"Merde! Umandar ka na please!." Hindi napigilang mapamura ni Stacey dahil sa sobrang inis. Kanina pa niya sinusubukang paandarin ang kotse. Bumaba siya ulit at itinaas ang hood ng sasakyan. Pinakatitigan ang makina at iba't-ibang kableng nasa harapan. Bumagsak ang balikat dahil sa frustration. Paano niya mapapaandar ang sasakyan kung wala siyang alam doon. Sa sobrang inis, on impulse ay nasipa niya ang gulong ng kotse at napasigaw sa sobrang sakit. "Ouch,wooh!” impit niyang daing. “What is your problem? bakit ba ayaw mong umandar?" sigaw niya sa sasakyan na parang naiintindihan siya nito. Nag-panic ang utak niya. She needs to go home. Tumawag ang magulang kanina upang sabihin ang biglaang pag-uwi ng mga ito bukas. Kaya imbes na sa ospital siya magpapalipas ng gabi para samahan si Caitlin

