Chapter 4

3129 Words
    HERA'S POV      Lumapit na sa akin sina steban at Lyra. Nag-bow sila sa harap ni Ms. R-- Headmaster Rhea kaya Ginaya ko nalang sila.  "Ahh Lyra?" Tawag ko sa kanya habang Naglalakad kami. "Hmmm?"     "Ah.. Pwede... Ano... P-pwede Sa bahay mo nalang ako matulog.?" Nahihiya kong tanong.   "Hahaha! Ano ka ba,, May Dorm ka kaya dun ka muna tumuloy, Next time ka nalang sa dorm ko. Isa pa malalayo ang Bahay at Kaharian dito. Tanging academy lang to kaya wala akong bahay. "  Nahiya naman ako. Sory na , tao lang. Malay ko ba sa mundo nila.   "Hehe Ganun ba?" kinabahan naman ako.  Hindi ko pala makakasama ang kahit isa man lang sana sa kanila.    "Oo Hera. Don't worry Kung magkikita pa tayo bukas eh ililibot ka namin dito. Sa ngayon Mag pahinga na muna tayo at pare-pareho tayong Pagod." Wow!! Nakakausap ko sila ng matino ngayon. Lalo na itong si Steban! Marunong din palang mapagod. "here." May inabot siya sa akin. Yung susi pala. "See you around. Goodnight."   "Goodnight Hera." Sabi ni Lyra. Tumango lang ako at Iniwan na nila ako sa Harap ng Isang maganda at magical na Gusali.  Bumukas ang Pinto At Pumasok na ako. Hindi na rin ako nagulat ng Kusang sumara ito. Sa dami ng Nakita kong magical and Unfamiliar Things Kanina eh hindi na ako nagugulat. pagpasok ko Ay may Malaking Pasilyo. May Dalawang Malaking Pinto Sa Kaliwa at Dalawa rin Sa kanan na Sobrang laki ng distansiya sa isa't isa. Ang Isa pang Pinto ay nasa Dulo ng Pasilyo. Tinignan ko ang susing hawak. Kulay Green Ito. Lumapit ako sa Kulay Green Na pinto. Baka dito na ang kwarto ko. Nanatili akong nakatayo sa harap ng Pinto ng Marinig ko ang pagbukas ng Pinto sa Kabila. Isang Babae na may Orange na buhok ang Lumabas. Lumingon siya akin at inirapan lang ako. Napa-buntong hininga nalang ako.    Hindi ko nalang pinansin ang pagtataray niya at Hinarap ko ulit ang pintong Nasa Harap ko. Bubuksan ko na sana Kaso Biglang may nagbukas nito. "Hi." Sabi ng Isang babaeng Maganda na nasa harap ko. Nakangiti ito. Ngumiti ako at nag bow sa kanya.    "Ahm. Hello. Good evening." Bati ko. "Ikaw siguro ang Bago naming kasama dito sa dorm. Halika pasok ka." Sabi niya. Nagpasalamat naman ako  at saka pumasok.    Wow! Ang laki! Parang Mansion na namin to sa Kabilang mundo ah. Kulay puti ang Buong paligid. May mga halaman at Maraming paru-paro na nagliliparan. Nasa kaliwa ay Mahabang Hagdan na Napapaligiran ng Vines. May Dalawang Fairy na Nasa may hagdan. Siguro ay nagniningning na ang mga mata ko ngayon. Sobrang nakakamangha, matagal kong hiniling na makikta ng totoong fairy. Dati nababasa ko lang ang tungkol sa kanila, ngayon may nakikita ako. Dalawa pa! "Pam! Pam! Nandito na ." Masayang sigaw ng kasama ko. " Wait lang ha!? Tatlo kasi ang magkakasama sa bawat dorm. Si Pam nasa taas pa. Ako pala si Rim. isang fortune teller." "Fortune teller?" kunot noo kong tanong. Manghuhula? Ngumiti siya at tumango. " I could see Someone's Future or What will Happen For the coming days and events." Nag-bow ito. Ini-abot naman niya ang kamay niya kaya nakipag shakehands ako.  "Magtakip ka na ng Tenga." sabi niya. Napatingin ako sa kanya na "Why look."  pero tanging"Basta." nalang ang isinagot niya.   Magtatakip na sana ako ng Tenga kaso huli na.    "Kyaaaahhhhhh!!!!!!!!!! " Napansin ko Si Rim na nakatakip na ng tenga. Walastik !! Ang lakas tumili ng isang to.  "Pam! Tsk. Diba sabi ko sayo Wag ka tumili. '' Suway sa kanya ni Rim.   Kung Si Rim Ay Pinkish ang buhok itong isang to naman Ay mejo blonde. Maganda rin siya, Maputi. Lumapit bigla yung dalawang Fairies Dun sa Pam na nasa Mejo gitnang bahagi ng hagdan. "Bakit Master? Bakit master?" Tarantang tanong ng Blonde din na fairy. Maging ako din ay nataranta eh. Kung sa mundo namin baka nagkagulo na ang mga kapit bahay mo at aakalaing may sunog. "Hehe Wala. Na-excite lang ako. Amg ganda kasi ng Room mate natin." Lumapit siya sa akin at Hinawakan ang mga kamay ko. "Hello!! Welcome !! Ako nga pala si Pam. Sound manipulator. Nice to meet you Beautiful Lady." Napangiwi ako. Tomboy kaya siya? Kinilabutan ako, may pagkindat eh! "Ah! H-Hello." Tsaka ako nag alinlangang ngumiti. Alanganin ata ang isang to. Sayang, ang ganda pa naman.   Sinipat ko ang orasan. Wala palang orasan, wala akong makitang wall clock.  napatingin ako sa wrist watch ko. Bakit di gumagana ang relo ko dito? Tsk.  "Wait here Hera. Ipagtitimpla kita ng maiinom." nakangiting sabi ni Pam. Ngumiti ako ng bahagya at tumango. Mesiyo naiilang pa kasi ako. Although mababait naman sila. Mahirap lang ulit magtiwala. Nag-aalinlangan din akong magsalita ng magsalita, malay ko ba kung may ipinagbabawal silang salita dito. "Ahm. Rim?" Tawag ko sa katabi kong busy sa pag tirintas ng maliliit na buhok ng Fairy. Ang liit na nga pero akalain mong ngawa pang i-braid.    "Yes?" She asked smiling. "Anong oras na? May clock ba dito?" Sabi ko. Inginuso naman siya ang wall clock malapit sa pinto.  Kaya pala hindi ko mahanap, nasa likuran ko.6pm na pala.  "Matanong ko lang Hera. Bakit ganyan ang damit mo? Galing kang Mortal world noh?" Napalingon ako kay Rim na Pinitik ang fairy matapos niyang ayusin ang buhok. Halos bumalibag ito kaya pinagtawanan ito ng Isa pang kasamang fairy. Hahaha ang kulit nila. Hinabol niya iyon dahil pinagtawanan siya. nakaka aliw ang kakyutan ng mga to. "Hera." "ha!?... Aw sorry naaliw kasi ako sa dalawang to." turo ko dun sa mga fairy. "Ah oo. Kakagaling ko lang dun. Si Lyra at Steban ang naghatid sa akin dito." sabi ko. "Oooooh. Sila pala?" Tango-tango niyang sabi.  Tatanungin ko sana kung bakit kaso Biglang pumasok si Pam na may dalang tray ng maiinom. "Alam mo Hera. Familiar ka sa akin. Parang nakita na kita somewhere." Sabi ni Pam matapos ilapag sa lamesa ang tray. Napakunot noo naman ako. "Hayaan mo na lang yan Si Pam." bulong ni Rim na natatawa.  "Huy! Binubulong mo Rim? " Sita niya kay rim. Alam kong Sound manipulator siya pero hindi kailangan na laging naka high tone ang boses diba? Garabe nakakabingi. Nag hands up nalang si Rim na tumatawa. "Narinig ko usapan niyo kanina Hera. So, Galing ka rin Sa Mortal World?" Tumango ako. "Anong ability mo or power mo?" Tanong ulit niya.  Napayuko ako. Anong sasabihin ko? Hindi ko naman kasi alam eh. "H-hindi ko alam eh." I said. "WHAT?" --bulalas ni Pam.   "OA Ah. Pero seryoso? Hindi mo talaga alam?" Tanong ni Rim kaya umuling nalang ako sa tanong niya. "Don't worry. Ganyan din ako Noong unang punta ko dito. 2years palang ako dito sa Genovia." Saad ni Pam. Wow! Talaga? "Sa Mortal world din ako ng galing." "Talaga!?" Manghang tanong ko. Bahagyang natawa ang dalawa kaya napayuko ako.   "Yeah. Noong Una, Kulelat ako. Hindi ko alam ang Ikikilos sa ganitong environment as in kakaiba kasi dito diba? Hindi pamilyar sa mata ko yung mga nakikita ko. I came up to the point na Gusto ko nang bumalik sa Mundo ng mga tao. Pero hindi Pwede dahil dito ako nabibilang. Pero Kahit na sobrang Hirap sa una Well, Na-survive ko naman. Namaster ko ng paunti-unti ang ability ko. Kaya don't worry, Kaya mo yan. Lalabas din ang Kapangyarihang taglay mo." She patted my shoulder. May pag-asa akong magkaroon ng kapangyarihan. Buti naman, kasi feeling ko ipapapatay ako ng hari nila kung sakaling wala akong kapanyarihan. Tapos pagbibintangan nila akong espiya tulad sa mga Kdrama na pinapanood ng mga kaklase ko. "Salamat." "Kung Genovian ka Bakit hindi paroin lumalabas ang Kapangyarihan mo? Teka Ano bang Kapangyarihan ng mga magulang mo? Pwede kasing mamana mo ang isa sa kapangyarihan nila." tanong ni Rim habang kumukuha ng Pink na cookies. PINK NA COOKIES? WHAT THE HECK!?   "PINK TALAGA YAN? IS THAT POISONOUS? THE HECK!" bulalas ko. Sorry na! Ako na OA, pero sige nga, ikaw kaya sa pwesto ko. Jusme! kakaiba ang mga tao dito. "Relax. Hera relax. Safe yan.Hahaha marami ka pang makikita na kakaiba dito. haha Ang cute mo magulat. Oh eto, Taste it." Sabay abot ni Pam ng Cookies sa akin. Nag alangan pa ako noong una. Pero makulit sila eh. "Ang sarap naman." I said then bite again. Ineenjoy ko pa ang pagkain ng ibalik ni Rim ang topic. "So ano ang kapangyarihang meron ang mga magulang mo?"  "Actually I don't know. I was Adopted by them-yung kinilala kong magulang. Yun. Then wala ako alam na any info about my real parents." Sagot ko. "Di bale. Madadaan yan sa Pagsasanay."  "Pagsasanay?" tanong ko. Exam? lah! Bigyan nila ako ng reviewer ha!?  Tumango silang Dalawa, pati yung mga Fairy. "Training."   napanganga ako sa sinabi ni Pam. Traning? Nagkwentuhan lamg kami. Sa ilang minutong kwentuhan namin ni Pam at Rim ay Naging komportable na ako sa kanila. Si Rim mapang asar at may pagkaseryoso. May kapatid daw siya na Babae. Dalawang magkapatid. Nag aaral raw ito sa Primary Level school dito sa academy. Parang elementary raw sa Mortal worl sabi ni Pam. Nagets ko naman. Tapos kami raw ay nasa College leve na. Si pam naman. Ulila na raw. Kapag End of the month or semestrial break at Pwedeng umuwi sa kani-kaniyang bahay ay Sa bahy nila Rim siya Tumutuloy. Just Like me She came from the mortal World Without knowing who Are her Parents. Kaya naiintindihan ko siya. Ito namang dalawang fairy daw ay ang tagapagbantay ng Dorm. Lahat ng Dorm ay may dalawang fairy ang nagbabantay at pinapanatili ang kagandahan. Lalaking fairy din sa mga lalaking students. Hindi sila madalas lumabas ng dorm. Nagkukwentuhan kami ng may maisip na Gawin si Pam. "Kain nalang tayo dun sa Revenhill This Dinner. What do you think Rim? Para maipasiyal din natin si Hera doon." Suhestiyon niya. "Anong Revenhill?" I ask. Aba eh sa curious lang eh.   "Basta. Go change. Magbibihis na din kami ni Rim. Your room Is Beside mine. Pag akyat mo ng stairs turn Left. Ikalawang pinto." Tumango naman ako. Tumalima naman ako at iniwan na sila sa Sala. Gusto munang maligo dahil kanina pa ako init na init. Actually Itong suot ko ay yung kaninang umaga pa pagpasok ko ng school. Binuksan ko ang Cream white na pinto na maraming linings ng Gold. May mga gold butterfly. Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang Queen sized bed na Puro Vines na gold ang side. Cream white din ang motiff ng room. May dresser at malaking Walk in closet. Na excite ako. Waaahh!!!  Modeling is real pa rin! Ang daming paru-paro. Ibat ibang kulay.  Napanganga ako sa walk in Closet. Puro Dress and close shoes at mga fashionable things. Kung tutuusin ay Maypagkakapareho ang mga ito sa Mga dress sa Mundo ng mga tao. Pero makikita mo parin ang Pagkakaiba. Ang dress ay puro Above the knee lang ang Haba. Ang tabas ng nasa baba ay Katulad ng Kay Tinkerbell. Kung sino man ang kilala si tinkerbell diyan. Yun bang parang ginupit gupit at pinunit ang ibaba. Ah!! Parang damit din ng mga Fairy!. gets niyo ba? Then yung sapatos ay Flat lang at may Taling malapad na itatali mo paitas sa binti mo.. Wow! Feeling ko parang magmumukhang fairy na din ako. Haha! Big version!  I immediately grab the Sky blue Dress. Belt na Dark blue na inilalagay lang sa hips, At Sky blue din na shoes at my lace paitaas. May malaking puting bilog sa dulo. Agad ko iyong isinuot. Nilagyan ko ng Silver na sequence sa gitna yung belt. And Voala!! Ilulugay ko nalang itong buhok ko.  Saktong pagkatapos kong mag-ayos ay may kumatok na sa pinto ng Kwarto ko. *knock*knock*knock* Napalingon ako sa pintuan ng may kumatok. Ang aga naman nila mabuti nalang at maaga talaga akong bumangon. Hindi pala, hindi ako makatulog. In short wala pa akong tulog kakaisip kagabi. Di ko kasi parin akalain na totoo ang nangyayari ngayon. Iniisip ko kasi kagabi na kapag natulog ay magising ako sa nakasanayan ko, gusto ko pero ayaw ko rin naman at the same time dahil hanggang ngayon masakit parin. Hindi kaya ganun kabilis mag move-on. "Hera? Ready ka na ba?" Boses ni Pam na sumigaw mula sa labas ng Pinto.  "Yup. Coming." sabi at saka lumapit sa Pinto. "Woah." yan ang reaksiyon nila paglabas ko. Pati yung dalawang fairy humagikhik pa. "Ang galing mo naman pumili ng Susuotin. Bagay sayo." Sabi ni Pam. She's Wearing red and Pink naman kay rim. "Thanks. Kayo rin." sabi ko. "Let'go?" Tanong ni Rim. Tumango naman kami ni Pam at saka umalis. Paglabas namin ng Dorm namin ay May mga naglalakad lakad din na mga estudiyante. Siguro tulad naming tatlo ay gusto rin nila ienjoy ang gabi dahil bukas ay start na ng klase. Paglabas namin ng building ay Napansin ko nanaman ang paligid. Ang Masarap na simoy ng Hangin. Kahit gabi na ay masisilayan mo parin ang ganda ng Paligid dahil sa mga munting insektong umiilaw at nagliliparan. Malaki kumpara sa mga alitaptap.  "Hera! Hera, wait" napalingon ako sa tumatawag sa pangalan ko. Namataan ko si lyra sa di kalayuan. Agad naman akong napangiti. Kumakaway siya at tumatakbo palapit sa amin. Nginitian ko din siya at saka kumaway din ako para mag hi kayalang ay parang sinesenyasan niya ako na wag muna akong aalis. "Si Lyra. May sasabihin ata." Sabi ko kay Rim at Pam. "Si Lyra?" Tanong ni Rim na napahinto rin sa paglalakad. "Hoy! Pam! Saglit lang." Tawag niya kay Pam na Daldal ng daldal habang patuloy sa paglalakad. Hahahaha! Grabe talaga itong isang to. Ang lakas ng sapak! Mukha na siyang baliw. huminto siya at nagpapapadyak ng paa sa inis. haha. "Oh Lyra? What's with the hurry?" Tanong ko kay Lyra nang makalapit ito sa amin ni Rim. "May sasabihin lang ako. Pumunta ako sa Dorm niyo pero sabi ng mga fairy lumabas kayo. Glad I Saw you." Tumango siya kay Rim. "Uy Rim, Long time no see." "Oo nga eh." sagot ni Rim ng nakangiti. Buti naman at magkakakilala sila. Hello Hera, ikaw lang ang bago dito. Kaya malamang magkakakilala na sila. Maktol ko naman sa isip ko.   "Siya nga pala Hinahanap ka ng Bestfriend mo pang isa." Baling niya kay Rim at Napansin kong namula siya. Huh? Anong meron sa BestFriend? Bigdeal? Nagiging tsismosa ako. "Siya nga pala Hera, Pumunta ka sa Admimistrator's Office. Hindi ka pa officially enrolled may aayusin pa. First thing in the morning. Okay?'' "Ah sige salamat." "Pano? Mauna na ako ah Rim at Hera?" Paalam niya sa amin. Nagwave nalang kami. "Magkakakilala pala kayo ni Lyra?" Tanong ko sa kanya habang papunta sa Pwesto ni Pam.  "Magkaibigan kaming apat. Si Lyra, Si Steban, Pam and me." She said.    "I see." Sabi ko nalang in a sad tone. Buti pa sila. haist. Naalala ko tuloy sina Clyde, Chloe, Kris at Eldan. Pati si Ayu.  "What's with the long Face Hera dear?" Bungad ni Pam nang makalapit na kami. "You can be one of our circle if you want. We would be happy if you will?" Masayang sabi niya. "Lakas ng pandinig ah." Imik ni Rim. "HAHAHA AKO PA! " May aning to promise. "So ano Hera? friends?" Nakangiti niyang tanong. Halatang naghihintay din si Rim ng sagot ko. Hindi naman siguro masama na magtiwala ulit at makipag kaibigan diba? Sa tingin ko naman mabait sila at hindi nilá katulad ang mga dati kong naging kaibigan. Maganda naman ang ipinapakita nila sa akin, to think na outsider ako. Napangiti tuloy ako walang pagdadalawang-isip na tinanggap ang pakikipagkamay nila. "Friends."Tumango ako ng nakangiti kaya sinunggaban nila ako ng Yakap. At sabay sabay kaming tumawa. Ang gaan ng loob ko sa kanila. Ngayon lang ako nakaramdam ng saya at tuwa ng dahil sa kaibigan pero siyempre bukod kay Ayumie na Talagang parang kapatid ko na. New World. New Life. New Beginning. New Friends."Hera! Hera!" Napalingon ako sa tumatawag sa akin. Namataan ko agad si Lira sa di kalayuan na kumakaway sa akin. Napangiti naman agad ako, tulad ng sinabi niya kagabi ay nagkita ulit kami. Ngumiti ako habang palapit siya ng palapit at masayang kinawayan ko siya. "Si Lyra, may sasabihin ata siya." Sabi ko. I will miss everyone in the mortal world. Ayumie, si mommy at daddy, si J-Jiro, sila Kris. Kahit oa ganun ang nanyari  aminado akong malulungkot ako kapag nawala ang memories ko kasama sila. Sigurong hanggat maari ay lagi ko parin silang iisipin. Someday, we will meet again. The next morning. "Malayo pa ba guys?" Tanong ko. Kanina pa kasi kami naglalakad. Mga 5 minutes na. "Malapit na. Diyan nalang sa unahan yung sakayan oh." Sabi ng tuwang tuwang si Pam. Ano ba kasi ang Revenhill na yan? "Saan nga uilit tayo Pupunta? Revenhill?" Tanong ko ulit. Sorry ah. Kulit ko. "Yup. Don't worry Sa labas na yun ng Academy Pero Nasa Loob pa Ng Genovia." Explain naman ni Rim. Tumanho naman ako. Maya maya pa ay Huminto na kami.Huminto kami sa harap Isang Maliit Parang bahay na may maliit na bubong. Maraming Carpet. Bakit naman puro Carpet? Siguro Si Aladin Ang May ari ng tindahan na to? Pero teka. Bakit walang Bantay.? "Akalako ba sa sakayan? Bakit wala man lang car dito?" Tanong ko nanaman. "HAHAHA! Silly Hera. This is not Your former World Anymore. " she said. Sorry naman po. Eh sa naninibago pa ako eh. Napanguso nalang ako. "Hey! Don't pout. Haha Here." Then inabot niya sa akin ang isang carpet. "Anong gagawin ko dito!?" "Sasakyan mo." Sabi ni Rim at Kinuha din ang isa Ganun din naman si Pam. Napanganga nalang ako. Say What? Sa-sakyan!? Waaahh!!! Ayoko na. "S-seryoso?" I asked in a nervous tone. They nodded. "Aa hehe. Kakain lang naman tayo dun diba? Gusto niyo magluto nalang ako sa Dorm?" Please umeffect sana ang segwey ko. *cross fingers* "Sus! Wag ka matakot. At isa pa Kailangan mo Rin maranasan to dahil Dito kana titira sa mundong ito Habang buhay. Masasanay ka rin." Biglang sabi ni Rim at tinapik ako sa balikat. Inilapag niya sa Lupa ang Carpet at tumayo doon. Ipinadyak niya ng mahina ang isang paa ng dalawang beses. Then lumutang ito na hanggang tuhod. Ako? Bagsak panga! Nganga! "Sige na. Just Try. This is fun." at tulad ng ginawa ni Rim ay Ganun din ang ginawa ni Pam. Dalawa na sila ngayon. Tinignan ko ang mga carpet. Pare-pareho ng Size pang isang tao lang. Huminga ako ng Malalim. Inilapag ko ang Carpet sa Lupa at tumayo ako sa Ibabaw noon. "Tap your Foot twice. Then When you are already Levitating Make sure that you are the one Who's controlling it. Don't Let the carpet drive by itself. Got it?" Paliwanag ni Pam. Tumango ako Kahit di ko masiyado nakuha ang nais niyang sabihin. I tapped my Left Foot Twice. Nagulat ako ng Biglang itong umangat at muntik pa akong ma-out balance. Good thing I manage to balance. My heart is Beating so Fast. "Okay! Let's go! Wooohhoo!!" sabay nilang sabi at mabilis pa sa alas kwatro na Lumipad pataas ang Carpet. Ilang beses pa akong napalunok. Please Carpet, Makisama ka."Hera! Hera!" Napalingon ako sa tumatawag sa akin. Namataan ko agad si Lira sa di kalayuan na kumakaway sa akin. Napangiti naman agad ako, tulad ng sinabi niya kagabi ay nagkita ulit kami. Ngumiti ako habang palapit siya ng palapit at masayang kinawayan ko siya. "Si Lyra, may sasabihin ata siya." Sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD