Chapter VI: Confession

4516 Words
Hangang tenga ang ngiti ni Stacey habang palabas ng naturang bookshop. Noong nakaraang araw habang pauwi ay hindi sinasadyang mahagip ng mata ang partikular na libro sa display shelves sa naturang tindahan. Wala siyang dalang pera kahapon kaya ngayon niya lang nabili ang hawak. May collection siya ng Princess Diaries pero naiwa niya sa Canada ang isang volume. Ikinatuwa niyang may nahanap siya dito sa Pinas. Saktong mapadako ang mata sa kumpol ng mga estudyanteng palabas ng unibersidad. Puro puti ang suot ng mga ito. Hindi maintindihan ng dalaga ang biglang pagtahip ng dibdib habang sinusuyod ng tingin ang mga ito. She's looking for a very specific person. Tinignan niya ang oras sa suot na wristwatch. Maaga pa naman. Gusto ko lang siyang makita. Gusto kong malaman kung ganoon pa rin ang epekto niya sa akin. Sa tingin niya ay epekto lang ng paninibago sa mga nakakasalamuhang tao ang mga kakaibang nararamdaman. Baka naninibago lang siya kay Andrew dahil ito ang kauna-unahang lalaking nagpakita ng ganoong pakikitungo. Sa Canada kung saan diretsahan ang mga lalaki ay nagagawa niyang tarayan at isnabin ang mga ito, Pero bakit kay Andrew ay nauunahan siya ng kaba at umuurong ang dila niya. Aaminin niyang gwapo si Andrew. But for her, He's just another man na walang ibang alam gawin kundi ang magpa-cute. Allthough minsan ay talagang apektado siya. Minsan lang ba, tukso ng sariling kunsensya. Pumuwesto siya sa katapat ng gate at inabangan ang paglabas ng binata. She wanted to see even a glimpse of him. Para matapos na ang lahat at mapatunayan niyang wala talaga siyang espesyal na pagtingin dito. Ngunit sa malas ay hindi man lang niya nasilayan kahit anino ng binata. Alam naman niya ang bahay namin, pero kahit minsan hindi man lang siya dumalaw. Siguro nga hindi naman talaga niya ako gusto at pinagtritripan lang niya. Baka nagkamali ka lang ng sapantaha. Kung talagang may balak siyang suyuin ka matagal na siyang gumawa ng paraan para lapitan ka ulit. Sulsol pa rin ng sariling isip. And so? mas okay na rin iyon para walang makasagabal sa pag-aaral ko. Sabi ng kabilang bahagi ng isip. Besides, Adrew is a college student. Wala itong mapapala sa isang highschool na tulad niya. Pero bakit bigla siyang nakaramdam ng lungkot at paghihinayang sa kaisipang iyon. "Stacey?" Alanganing tanong na mula sa likuran. Sandaling naitulos siya sa kinatatayuan. Her heart almost jumped out of her chest because of the sudden excitement.Dahan-dahan siyang humarap habang kagat ang ibabang labi. "Y-You..." she uttered in amazement. Ngayong nasa harap na niya ito ay biglang hindi niya alam ang gagawin. He was really neat in his uniform. Not to mention, he is breathtakingly handsome. "Anong ginagawa mo dito. Ako ba ang hinahanap mo?"may amusement sa mga mata nito. Then again his bashful smile. Lalo tuloy siyang napipi. She just stared at his handsome face. "Hey, what's wrong? Tinatanong lang kita." He asked worriedly as he gently brushed her cheeks. Stacey blinked her eyes para siguradohing hindi siya nanaginip."H-huh" "Your weird today" he commented na lalong nagpaluwang sa ngiti nito. He had a toothpaste commercilal kind of smile. Kaya naman hindi niya masisi ang sarili kung bakit siya natutulala sa harap ng binata kapag ngumingiti na ito ng ganoon. Ipinilig ng dalagita ang ulo para bumalik sa sarili. "Ahm, I just uh. . . N-napadaan lang ako" palusot niya. Gosh she was stammering. Shame on you! kastigo niya sa sarili. "Really, akala ko pa naman hinahanap mo ako" Napakamot ito sa ulo. She cleared her throat at nag-iwas ng tingin. "Hindi! Bakit ko naman gagawin iyon." Mariing tanggi niya at tuluyang tinalikuran niya ito. Dire-diretso siyang naglakad para itago ang pamumula ng pisngi. "Hey hindi naman diyan ang daan pauwi sa inyo." There is amazement in his voice as he followed her. Huminto siya. Napapikit ng mariin saka nakagat ang pang-ibabang labi. Gosh! What's happening to me. Tumigil siya sa paglalakad at bumalik sa pinanggalingan. "Wait." Pinigilan siya nito sa braso. Sumeryoso ang mukha nito "Care to go with me?" It wasn't an invitation but rather a command. "I want to talk to you. Follow me." Wala sa sariling sumunod siya ng mapagtiuna ito. She think that Its better than wrestling with the alternatives. Or maybe she's losing her sanity. Whatever! Iginaya siya nito sa isang kotse. A grey Toyota Hilux. Ang sosyal naman ng sasakyan nito para sa isang estudyante lang. At lintik may kotse pala ito hindi man nag-abalang kunin iyon ng mag-presenta itong ihatid siya. Ilang araw kaya siyang nagtiis sa pananakit ng paa dahil sa suot niyang heels.Though she enjoyed it a little bit when he walked her home. Pinagbuksan siya ni Andrew ng pinto bago gumawi sa manibela at nag-drive. Tahimik sila habang tumatakbo ang sasakyan. Parang gusto tuloy niyang kantahin ang passenger seat dahil sa eksena nila ngayon. "S-Saan tayo pupunta?" maya-maya ay tanong niya nang hindi makatiis. Ngumiti ito at muling nasilayan ang dimples nito. "Gusto ko lang mamasyal" At siya ang gustong kasama. "Bakit mo ko isinama" kunwari ay unaffected siya. "Ano sa tingin mo?" "M-Malay ko sa iyo." Pagtataray niya dito. "Come on Stacey, don't be coy. Alam kong alam mo kung bakit." Napasimangot siya sa sinabi nito..Napansin naman ng binata ang ang reaksyon niya . "Sorry." Hinging paunmanhin ni Andrew nang mapansin ang pananahimik nito. Nabanggit kasi ni Angela na galing ito ng ibang bansa. Kaya akala niya ay okay lang gamitin niya ito ng ganoong salita. Wrong move, naisip ng binata. Itinabi ni Andrew ang sasakyan. "Anong gusto mong gawin natin?" Nanlaki ang mata niya. Kahit sabihin pang if ever na may gusto siya sa binata ay hindi pa rin siya papayag sa gusto nito. Kahit tumira siya Canada ng ilang taon, kahit kailan ay hindi siya naimpluwensyahan ng mga tao doon. Nagulat siya ng bumunghalit ito ng tawa. "Really, Stacey." Lumapit ito sa kanya as in malapit na malapit na ramdam niya ang hininga nitong dumadampi sa mukha niya, napasandal siya ng maigi sa sandalan ng upuan. And held her breath. Tumira siya sa isa sa pinakamalamig na lugar sa Canada kaya imposibling dahil sa aircon ang panginginig na nararamdaman niya. Bahagyang naningkit ang mata ni Andrew at tumitig sa mga mata niya. "No matter how strong I feel for you. Alam kong hindi puwede, Stace." Bumaba ang mga mata nito sa labi niya. Ilang segundo din itong sa ganoong ayos bago lumayo at sumandal sa kinauupuan. Saka lang nailabas ang pinipigilang paghinga. Maya-maya'y muling nagsalita si Andrew. "May boyfriend kana ba?" He asked in low voice. Na parang anytime ay sasabugan ito ng bumba. This is it. Her hatest part, the confessions. Nagsimulang pagpawisan ang mga kamay niya. "Hindi ka na sumagot. Do you have special someone?" Anang binata nang hindi na siya sumagot. "Yes." Hindi na niya naisip na iba ang kahulugan ng binata sa sinabi niya. Nakita niyang humigpit ang hawak nito sa manibela "Sino?" Tanong nito. Hindi siya nakaimik. Dapat ay no ang sagot niya. Ngunit bakit parang ayaw bumuka ng bibig niya.Talaga ngang wala siyang control sa sarili kapag kasama niya si Andrew. "Sabi nila wala kang boyfriend. But I guess they were wrong." He said as if it was intendent for himself only. Nanibago ang dalaga sa tono ng boses nitong nabahiran ng lungkot. "No, I don't have a boyfriend." Bawi niya. She didn't want to correct his thoughts but she did anyway. "But you just said it a while ago. . ." He stopped when he finally figured it out. " Of course, you don't have a boyfriend. But you like someone. It was stupid for me to not figure it out. Sino? Ako ba yon?" Muling bumalik ang sigla nito. Yes. Maybe. Gusto niyang sabihin pero mas pinairal ang isip. Kinagat niya ng mariin ang labi upang hindi siya makapagsalita. Baka maipagkanulo pa siya ng sarili. It was long moment that no one speak. Pareho lang silang nakatingin sa harap. "I'm going to court you Stacey" His words was firm na parang ipinapaalam lang nito sa kanya ang gagawin. Hindi na niya ikinagulat ang pagiging prangka nito. "Paano kung ayaw ko" hamon niya. "Is that what you want? Why? At least I'm entitled to your explanation." He paused and then continued. "I know what you feel Stacey. I know the feeling is mutual. Siguro'y naguguluhan ka lang sa ngayon. But you will realize it eventually. And I won't wait long. Alam ko. I can feel you tremble in my arms that night when we danced. And believe it or not. Base sa reaksyon at ginagagawa mo'y maaaring tama ako." Hindi siya agad nakasagot. Hindi nga kaya tama ito. Ah ewan. Nalilito at naguguluhan siya. "How can you be so sure though. Aren't we being conceited here?" "I know, I just feel it" He was so sure of his words. "Why do you want to court me, I want the truth?" Tanong niya. "Do I need to answer that?" Nang makita ni Andrew ang reaksiyon ni Stacey ay nagpatuloy ito. "Because I like you." sagot nito sa nahihirapang tinig. "Hindi ba pumasok sa isip mo na kasing-edad lang ako ng kapatid mong babae?" She reminded him. "And so?" "And you're already in college." "Mayroon bang law na nagsasabing hindi pwedeng manligaw ang isang college student sa isang highschool student?" "I am a minor, I should be calling you kuya, like Angela." Napuno ng malakas na halakahak ang loob ng sasakyan. "You have a point. Gusto mo ba akong tawaging kuya?" She shrugged. "I might, out of respect." "You amused me, Stace. You are giving me this feeling of je ne sais quio." "Je ne te crois pa..." she replied. "And now you are talking in French."Puno ng pagka-aliw ang tinig nito. "'You started it." Pagbabalik niya rito. She is not fluent in French pero mandatory na pag-aralan niya ang naturang lengwahe being the second language in Canada, English being first. "Okay, enough with the argument. Iyun lang ba ang problema? I can ask your parent's permission." Sabihin pa'y nagulat siya. Is he being serious? "I am serious Stacey. I like you a lot. I don't believe in love at first sight pero mukhang iyun ang nangyari sa akin. I can't get you out of my head and my system." Napalunok siya. When he looked at his eyes, nabasa niya ang sincerity sa mga mata nito. "B-But I'm just an ordinary highschool student. Wala kang mapapala sa akin." "I will decide about that Stacey. I promise I won't harm you. We are both attracted to each other despite our age gap, bakit hindi natin subukan?" "Y-You might get disappointed with me?" She warned. Wala siyang alam sa pakikipag-relasyon. And he's 22 according to Angela. "Again, I will decide on that. I might be selfish for courting you sa kabila ng edad mo. But I think I'm in love with you, Stace" She was socked pero sa bandang huli ay napabuntong-hininga. Bakit may think sa sentence nito. Ibig sabihin ay hindi pa ito sigurado sa nararamdaman. "Sabihin mo sa akin yan pag wala na ang "think sa sentence mo" She can't go on with it. Tama nang pinag-bigyan niya ang sariling makarating hanggang sa puntong iyon. Kailangang maging sigurado ito sa feelings nito towards her before he ask the permission to court her. She might give him a chance then. "But. . ." "Gusto ko nang umuwi Andrew" matigas niyang sabi at hindi binigyan ng pagkakataon ang lalaki na makatutol pa. Walang nagawa ang binata kundi sumunod. Tinahak nila ang daan pauwi sa kanila. Wala silang imikan habang nasa daan. Sa parte ng dalaga ay