niyang buhok sa kaniyang mukha. "Sa oras na mangyari ang hindi dapat, papakasalan mo ako." "M-Mikhail..." Bakas sa mukha niya ang pagkagulat. "Seryoso ako, Cresh. Hindi ako 'yung tipong pagkatapos ng lahat, balewala lang sa akin. Kaya kitang panagutan. Aakuin ko ang resposibilidad ko sa iyo." Hinalikan ko ang tungki ng ilong niya. "Simula ngayon, girlfriend na kita." She look astonished after I said. "S-seryoso ka ba? B-baka hindi ka pa nakamove on ng tuluyan—" Ngumiti ako. "Ikaw na mismo ang nagsabi, kalimutan ko na si Vhia, you're now my present, Cresh and my future." Napangiti din siya. Muli ko siyang hinalikan. Mas marahan. Damn it. Hinding hindi ko na talaga kaya pa ang pagpipigil. Nagmamadali akong naghubad ng pang-itaas at hindi ko na alam kung saan na napunta iyon. Lahat ng atensyon ko, na kay Cresh na ngayon ay nakatingin sa akin na may pagkamangha. "I didn't know that my boyfriend was hot." Sabay hawak niya sa tyan ko na may anim na nakaumbok. Tila nasisiyahan pa siya. Hinubad naman niya ang racer back niya at hinagis lang din niya iyon kung saan. Hindi ko mapigilang mapakagat ng labi. Parang sasabog na ako nang wala sa oras! Oh s**t! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD