MYERA'S POV "Baka po mapagalitan ako ng Hari Dahil-" "WALA AKONG PAKIALAM. AYOKO SIYANG MAKITA O MAKAUSAP MAN LANG. LUMAYAS KA NA SA HARAP KO!" Sigaw ko sa kawal na nasa harap ko. Agad naman siyang tumalima sa utos ko at umalis. Napairap ako at ibinagsak ko ang sarili sa Sofa. Ilang araw na niya ako gustong makausap kaya madalas niya ako ipatawag sa mga inutil niyang alipores. Bakit ganyan siya? Hindi ba niya alam na ayaw ko makita ang pagmumukha niya dahil naaalala ko lang si Lyura. Pumikit ako dahil sa katahimikan sa paligid. Sa ganitong paraan lang ako nakakapagisip ng maayos. Magkaiba kasi kami. Hindi ako yung nagdedesisyokapagag galit o Malungkot ako. Nagiisip ako kapag nasa tahimik na lugar ako. Hindi ko kailangang Makipagunahan sa kanya. Ang kailangan ko lang ay Magisip n

