Iminaniobra ni Stacey ang sasakyan sa parking lot ng ospital at dali-daling bumaba. Her brain registered unpleasant things at once. Kasalukuyan siyang nasa Maid Cafe nang tumawag ang isang concern citizen tungkol sa nangyari sa kapatid Kung alam niya lang na magkaka-ganito, sana hindi nalang niya hinayaang mamasyal si Caitlin mag-isa. Minsan ay natatawa siya sa kanilang mag-kapatid. Kung sino pa kasi ang hindi ipinanganak sa Pilipinas ay siya pang nakaka-appreciate dito. Kung sa nakalipas na siyam na taon ay hindi siya umuwi kahit minsan, si Caitlin ay halos taon-taong umuuwi sa bansa. Dumiretso si Stacey sa information desk at kinumpirma sa nakatalagang nurse kung doon nga dinala ang kapatid. "Miss do you have patient here named Caitlin Smith?" agaw pansin niya sa nakayukong nurse. Sa

