chapter four

1224 Words
• MIKHAIL • "Shot paaaa!"  Napangiwi ako. Hindi ko akalain na ganito sila kalakas uminom. Umiinom naman ako kaso occasionally nga lang. Minsan lang din ako pumupunta sa mga clubs o bar pero kapag kasama ko lang ang mga pinsan ko. Sa estado ko ngayon, nahihilo na ako't inaantok na. Mahina talaga ang tolerance ko pagdating sa alak, dinaig pa ako ng mga kasama ko... mga babae pa! Nilagyan ko ng beer ang baso ni Angela "Dahan-dahan, may pasok ka pa bukas..." Sabi ko na parang nanghihina na. Namumungay na din ang mga mata ko.  "Hindi 'yan!" Wika niya sabay ipinakita niya ang muscles niya. "Malakash ituu!" "Ganyan talaga si Angel, Mikhail." Saad naman ni Vibs na malumanay na tono pero akala mo matino pa siya pero may tama na din. Namumula na ang magkabilang pisngi niya epekto ng alak.  Hindi na ako nagsalita pa. Pinapanood ko lang sila habang nag-iinom. May mga pinag-uusapan din sila na hindi ako makarelate.  "Oy, Vibs!" Tawag ni Angela sa kaniya. "Seryoso ka talagang nakipagbreak ka kay Clifford? Alam mo bang ang tanga mo?" Kaninang masaya na mukha ni Vibs ay agad napalitan ng seryosong mukha.  "Bakit hiniwalayan mo ang tao nang wala kang binibigay na rason?" Patuloy pa ni Angela. "Saksi kami ni Cresha kung papaano ka kamahal ng isang iyon."  "Wala kang alam, Angela." Mariin niyang sabi na parang napipikon na. Lalapitan ko sana sila para awatin pero biglang may humawak sa kamay ko. Si Cresha. Umiling siya na parang sinasabi niya na hayaan ko lang ang dalawa. Wala naman akong magawa kungdi hinayaan ko nalang.  "Clifford is a good catch, you know? Kasi hindi sa lahat ng babaeng nagpapansin sa kaniya, ikaw lang ang nabigyan niya ng atensyon!" She said and her voice broke. Parang naiiyak na siya. "He cried because of you so many times! He beg to come back pero anong ginawa mo?! Iniwasan mo talaga siya ng bongga at talagang pinagtutulakan mo pa siya palayo!" Blangko lang ang ekspresyon sa mukha ni Vibs. Nakatingin lang siya kay Angela. Rinig ko naman ang pagbuntong-hininga ni Cresha sa likuran ko.  Wala akong naiitindihan sa nangyayari! Ano ba iyon? Sino ba si Clifford? Ang naiitindihan ko lang ay ex-boyfriend siya ni Vibs. Ilang saglit lang ay humihikbi na si Angela. Nilapitan siya ni Cresha. "You need to sleep now. Come here, ilhatid na kita sa kuwarto mo." Saka inaalalayan niya si Angela kahit bali-baliko na ang direksyon ng kanilang paglalakad.  Napasulyap ako kay Vibs na tahimik at yumuko. Rinig ko na din ang pagsinghot niya. Lumapit ako't umupo sa kaniyang tabi. Tumingin siya sa akin, hindi nga ako nagkakamali. She's started to cry.  "Vibs..." Mahina kong tawag sa kaniyang pangalan.  Pinunasan niya ang kaniyang luha na umaagos sa kaniyang pisngi. Tumawa siya nang mapakla. "I'm sorry, Mikhail kung naksihan mo ito at narinig mo ang walang kwentang bagay." She said.  Umiling ako. "It doesn't matter. I'm just worried between you and Angela although I don't really get what's goin' on."  Bumuga ng isang malalim na buntong-hiningasiya at tumingin sa balkonahe. "I broke up with him because my friend likes him too." Napaawang ang bibig ko sa aking narinig. Wait, may gusto si Angela sa ex-boyfriend ni Vibs?!  Muling siya bumaling sa akin."Nasurprise ka, ano? Pero totoo." Saka mapait siyang ngumiti. "Hindi alam ni Angela ang totoong dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay kay Clifford dahil ayokong masira ang pagkakaibigan namin pero, nagkamali pala ako. Ang akala ko kapag nakipagbreak ako sa kaniya, wala kaming pag-aawayan ng kaibigan ko." Saka tumulo na naman ng isang butil ng luha. "She didn't know... I choose her over my love for Clifford." Ako naman ang napabuntong-hininga sa narinig. Napatitig ako sa pader na tila napatitig nalang ako sa kawalan. "Nakakabulag talaga ang pag-ibig." Kumento ko. "Kapag nagmahal ka kasi, kung anong nakikita mo, iyon na iyon. Pero hindi mo pa nakikita ang nasa likod ng mga iyon. Hindi mo pa alam ang tunay na rason. Pero sa part kasi ni Angela, parang nabitin siya sa isang bangin. Hindi niya alam kung tamang sagot. Kung bibitaw na ba siya o kakapit pa, katulad iyon sa mga tanong sa kaniyang isipan." Tumingin ako sa kaniya. Medyo nagulat naman ako dahil nakatitig sa akin si Sloane na nakaawang ang bibig.  "Parang may hugot ka?" I chuckled. "Hindi naman..." "Have you been in loved?" Bigla niyang tanong.  Ngumuso ako't tumingin ulit sa pader. "Syempre, pero hindi mo maiiwasan na ma-i-inlove ka sa maling tao." "Maling tao?" Ulit pa niya.  Pilit kong tumayo. Nilahad ko ang isang palad ko sa kaniya. "Don't mind it. You need to sleep, too. We have work tomorrow." Tinanggap niya ang aking palad at inaalalayan ko siyang tumayo. "I can handle myself, Mikhail. Thank you for your wonderful ears, pinakinggan mo ang kadramahan ko. Goodnight." Saka naglakad na siya patungo sa kaniyang kuwarto.  Saka naman lumabas si Cresha mula sa kuwarto ni Angela. Marahan niyang sinara ang pinto. "She heard everything. Vibs' side." "A-ano naman sabi niya?"  Nagkibit-balikat naman siya't tinalikuran niya ako hanggang sa nakapasok na siya sa sarili niyang silid. Naiwan na lamang akong mag-isa. I hope everything's will be fine. Especially between these two women... Vibs and Angela.  Kinaumagahan. Maaga ako pumasok. Good thing, wala akong hang over. Bago man ako pumasok ay niligpit ko muna ang mga kalat namin kagabi saka isinabay ko na iyon sa pagbaba ko. Ipapasabay sa garbage truck na dadaan mamaya. Tulog pa ang mga kasamahan ko sa unit nang nagising at papalis na ako. Ipinagluto ko nalang siya ng almusal para kakain nalang sila pagkagising.  Pagkatapos kong mag-time in ay nakatanggap ako ng mga text message mula sa mga unknown number. Binasa ko ang nilalaman ng mensahe na iyon isa-isa. FROM : UNKNOWN 1  Mikhail! Angela here! Thank you for the wonderful breakfast. Nakakahiya mga nakita at narinig mo kagabi. Sorry ha? Pag-uwi ko, anong gusto mong pasalubong?  Napangiti ako nang mabasa ko iyon. Mabuti nalang ay nahimasmasan na siya. Sinave ko muna ang number. Nagreply ako sa text niya. TO : ANGELA  Naku, kahit huwag na. Okay lang ako. :) Sunod ko naman binasa ang isa pang mensahe.  FROM : UNKNOWN 2  Hi, Mikhail! Si Vibs ito. Nabusog ako sa breakfast mo. Dahil d'yan, anong gusto mong pasalubong?  Pareho sila ng tanong ni Angela. Dahil d'yan, sinagot ko din sa kaniya ang sagot ko kay Angela pagkatapos ay sinave ko din ang number niya. Ibinalik ko ang cellphone ko sa loob ng aking bag then I started to work again.  _____ • ANGELA • Hinagis ko ang cellphone ko sa sofa at napanguso. Dahil wala akong shoot ngayon, ang dalawa naman ay hindi nakapasok dahil sa hang over. Buti nalang ay agad sila nagtext sa mga boss nila na may mga sakit sila. Palagi naman ganyan ang excuse eh. Kaysa naman ma-AWOL sila nang wala sa oras.  "Huwag ko na daw siya pasalubungan!" Reklamo ko sabay padyak-padyak pa.  Nakahalukipkip lang si Vibs. "Ganoon din ang sabi niya sa text niya sa akin."  Si Cresha naman ay tahimik lang nanonood habang nakaupo sa sahig.  "Boring!" Giit ko pa. Hindi na ako mapakali, eh. "Girls! Ano kaya kung puntahan natin si Mikhail sa trabaho niya?" Napatingin silang dalawa sa akin.  "Anong oras naman?" Tanong ni Vibs. "How 'bout lunch?"  "Sige! Tapos bili nalang tayo ng pagkain para sa kaniya!" Sang-ayon naman ni Vibs. Bumaling ako kay Cresha. "Sama ka, Cresh!" "Pass," Mabilis na pagtanggi sa akin ng bruhang singkit na ito!  "Sasama ka o i-a-announce ko tungkol sa bra mo?!"  Her jaw clenched. Nainis siyang tumayo. "Oo na! Sasama na! Putek." Pikon niyang sabi.  "Alright!" Saka tumayo si Vibs. "Ligo at ayos na us. Magpaganda tayo para kay Mikhail!" Excited pa niyang sabi.  Pumapalakpak ako while Cresha just rolled her eyes.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD