ELIJAH'S POV Dahan dahan kaming naglalakad ni Macy para hindi makagawa ng ingay habang nakasunod kay Lolo. Nagtago kami sa likod ng mga halamang ligaw para masilip at marinig ang paguusapan nila. "Kuya, usog ka naman." Siniksik ako ng siniksik ni Macy sa gilid, ang kati-kati pa naman nitong mga dahon dito. "Huwag kang maingay." "Ayan na palapit na si lolo." Napatingin ako kay Generous na sobrang bagal maglakad. Pinantayan siya ni lolo. At mukhang ikinagulat niya iyon, bigla kasi siyang namutla at pagkatapos ay namula. "You're here." kaswal na usal ni Lolo. "Y-Yeah." di ko magets kung bakit awkward pa rin sila sa isa't isa eh kung mag-asawa naman sila. Tuloy ay mukha lang silang nagliligawan at hindi makaamin ang isa't isa sa tunay na nararamdaman. "Are you still mad at me?" nakayuko