nakikiramdam siya. Was he sincere about everything he said? That she doesn't know. Huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay ng tiyahin. Bubuksan nalang niya ang pinto ng sasakyan ng magsalita. " I'm still going to court you Stacey. So expect to see me anytime soon" Tuluyan niyang binuksan ang pinto at lumabas. Hindi na niya hinintay na umandar ang sasakyan ng binata at dire-diretso siyang pumasok sa nakabukas na gate. At naging laman ng isip ni Stacey sa mga sumunod na araw ang pangyayaring iyun. "Wala bang tao dito sa inyo ngayon?" Stacey asked as she enter the door. Nasa bahay sila ng mga Martinez at kanina pa niya hindi maintindihan ang sarili sa sobrang kaba. "Wala nga maliban kay Manang Nelia at tatlong katulong. Nasa Martinez Hotels sila mommy at daddy, si kuya Aaron ay nasa work . And my three brothers are at school" sagot Angela. Hindi ito kababakasan ng anumang panghihinala sa tanong niya. " Saka okay lang naman pag andito sila. They would love to see you here". "Oo nga, ako nga lagi na dito eh" si Gail na prenteng umupo sa sala. Nakahinga siya ng maluwag. Ayaw sana niyang sumama dahil baka makita niya doon si Andrew. Hindi pa niya alam ang iaakto kung sakaling magkita sila. Saktong lumabas ang isang may edad na babae mula sa isang pinto. "O andito kana pala Angela. Ang aga mo naman. At oh, may bisita pala tayo". Nagning-ning ang mata nito sa katuwaan nang makita siya. "Yes Manang, maaga kasi kaming dinismiss ngayon may meeting ang mga teachers eh. And siya nga pala si Stacey, bagong classmate namin. Simula ngayon lagi na siyang pupunta dito. Stacey si Manang Nelia, she's like a second mother to us". Pagpapakilala ni Angela habang nakayakap sa beywang ng matanda. "Hello po, kumusta po kayo?" magalang niyang bati at nag-mano. "Hay mabuti at nadagdagan na naman ang maganda dito sa amin. Lagi kang pumunta dito hija para hindi puro mga barako ang nakikita ko sa bahay na ito". Nagtawanan ang mga ito. " Ay siya sige igagawa ko kayo ng meryenda". At umalis na ito. Sinundan ito ni Angela sa pagtataka niya Umupo siya sa tabi ni Gail at inikot ang mata sa marangyang receiving area. Napatingin siya sa side table kung saan may mga nakalagay na hilera ng mga picture frames. Kinuha niya ang family picture at tinitigan. They looked like a big, happy family. Puro nakangiti ang mukha ng nasa larawan. Ibinaba niya iyon at sunod na kinuha ang solo picture ni Andrew. Close up pagkaka-kuha kaya nagkaroon siya ng pagkakataon para pag-aralan ang features nito. Kapag kasi kaharap niya ang lalaki ay hindi niya magawang titigan ang mukha nito dahil nauunahan siya ng hiya. "Ang gwapo ng mga kuya ni Angela noh?" Nabigla siya nang makitang nakatingin si Gail sa sa hawak niya."Pero para sa akin mas gwapo si Aaron " Kinuha nito ang isa pang litrato ng isang lalaki at sa gulat niya'y dinala iyon sa dibdib. Napangiti siya sa kalokohan ng kaibigan. Buti pa ito kayang aminin ang tunay na nararamdaman. Sino ba yang tinititigan mo?" Curious nitong sinilip ang hawak na litrato at makahulugang tumingin sa kanya. "Si kuya Andrew to ah" may bahid ng panunukso ang kislap ng mata nito. "Bakit tinitgnan ko lang naman ah" patay malisya niyang sabi at ibinalik ang hawak at kunwa'y tinignan naman ang ibang larawan. Binigyan siya ng makahulugang tingin. But she managed to maintain her poker face hanggang sa nag-give up na ito. "Sabi mo eh." Lumabas si Angela mula sa pintong pinasukan nito kanina at lumapit sa kanila. Natawa ito nang makita ang hawak ni Gail. "Pinagpapantasyahan mo na naman iyang litrato ni Kuya." Komento nito "Kung ibinigay mo na kasi sa akin ito di hindi na ako magkakaganito." "Binigyan na kaya kita." " I'm not satisfied with it. It should be like this so I can see his whole face." Nakangusong sabi ni Gail. At puno ng pagmamahal na tinitigan ang lalaking nasa larawan. "Hindi nga pwede kasi ipinasadya pa yan nila Mommy para pare-pareho." "Kung pumayag kana kasing pikutin ko ang Kuya mo di hindi na sana ko nagkakaganito." Namilog ang mata ni Stacey sa tinuran ni Gail. How can she be so open about her feelings? Paano kung sabihin rin niya ang pagkaligalig na nararamdaman dahil Andrew? Will Angela hate her? Baka isipin nitong kaya siya pumayag makipagkaibigan sa mga ito ay dahil kay Andrew. "Sira, Ewan ko lang pag narinig ka ni kuya Aaron". Kinuha nito ang bag sa upuan. " Tara sa kuwarto ko,ihahatid nalang ni Manang dun ang meryenda natin".Nagpatiuna na ito sa hagdan. Habang naglalakad papunta sa kuwarto ay hindi niya napigilang hindi igala ang paningin, wondering which room belonged to Andrew. At ayun na naman ang abnormal na pintig ng puso. "Ang laki naman ng bahay niyo." Hindi napigilang komento. "You know what Stacey, I had the same impression when I first came here. Nagtataka nga ako kung nagkakakitaan pa ang mga tao dito. But I guess It's just a matter of getting used to something." Gail voluntered to answered,na ikinataas ng kilay ni Angela. "Na parang naa-alala mo pa nang una kang pumunta rito?" Komento ni Angela. "Eh, I just realized it diba Stace. " Kumukuha ng simpatya ang mukha nitong bumaling sa kanya. Tipid siyang ngumit. Gail is really such a jolly girl. Nagpatuloy siya sa pag-eksamin ng buong kabahayan. Modern ang pagkakayari at very elegant mula sa kulay ng mga walls hanggang sa mga muwebles. Humanga siya sa mga naglalakihang paintings na nadadaanan nila. Pati na ang malalaking jars na sa hinuha ay niya nagkakahalaga ng malaki. The Martinez family is not a joke. No wonder halos lahat ng mga kaklase ay iba kung ituring sina Gail at Angela. They were like royalties. Everyone is trying to please both girls. Kahit ang tita Eden niya ay labis na ikinatuwa ang pagiging malapit sa dalawang babae. Pagdating sa kuwarto ay wala silang ginawa kundi magkulitan. They watched movies at nang mapagod ay pinagtripan ang mga gamit ni Angela hanggang sa makaramdam siya ng pagka-uhaw. Nagboluntaryo si Gail na samahan siya nang walang sumasagot sa intercom sa baba. Nasa kusina na sila nang biglang tumunog ang cellphone sa bulsa ng babae. Nag-excuse ito at lumabas upang sagutin iyon. She took her time dringking habang muling pinag-masdan ang paligid. Ngunit hanggang sa makaubos na siya ng dalawag baso ng tubig ay wala pa rin si Gail. Napagdesisyonan niyang bumalik na sa kuwarto ni Angela mag-isa. Hindi naman siguro siya maliligaw. She climbed the stairs and walked through the desserted corridor. Nang bigla siyang matigilan. A familiar melody started playing. Hinanap niya ang pinanggagalingan ng tunog. The sound is comming out from one of the rooms. Sinasabi ng isang parte ng utak niya na wag na siyang maging curious. But she didn't listen to what her mind's say. Lumapit siya sa isang nakasiwang na pinto. And then the sounds gets louder. Debussy's Claire De Lune. Ang paboritong pinapatugtog ng daddy niya noong nabubuhay pa ito. Back when she was still cheerful, when everything is normal around her. For some reason the songs hypotizes her. It made her feel melancholy, pensive and generally relaxed and out of the race for a short while. It's like a deep breath. And then the next second it was gone. Itinulak niya ang nakaawaang na pinto and stepped inside. "Gail?" tawag niya at nagbakasakaling naroon ang kaibigan. Sa isang sulok ng silid ay tumambad ang isang grand piano. Someone must be here at siyang nag-play ng musikang narinig kanina. But where is he or she may be? Gusto niyang marinig muli ang pagtugtog nito. She step closer sa sofa na nakatalikod sa kanya. Sinilip niya ngunit wala namang tao roon. Inilabas ang kanina pang pinipigilang paghinga. And then someone covers her mouth from the back to prevent her from shouting. Panic rose inside her when the stranger wrapped his strong arms around her waist. Pilit siyang kumawala sa pagkakahawak. Several thoughts crossed her mind at once. Gumapang ang takot sa puso niya. Namasa ang mata niya at alam niyang anytime ay maiiyak na siya. Fear filled her entire body. Pero naisip niyang hindi ito ang tamang oras para doon. Kakagatin na sana niya ang kamay na nakatakip sa bibig ng pihitin siya nito paharap "Stacey?" kumunot ang noo ng binata ng mapag-sino siya. "A-Andrew" she murmured as tears fell on her cheeks. On impulse ay bigla niya itong nayakap. She cried on his chest for a little moment.Hanggang sa unti-unting siyang kumalma. Nang marealize ang inakto ay nahihiyang inilayo ang sarili mula rito. "Sorry, I just overeact" Hindi siya makatingin ng diretso dito habang pinupunasan ang luha sa mata. Kung puwede lang ay manatili siya sa bisig nito. She felt safe in his arms. "Why are you here Stacey?" hindi niya maintindihan kung galit ba ang tono nito. She explains why she entered the room and says sorry for invading his privacy. "You got curious kaya basta ka nalang pumasok dito." Halos mag-isang linya ang kilay nito. "I-I said I'm sorry okay, hindi ko naman sinasadya." Nahihiyang pag-amin. Pumikit ng mariin si Andrew upang marahil ay kalmahin ang sarili. Hindi nito balak pagalitan ang dalaga pero paano kung sa ibang kuwarto ito nakapasok. Magkakatabi ang silid nilang magkakapatid kaya hindi imposibleng mangyari iyon. Habang nakapikit ang binata ay nagkaroon naman ng pagkakataon si Stacey para suriin ito. Nakasuot lang ito ng shorts and plain white t-shirt but it doesn't lessen his handsomeness. Sa halip ay mas lalo pang lumutang ang kakisigan nito. Tama ang sabi ng iba , saka mo lang makikita ang tunay na ka-gwapuhan ng isang lalaki kapag nakasuot ito ng pang araw-araw na damit. Lihim siyang napangiti at bumalik ang mata sa gwapong mukha nito. Pinagmamasdan niya ang mga features nito nang saktong magmulat ng mga mata si Andrew. Sa halip na iiwas ang paningin ay sinalubong niya ang titig nito. By that time she knew that there was no way of stopping the fast beating of her heart. Parang slow motiong unti-unting bumaba ang mukha nito. His going to kiss her. Please not for the second time, hiling niya. Tumunog ang warning bell sa utak niya. Pinapaalalahanan siyang lumayo rito. This is wrong. mapapahiya lang siya muli. Pero bakit tila ayaw sumang-ayon ng katawan niya. Ang mga paa'y tila itinulos sa sahig, ayaw humakbang. And so she had no choice but to close her eyes. It felt like she waited a very long time before she felt something brush her lips. His kiss was smooth, very smooth. Just like a feather brushing on her skin. Maya-maya'y dahan-dahang gumalaw ang labi ni Andrew. Pilit kumakawala ang puso niya mula sa dibdib. It was beating so fast that she forgot of being afraid of doing it wrong. Kusang yumakap ang mga kamay sa batok ng binata at tuluyang ibinuka ang bibig and feeling the intensity of it. Bahagyang napaungol si Andrew. Humigpit ang yakap nito and started massaging her back. Unti-unting gumalaw ang labi niya at ginaya ang ginagawa nito. His tongue trying to tease hers. She felt haven and starting to lose her mind. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Lumayo na ang labi nito sa kanya pero hindi pa rin siya dumidilat. At sa halip ay nakaawang pa rin ang labi niya. He sighed and give her a short kiss. When she finally opens her eyes, she met Andrew's melting gaze. hindi niya napigilang pamulahan ng pisngi. "I think I changed my mind. I don't want to court you anymore" Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Why, what had she done? Na-disappoint ba ito dahil nagpahalik na siya kahit hindi pa sila at sa tingin nito'y easy to get siya? Gumawi ito sa likod niya at nagitla ng ipulupot nito ang mga kamay sa kanya. "Because you are my girl now." Bulong nito sa punong tenga niya. Nagtaasan lahat ng balahibo niya sa batok nang maramdaman ang mainit na hininga nito. On impulse ay humarap siya kay Andrew upang tanungin kung ano ang ibig sabihin nito ngunit natigilan siya dahil malapit na malapit ang mukha nito sa kanya. Napigil niya ang paghinga. Wrong move, naisip niya. Weeh wrong move nga ba? tukso ng sariling isip. Dinampian lang siya nito ng isang mabilis na halik sa labi at umunat ng tayo bago bahagyang lumayo. "By the way, bakit ka pala nandito?" Kinailangan pa niyang hagilapin sa isip ang dahilan ng pagparito. Parang nilusaw ng halik ni Andrew ang laman ng isip. Ipinilig niya ang ulo to regain her memory "I-I am with Angela." "Does she know you're here?" "Kung alam niya di sana kanina pa niya ako pinuntahan dito" pamimilosopo niya. "Is that the proper way to talk to your boyfriend?" kita ang amusement sa mga mata nito. "Y-You're not my boyfriend"aniya sabay ismid. "But we just kissed. And because of that, you're my girl now." "Lahat ba ng mga babaeng hinahalikan mo ay kini-claim mong girlfriend?" Bahagyang naningkit ang mata, she hope not. Lumapit ito, bahagyang yumuko upang magpantay ang mukha at hinawakan ang magkabilang balikat."Your jealous, I like that." may pilyony kislap sa mga mata habang sinasabi iyun. "H-hey, I'm not jealous" Tinabig niya ang kamay nito at nagtangkang tumakbo sa pinto. Pero nahawakan ng binata ang isang kamay niya. "I'll take you to Angela's room, baka kung saang kuwarto ka pa mapunta" at inakay siya nito palabas ng kuwarto habang hawak-hawak ang kamay niya. Kumatok ito sa pinto ng kuwarto ng kapatid. Hinalikan muna nito ang likod ng palad niya bago iyon binitawan. Takot man siyang umamin ay kinikilig siya sa ginagawa ni Andrew. "Just to let you know, I don't kiss any random girl Stacey, hinahalikan ko lang ang alam kong pagmamay-ari ko." At bago pa siya makapag-salita ay bumukas ang pinto at sumungaw si Angela."Kuya Andrew?" "Your friend was lost" Saka lang siya napansin ni Angela sa tabi ng kuya nito. "Ah ganun ba, halika na Stacey" niluwangan nito ang pinto, at hinila siya. "Thank you" anang dalaga na sa ibang panig nakatingin. "No thank you girlfriend" He said the last word silently intendent for her ears only.Kumindat pa ito sa kanya bago tuluyang sumara ang pinto. Unti-unting sumilay ang matamis na ngiti sa labi niya. "Woi Stacey san ka ba galing, Nag-alala ko sayo ng pagbalik ko ng kusina wala kana doon". Lumapit si Gail sa kanya at hinawakan siya sa noo. "Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong nito. "H-Huh,Okay lang naman". Naupo siya sa naroong upuan at sumandal. Para siyang nanghihina. "Are you sure?" si Angela na lumapit na din sa kanya. May pag-alalang nakatehistro sa mukha. Tumango siya. "Nakasama mo lang si Kuya Andrew, nagkakaganyan kana". Alam niyang walang ibig sabihin ang dalaga pero namula siya. "Oy nag-blush ang lola mo" kantyaw ni Gail. "H-Hindi no, ano kaba. Uuwi na ako it's getting late," nag-iwas ng tingin at kinuha na ang bag at isinukbit iyon. "Hey wait sasabay na ako" si Gail na kinuha na din ang gamit. "Sige ihahatid ko na kayo" pagbubuluntaryo nman ni Angela. Sa daan ay hindi niya napigilang sumulyap sa silid ni Andrew. Sarado na iyon ngayon. Ano kaya ang ginagawa nito ngayon. Iniisip ba niya ang nangyari kanina, sana. Dahil may pakiramdam siyang hindi siya makakatulong mamayang gabi at ire-reply sa isip ang nangyari. Pinaraanan niya ang tapat ng dibdib dahil ayun na naman ang abnormal ma pagdagundong niyun.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD