HERA'S POV "Sino ka?" Ulit niyang tanong. Ilang beses akong napakurap. Seryoso ba siya? "Clyde. Ano bang pi-" hindi ko pa natatapos ang dapat na sasabihin ko ay nakalapit na siya sa akin. Hindi lang siya basta lumapit dahil naramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa leeg ko. Nanlilisik ang mga mata niya at galit na galit. Sa kabila ng pagkabigla ko sa ginawa niya ay Kumalma ako. Si Clyde parin siya. Maaring wala siya sa sarili niya pero si Clyde parin siya. "Ako to. Si Hera. Clyde." napangiwi ako ng mas lalong humigpit ang pagakakasakal niya sa akin. Hindi ko akalaing magagawa niya ito sa akin. Magagwa niyang sakalin ako ng mahigpit. Hindi ko akalaing hindi niya ako makilala. Pero Hindi Porket hindi ako nakikilala ng mata at isip niya ay susuko na ako. Sana Makilala ako

