Chapter 2

1564 Words
KIANDRE ZIAR SANDOVAL __ Umaga na nang makauwi ako ng bahay. I had breakfast with my family pagkatapos ay dumiretso na ako sa private airport, or the SANs' Airport which our family owns. I had a training with Captain Suarez. He had been training me to be a future pilot. Marami na rin akong natutunan rito and he said lisensya na lang ang kailangan ko and I could already command my own flight. Kahit nasa himpapawid ay hindi ko magawang kalimutan ang gabing iyon, ang mga matang iyon... Her eyes, they looked so plain, but I couldn't forget them. Hindi ko alam kung bakit hindi ko makalimutan. Her lips... her touches... her voice. All hard to forget. Days and nights passed by. Pumapasok pa rin siya sa isip ko kahit pa maging gaano kaabala ang araw ko. I thought it was just a one-night-stand, but no... it wasn't. Hindi lang iyon pang-isang gabi lang dahil parte pa rin siya ng araw-araw ko. She was never gone in my thoughts. Marahas along humugot ng malalim na hininga at bumangon mula sa ibabaw ng kama ko. I sat at my desk. Binuksan ko ang lampshade at kumuha ng papel at pen. Matagal kong tiningnan ang blangkong papel bago ako nagsimulang magsulat. The Stealer I felt the need to write kahit hindi ko alam kung ano ang isusulat ko. I just let my feelings grow hanggang sa kusa nang gumalaw ang mga kamay ko para isulat ang mga letra. Within the premise there is she the stealer dancing so enticing Hindi ko maintindihan kung bakit sa dami ng babae sa loob ng gusaling iyon, sa kanya lang nagawang tumitig ng mga mata ko. They said she was the star of the night. Maybe that's why... she was able to... steal my attention. I wasn't even able to ask her name. 'Pag gising ko wala na siya sa tabi ko. The universe ceases to stand and stare at she Kusang nabuo ang ngiti sa mga labi ko because it was funny how everything stopped ang I couldn't see anything but her. She the stealer stole my soul Sumandal ako sa upuan and closed my eyes. Damn it. I let more days passed with the thought na baka mawaglit din ito sa isip ko. I tried, but I just found myself going back to the club where I saw her. Katulad ng dati, maraming tao sa loob ng lugar. She was in the dance floor, dancing. I remained standing near the corner. Hindi nagbago ang nararamdaman ko. Tila may sarili pa ring isip ang mga mata kong tumitig sa kanya. Tila nakahinto pa rin ang mundo at pagkakataon ko iyon para tumayo sa isang tabi at manuod, just watch her. Muli kong nakasalubong ang mga mata nito. Nakaramdam agad ako ng kislot sa dibdib ko. I couldn't explain that effect on me. Nanatili pa ako roon kahit pa nang matapos na ito sa dance floor. Lumipas na ang ilang oras pero hindi ko pa rin ito nakikita. Nakaramdam ako ng kirot sa dibdib ko thinking that maybe... she had a client and they were doing what we did the last time we met. Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi na dapat ako nagpunta roon dahil alam kong trabaho lang ang gabing iyon para sa kanya. Humugot ako ng malalim na hininga and stood up. Hindi pa ako nakakalayo nang... makaranig ako ng tinig. "What are you doing here?" I couldn't go wrong. Hindi ko rin nakalimutan ang tinig na iyon. I turned my back to see her. She was still wearing her mask. I wasn't able to say anything. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung paano mag-engage sa isang conversation considering that I was used of spending my time with myself alone. "You want another night?" she asked. Agad naman akong umiling. "No..." "And then what?" Napalunok ako. I didn't know how to answer that o baka alam ko ang sagot, hindi ko lang magawang sabihin. "Hey, sexy!" Narinig kong tawag sa kanya ng isang lalaki habang papalapit sa direksyon naming dalawa. Pinalupot agad nito ang bisig sa baywang niya. "Let's have a good time. Ten thousand, I will make you happy." The guy already looked drunk and wasted. Sinundan ko agad ng tingin ang braso nitong nakapalupot sa baywang niya. She didn't say anything pero tinabig niya ang kamay ng lalaki. Naglabas agad ito ng pera sa bulsa at pinakita iyon sa kanya. "Come on, baby. I can pay you. Look..." Kumuyom ang mga palad ko nang pilitin na siyang hawakan nito. She was still so calm trying to get that man off her pero mas naging marahas pa ito at pilit pa siyang hinila palapit sa kanya and even tried to kiss her. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tinulak ko agad ito palayo sa kanya. "Get off her!" Bahagya lang itong natinag. "What the hell?" namumula ang mukhang sambit nito at mabilis akong nilapitan para bigyan ng marahas na suntok sa mukha. Bumagsak agad ako sa sahig at umikot agad ang paningin ko. Akmang susugurin pa ako nito ng suntok pero nahawakan na agad siya ng mga bouncer. They also helped me to stand up. Pinahid ko agad ang dugo sa gilid ng labi ko. "Bitiwan niyo ako!" sigaw pa ng lalaki habang bitbit ito papalayo ng mga bouncer. Muli akong bumaling sa babaeng nasa harapan ko that didn't even seem to care. "Follow me," she said casually. Tumalikod na ito sa akin at nagsimulang humakbang palayo. It took me a while bago ko naihakbang ang mga paa ko para sumunod rito sa isang silid. Maraming gamit sa loob. May iba't-ibang mga damit na siguro ay ginagamit ng mga nagsasayaw sa stage. "Take a seat." Narinig kong sabi nito. Tiningnan ko siya mula sa salamin habang may kinukuha sa pouch. Wala sa loob na naupo naman ako sa couch katulad ng sabi nito. "Hi, handsome!" bati sa akin ng isang babae na dumaan lang sa loob para kumuha ng damit. Sinundan ko lang ito ng tingin and tried to smile at her. She gave me a flying kiss bago tuluyang lumabas. Binaling ko ang tingin sa kanya nang mapansing palapit na ito sa akin habang may bitbit na first aid kit sa kanang kamay niya. Umupo ito sa ibabaw ng mesa na nasa harapan ko. Kusa akong napalunok when she leaned closer to me. Muli na namang sinakop ng mabangong amoy nito ang buong sistema ko. The smell was... unforgettable. Umangat ang kamay nito para pahiran ng gamot ang gilid ng labi ko. Naninigas pa rin ang katawan ko habang diretsong nakatingin dito. She really... looked good malayo man o malapit. Her face was so flawless. It was—perfect. Iniwas ko ang tingin ko nang tumingin ito sa mga mata ko. "You don't have to act like a superhero," she uttered. "You are not. Never will." Muli akong tumingin sa mga mata nito na mahirap basahin. "He was harassing you." "It's part of working here. I'm used to it." Even the way she talked, hindi ko pa rin iyon mabakasan ng kahit anong emosyon. Hindi ko nagawang sumagot. Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam pa rin ako ng inis that it was just normal to her. I couldn't understand men that couldn't even respect women. It wasn't... even hard to do. Muli akong napalunok nang hawakan nito ang baba ko para bahagyang iangat ang ulo ko. She gently pressed the cotton on the side of my lips. Hindi ko pa rin maiwasang titigan ito and I couldn't control my heartbeat na parang hinahabol ng kung ano. "May I... know your name?" alangang tanong ko. Tumigil ito sa ginawa at muling tumingin sa mga mata ko. I thought she would answer me pero tumayo siya mula sa pagkakaupo at bumalik sa harap ng salamin para ayusin doon ang gamit niya. Maybe I shouldn't have asked that, or perhaps I should have just... left. Wala sa loob na tumayo ako. Sinundan ko siya ng tingin nang lumapit siya sa mga nakasabit na damit sa closet. She grabbed one pagkatapos ay bigla na lang siyang naghubad. Agad naman akong tumingin sa ibang direksyon. I did not... want to take advantage of her. "I-- I'm sorry, I-- I will go now," nagkakanda-utal-utal na sambit ko. Tumalikod na rin ako agad. Hindi pa ako nakakalabas ng pinto nang marinig ko itong magsalita. "Arin," Huminto ako at nagdadalawang isip na bumaling rito. Mabuti na lang at mayroon na muli itong saplot kahit pa kapiraso lang ang mga iyon. "That's my name." I was nervous, but I tried to give her a light smile. "T-That's a beautiful name." "I have to go back to work now." Nag-angat ito ng isang kapirasong papel sa ere."I will leave this here." Binaba niya iyon sa katabing mesa pagkatapos ay tuluyan nang lumabas ng pinto. Sinundan ko ito ng tingin bago ko kuhanin ang papel na iniwan nito sa lamesa. It was a... calling card. Arin Vergara Wala sa loob na napangiti ako. Nakita ko pa ito sa isang couch sa gitna ng mga lalaking customer. Ilang sandaling ring nagtagpo ang mga mata namin bago ito mag-iwas ng tingin. Iniwas ko na rin ang tingin rito because I didn't like the sight of those men touching her. It was another night... I knew I would never forget.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD