“You can’t be serious Andrew! How about Cams?” “Wala na kami L.A” tipid niyang sagot sa pangungulit ng kaibigan. Nag-aayos siya ng mga gamit at pauwi na sila mula sa isang linggong volunteer program na in-isponsored ng university nila. At nais nitong dumiretso sila sa tambayan ng mga nursing student dahil gusto nitong puntahan ang kaibigan ni Camil na siyang kasalukuyan nitong pinupormahan. “Besides, siya ang tumapos sa relasyon namin” “Pero hindi yan ang paniniwala niya pare. Do you even know what’s the meaning of cool off. And I even thought you were crazy about her.” “I don’t do cool offs, you should know that by now.”sinabayan niya ng paniningkit ng mata ang tinuran. “And the highschool girl? Hindi kaba natatakot sa karma? Hindi ba at kasing-edad lang siya ng kapatid mong babae?”

