Iris
Nahihiwagaan ako sa kinikilos ni Caleb…
Nakakahiya na kahit sa mga board meetings akala mo kung umasta ay boyfriend ko siya. 'Next time do not wear this. Don't talk to that person, babaero yun! Don't smile at anyone!'
Napakahigpit niya. Pero ganun pa man may saya akong nararamdaman sa aking puso. Halos nabibilang lang sa aking daliri ang mga taong nag aalala sa akin. At ngayon bigla siyang susulpot sa buhay ko at ipinaparamdam sa akin na importante ako sa kanya.
Lagi kami nagsasagutan dahil ayaw ko ang ginagawa niya, ayaw kong masanay, baka hahanap hanapin ko. At baka na misinterpret ko lang ang pagiging over protective niya sa akin. Baka dahil sa pakiusap ni Tito Bryan kaya ganun.
Eighteen lang ako pero hindi ako inosente sa ganitong klaseng pakiramdam. Sino ba ang hindi mahuhulog sa isang Caleb Fuentebella? Kahit sinong babae magkakandarapa malahian lang niya.
Pang dalawang linggo ko na dito at sasahod na, pupuntahan ko si tiyang sa sabado ng umaga.
"Hey babe! I missed you!" boses palang kilala ko na ang aming panauhin.
Paglingon ko nakakandong na siya sa boss ko at magkalapat na ang bibig nila at nakababa na kaagad sa balikat ang damit at strap ng bra!
Walanghiya! Parang ako pa ang nahiya sa pinaggagawa nila. Kumilos ako para lumabas kahit nagpupuyos ang kalooban.
Pagbukas ko ng pinto nagsalita ang mulagat na piranha, na akala mo kakainin ng buo ang labi ng amo ko! Ang galunggong ko namang amo mukhang gutom din na janitor fish na lahat ng pagkain na madadaanan hihigupin!
"Bring us some coffee. Black!"
Sinamaan ko siya ng tingin at papunta na sana ako sa pantry na nasa loob ng office para gumawa ng kape nagsalita siya ulit.
"Starbucks!"
"No! Iris’ coffee is better than starbucks'." tutol ni Caleb.
"No baby! I don't want her coffee."
"It's ok sir. Malapit lang naman ang starbucks dito." tututol pa sana siya pero lumabas na ako na cp lang at bank card na binigay ni Caleb ang dala. Naiilang ako sa posisyon nila! Hindi ko rin sila kayang tingan sa ganoong kalagayan!
While patiently waiting for my order, napalingon ako sa lalaking kanina ko pa napapansin na panay ang tingin sa akin. Nasa likuran ko siya. Tatlo ang nakapagitan sa amin.Hhhmm! Iba ang kutob ko dito. Hindi ko siya masyadong namumukhaan dahil nakababa ang ballcap niya.
In my peripheral vision, I saw him! Confirmed! He is following me! Wala akong maisip kung sino ang pwede kung mahingan ng tulong.
Paglabas ko ng starbucks, doon ako dumaan sa may malaking van at nagkubli. Parang wala na akong naririnig dahil sa lakas ng t***k ng puso ko. Gabi na kaya sigurado may masama siyang balak!
'In 5,4,3,2,1!' Pinatid ko siya, but before he hits the ground, I grab his shoulder and flipped his body but because of his weight bumagsak kami pareho. Napamura siya sa sakit.
"Aray ko! 'tangina! ahhhh!" tinutok ko sa leeg niya ang atm na hawak ko.
Maliban sa sakit ng pagbagsak natapunan pa siya ng hawak kong kape. Maraming usyosero kaagad! Namula ako talaga ng husto ng mapagtanto ang posisyon namin nakatihaya siya at nasa pagitan ng dalawa kong tuhod at ako, nakakubabaw sa kanya at napunit ang skirt ko! 'My God! Nakakahiya!' May mga grupo pa ng mga lalaki sa di kalayuan na pinagtatawanan kami.
Pinandidilatan ko siya saka ko napagtanto kung sino ang walang hiyang ito!
"F*ck you Louie!" I hissed. My elbows and knees are bleeding dahil sa pagbagsak. Dali-dali akong tumayo. Ganun din si Louie. Dumikit ako ng bahagya sa tagiliran niya para maikubli ang sarili dahil hanggang beywang ang punit ng palda ko. Buti na lang maliban sa panty may cycling shorts pa ako. Nagkatinginan kami at natawa na lang sa sitwasyon namin.
Nasa sasakyan na nila ako, nagpahatid na lang ako sa condo dahil wala akong extrang dalang damit. Mga kaibigan niya pala ang grupo ng kalalakihan sa di kalayuan. Pinakilala niya sila sa akin, pero parang nakita ko na sila somewhere. Hay! Ewan baka sa past life ko 'yon!
"Pinagamot muna sana natin ang mga sugat mo bago umuwi. Lagot ako nito sa boyfriend mo."
"Anong boyfriend? Wala akong boyfriend duh!" inirapan ko siya.
"Saka kasalanan mo 'to! Kung lumapit ka na lang kaagad di na tayo masasaktan pareho!"
"Kamusta pala ang bago mong trabaho?"
"Ayos lang. Nga pala sasahod na ako, treat ko kayo baka next week. Give me your phone." nagtatakang inabot niya sa akin ang hinihingi.
I dialed my own number. "Here! Wait mo ang tawag ko libre ko kayong lahat."
"Yun oh.. Di lang maganda,galante pa si ma'am!" halos sabay sabay nilang puri.
Hinatid ako ni Louie hanggang pinto, muntik na akong mapasigaw nang madatnan si Caleb. Halos ilang hakbang lang ang ginawa niya nasa harapan ko na siya.
