Nervous and tense, iyan ang nararamdaman ngayon ni Klaire habang hinihintay niya ang nais makipag-dinner sa kaniya ngayong gabi. Akala pa naman niya ay kanina pa siya hinihintay ng CEO, nagpa-late na nga siya ng kaunti para mas lalo itong maasar sa kaniya, iyon pala ay wala pa ito rito sa kanilang meeting place. Ang kasama niya ngayon ay ang secretary nitong si Daniel, ito ‘yong lalaking sumundo sa kaniya sa apartment niya kanina. Tumingin siya sa paligid ng Restaurant, halatang nirentahan ni Angus ang lugar dahil siya lamang ang babae rito at sila lang ang tao. Kung sakaling nandito na ito siguradong sila lang dalawa ang magiging tao dahil aalis ang secretary nitong si Daniel sa kaniyang harapan. Straight ang pagkakatayo ni Daniel sa kaniyang harapan at tila hindi nangangalay. May k

