“Do you remember?” Bumalik sa huwisyo si Klaire noong magsalitang muli si Angus. Umiling siya at lumayo ng kaunti rito. Nagbigay siya ng distansya sa kanilang dalawa. “Hindi. Wala akong maalala noong gabing iyon.” Sabi niya kay Angus. Ngumisi si Angus at tila hindi naniniwala sa kaniyang sinagot. Talagang gusto nitong paniwalaan na naaalala nito ang nangyari sa pagitan nilang dalawa. Dahil siguradong malinaw pa rito ang nangyari sa kanilang dalawa noong gabing iyon. Bukod kasi sa hindi ito nalasing ay siya rin ang nag-initiate ng kiss. “You sure?” “I’m hundred percent sure, Sir.” “So...” “So?” “You want me to remind you what happened that night? I’m willing to tell every detail.” “No!” Mabilis niyang tinanggi rito. “It’s fine sir hindi na mahalaga kung ano pa ang nangya

