Marahan siyang nagpunas ng pawis sa noo bago ipinagpatuloy ang pagtabas ng mga tubo. Hindi niya alintana ang init ng sikat ng araw. Nangangati na din ang buong katawan niya dahil sa budo ng mga tubo. Ngunit di na niya iyon binibigyan pa ng halaga, ang importante sa kanya ay matapos na ang pagtabas.
"Magpahinga ka muna Mica," untag sa kanya ng kanyang ina. Unti unti siyang nag angat ng mukha at tumingin sa kanyang ina. Kita niyang tagatak na din ito ng pawis at nababanaag na sa mukha ang pagod.
"Kayo na lang ho muna ang magpahinga Inay. Tatapusin ko na lamang po ito." sagot nito. Kung pwede nga lang na siya na lang ang magtabas ay gagawin niya. Ayaw din kasi paawat ng Nanay niya kahit sabihan niya na siya na lamang at magpahinga na lamang ito. Ayaw nito ang walang ginagawa at hindi nakakatulong kaya hinayaan na lamang niya ito.
"Sumunod ka pagkatapos mo jan," bilin nito bago tumalikod at humakbang na palayo sa kanya. Tango lang ang isinagot nito.
Ito na ang pamumuhay na kinamulatan niya. Isa ang pamilya niya na nagtra trabaho sa napakalawak na lupain ng mga Herera. Nahahati ito sa apat. Azukarera, Niyugan na may mga ibat ibang gulay sa paligid, palayan na may nakapagitan na mga fishpond at ang animal farm. Sa subrang lawak ng lupain ng mga Herera ay dina abot ng tanaw ang dulo nito. Sa labas ng lupang sinasakupan ng hacienda ay ang maliit na baryo. Halos lahat ng nakatira doon ay sa hacienda ang ikinabubuhay.
Sa kabila ng kahirapan ay naitaguyod naman ng mga magulang niya ang pag aaral nilang magkakapatid hanggang sa High School. Noong mag College na siya ay hindi niya inoblega ang kanyang mga magulang na pag aralin siya. Gumawa siya ng paraan para makapagpatuloy ng pag aaral na hindi nagiging pabigat sa kanyang mga magulang. Likas siyang matalino kaya natanggap siyang scolar sa isang Universidad sa bayan.Magdadalawang taon na mula ng magtapos siya sa Kolehiyo pero hanggang ngayon ay wala pa siyang nahahanap na trabaho o mas tamang hindi pa siya naghahanap ng trabaho dahil sa hindi niya din maiwan iwan ang kanyang nanay na mag isang mag aalaga sa kanyang kapatid at sa kanyang Tatay.Pangalawa siya sa tatlong magkakapatid. Ang kuya niya ay nag asawa na at nakatira ngayon sa lugar ng napangasawa nito. Regular na lang na bumibisita sa kanila tuwing may mahahalagang okasyon sa kanilang pamilya. At dahil sa maagang nag asawa ang kanyang kuya ay naiwan sa kanya ang responsibilidad na tulungan ang kanyang mga magulang. Nasa Elementary pa lang ang kanyang bunsong kapatid. Menopausal baby kasi ito kaya masyadong malayo ang agwat sa kanya.
Kapag kasi naghanap na siya ng trabaho siguradong sa bayan na siya mamalagi at maiiwan sa kanilang baryo ang mga ito. Hindi niya naman maatim na iwanan ang mga ito. Sinabihan na niya ang kanyang tatay na sa bayan na sila manirahan kung sakaling makahanap siya ng trabaho doon para sama sama sila at mapapanatag siya pero hindi pumayag ang tatay niya. Ayaw nitong iwan ang kanilang lupa at bahay sa baryo dahil minana pa di umano sa mga namayapa nitong mga magulang. Kaya wala siyang nagawa kundi ang manatili sa kanilang tabi. Magdadapit hapon na ng ipinasya nilang umuwi at ipagpapabukas na lang ang pagtabas sa natira pang tubo.
" Mica, may opening job ngaun sa munisipyo ah. Di ka ba mag a apply?" tanong ng kaibigan niyang si Gail. Kaibigan na niya ito mula pagkabata. Pareho silang nagtapos sa kolehiyo at sa parehong kurso. Kasalukuyan na itong nagtra trabaho sa munisipyo.
"Hindi na muna siguro. Ayaw pa pumayag ng tatay na doon na kami tumira pag natanggap ako sa trabaho",sagot nito.
"Pwede namang uwian ka sa weekend eh para nabibisita mo pa rin sila. Sayang naman ang pakikipagbuno natin kay Mr. Webster kung di natin iyon pakikinabangan", saad nito.
"Pag iisipan ko", matipid nitong sagot. "Maiba ako, kumusta ka na"? Mula kasi ng magtrabaho ito sa bayan ay minsanan na lamang sila nagkakasama.
"Heto maganda pa rin", biro nito na totoo naman. Palagi silang napagpipilian na maging kandidata noon sa mga paligsahan ng magaganda. Hindi nga lang sila sumasali noon dahil pareho silang walang hilig. Lapitin din sila ng mga lalaki pero sadyang focus lang sila sa pag aaral kaya ang mga ito na din ang kusang lumalayo.
"Balita ko, uuwi na daw ang mga anak ng mag asawang Herera ah", maya maya ay sabi ni Gail.
"Oo nga daw sabi ng tatay. Kumusta na kaya si Jazel. Maalala pa ka niya tayo?" wala sa loob na tanong niya.
"6 years din siyang namalagi sa America. Graduation day natin ng high school ng huli tayong nagkita kita. Wala naman din tayo naging communication sa kanya kaya malamang nakalimutan na siguro niya tayo," sagot nito.
Naging kaibigan nila si Jazel noon. Sa Manila ito nag aaral pero umuuwi ito ng hacienda tuwing weekend. At dahil lagi naman silang dalawa ni Gail sa hacienda noon naghahatid ng mga baon ng kani kanilang mga magulang ay naging malapit si Jazel sa kanila. Umatend ito ng kanilang graduation at pagkatapos noon ay lumipad na ito patungong America para doon mag aral.
"Siguro naman, natatandaan pa niya tayo".
"Malalaman natin yan pag dumating na sila. Kasama din ba na uuwi yung panganay na kapatid ni Jazel? Hindi ko pa nakikita ang kapatid niyang iyon." tanong ulit ni Gail.
"Siguro. Ang sabi ni tatay lahat daw ng mga anak kaya malamang na pati ang panganay",sagot nito.
Kahit naman siya ay di pa niya nakikita ang anak na panganay ng mag asawang Herera. Bukod kasi na sa Manila ito namamalagi noon ay hindi din naglalabas sa mansyon pag nauuwi ng hacienda. Ang alam lang niya ay matanda ito ng limang taon kay Jazel.Tatlo silang magkakapatid at tanging si Jazel at ang bunso nitong kapatid na si Patric ang kilala niya. Ang mga ito lang kasi ang madalas nilang nakakasalamuha noon.
"Sana naman this time makilala na natin siya. At ihanda na natin ang mga ilong natin dahil siguradong dadanak ng dugo", bungisngis nitong sabi. Natawa siya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga patawa ito eh.