"Where have you been? I'm worried to death!"
"F*ck!"
"What happened? Ha?" he hugged me and kissed my forehead.
"God! Dapat hindi kita pinayagan umalis." sinipat niya ang mga galos ko.
"Come my love! Gamutin natin ang sugat mo." hinila niya ako papunta sa sofa.
"W-wait! I'll change my clothes first."
"Ok. Make it fast, baka ma infect ang mga galos mo." saka hinalikan ulit ako sa noo.
"Ok ka lang ba? Galos lang 'to uy! Wag ka ngang OA jan!" pumasok na ako sa kwarto para magbihis.
"Sorry! Hindi na ako nakabalik sa office. Napunit kasi ang palda ko." kinagat ko ang labi ko ng maalala ang nakakahiyang pangyayari kanina. Habang siya ay tinatapos ang paggamot sa sugat ko.
Pag-angat ko nang tingin, sinalubong ako ng mata niyang galit na galit.
"Bear in mind that you can only bite your lips in front of me!" saka ako hinalikan ng mapusok!
My brain stops working! Everytime he kisses me all I can feel is that he cares for me. But I need to stop him! Hindi pwedeng ganito!
Bahagya ko siyang tinulak pero mas lalo niyang pinagdikit ang katawan namin. Napasinghap ako ng maramdaman ko ang bukol sa harapan niya! Kaya malayang nakapasok ang dila niya sa bunganga ko!
Umatras ako para makalayo sa kanya. Dahil pakiramdam ko baka mas higit pa sa halik ang mangyayari kung hindi ko siya pipigilan.
"Lets stop. You're confusing me." magkadikit pa rin ang noo namin at nasa batok ko parin ang isang kamay niya. Ang mga palad ko naman nasa dibdib nya.
"No I'm not!" napangiti ako sa sagot niya.
"You kissed that woman earlier, and then you kissed me. Ano mo siya? Ano tayo? Seems like you gonna kiss every woman you see dahil trip mong halikan?" napailing ako. At napangiti ng mapait.
This time mas malakas ang pagtulak ko sa kanya. Lumayo na rin ako. "Please leave! I'm sorry hindi ko na gampanan ang trabaho ko ngayon. Babawi na lang ako bukas."
Hindi ako ang tipo ng babae na basta basta na lang titihaya sa harapan ng isang Caleb Fuentebella. Mas maigi na maaga pa lang susupilin ko na ang anumang damdamin na umuusbong sa kaibuturan ng aking puso.
"May kikitain lang akong tao, babalik ako mamaya." hinatid ko na lang siya ng tanaw habang papalabas.
Araw ng biyernes, medyo nalate ako ng konti dahil maraming customer si Tito Richard. Naroon na rin si Caleb. Nagpaalam din ako sa kanya na mahuhuli ako ng pasok.
"Here take this."
"Ano 'to?"
"Damit. Iyan ang isusuot mo sa inauguration na dadaluhan natin. Sa kaibigan ko iyon."
"Marami akong damit binilhan ako ni Niccolo bago sila umalis."
"Damn it! Iba ang binili niya iba rin ang sa akin! Pag aawayan pa ba natin ito Iris?"
Totoo na man na marami pa akong damit na hindi nagagamit. Nag shopping muna kami kasama si Tita Myla bago sila magbakasyon.
Sanay ako sa luho noong bata pa ako. Pero nang ako na ang kumakayod nakuntento naman ako sa kung ano ang meron ako.
"What time?" Hindi na ako sumalungat alam kong siya pa rin ang masusunod. Kung si Nicco 'to tiyak ako ang panalo. Nakakamiss din pala ang taong 'yon.
"Saturday evening at seven sharp!"
Kinabukasan, bumalik ako sa inuupahan namin ni Tiyang Maribeth. Malayo pa ako tanaw ko ang itim ma kotse na kakahinto lang. Paglabas ng driver, para akong natulos sa kinatatayuan ko ng mapagsino ang taong iyon.
"Tyong!" bumaha ang masamang alaala,
natutop ko ang bibig ko dahil gusto kumawala ng hikbing pilit kong pinipigilan. Umatras ako pero bumangga ang likod ko sa matigas na katawan ni Caleb na hindi ko alam na nandoon.
Dahil sa yakap niya at init ng palad na nasa likod ko nakaramdam ako ng kapanatagan. Inaamoy niya ang buhok ko. He was silent all the while. Kahit nasa loob na kami ng kotse niya, he did not let go of my hand. Ilang beses ko nang hinila ang kamay ko pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak niya nito..
Narinig ko rin na may tinawagan siya…
"Check his whereabouts and report to me as soon as possible!"...
"Starting today, you'll be living with me. You'll stay in my penthouse." hindi na ako umangal ukupado na ang utak ko ng samot saring iniisip.
"Mangingialam na ako dito sa kusina mo. I'm hungry."
"Do whatever you want, magiging bahay mo na 'to."
Habang naghihiwa ako ng sibuyas lumilipad ang isip ko.. 'Paano kaya siya nakalabas?' napahinto ako ng may humawak sa kamay ko.
"Let's order some pizza, baka may halong daliri pa ang kakainin natin. Lutang ka na naman."
"Tutuloy pa ba tayo mamaya? I mean sa party ng kaibigan mo?"
"Ikaw?" balik tanong niya.
"Tutuloy." nginitian niya ako.. Syet! Bihira lang siya ngumiti, napaka gwapo ng hayop! Tumikhim muna ako.
"That's my girl!" yumuko ako dahil balak pang makaisa ng kumag. Nakakatakot, baka ngayong petsa pa mawala ang virginity ko!