Chapter 2

2111 Words
 CALEB Papaliko ako sa hallway papuntang office ni Tito Bryan and this random girl caught my attention. Her lips are a bit swollen, she's wiping the blood out of it. Alam ko hindi niya ako napansin at mababangga niya ako pero sinadya kong hindi umiwas. BUMP! "Sorry p.." Hindi niya natuloy ang sasabihin ng mapatingin sa mukha ko. I know she was surprised with my presence, well yeah, sino nga ba ang hindi? After 10 f*cking years I finally came back. The only son of one of the owners of this university. At sa taglay kong kaguwapuhan aba eh… Bulag lang ang hindi maka appreciate. "Sa susunod tumingin ka sa nilalakaran mo ng hindi ka makabangga!"  She walked past me without saying a word. Pagpasok ko sa office ni Tito Bryan mukhang hindi maganda ang timpla niya.  "Welcome back pamangkin!" He fist bumped me, but later hugged me. "Hi Caleb! Oh my,oh my, oh my!" Tita Myla cupped my face and gave me a hug. "Sa tindig mong iyan sigurado ako marami kanang napaiyak ano iho?" "Hindi naman po sa ganun Tita, masyado po akong busy sa London. Alam mo na business and profession."  "Easy iho, napakabata mo pa. Just enjoy your single life. How's your mom and dad? I really missed them."  "Naku po, ewan ko po ba sa dalawang iyon parang hindi mabubuhay kung malayo sa isa’t isa. Kaya nauna na po ako sa kanila at may kailangan pang asikasuhin si Daddy. Si Niccolo po kamusta? Wala ba siya dito?"  "Kakagaling lang dito, ayon nakatikim na naman ng sampal sa akin, masyadong balahura!"  "Ganun po talaga Tito, hayaan nyo na basta  huwag lang makadisgrasya." Biro ko. "Pakihanap mo nga iho, tapos diretso na kayo sa restaurant na pinareserve ko para sa lunch, doon natin ituloy ang chikahan." Utos ni Tita Myla. "I went straight to the ground floor using the elevator exclusively for investors/owners, there I saw Niccolo talking to a lady. I smirked. "Niccolo! Hey! 'Zzzup man?" Sabay silang lumingon sa akin.  "And who's this gal? Is she your…" suddenly I wasn't able to complete my sentence. Our eyes met, this lady, the one I bumped in earlier, there is something in her that I can't explain. Umiwas agad siya ng tingin.  "Let's meet at the shelter tomorrow at 7 am sharp! I need to go." Sabi niya sa pinsan ko. At agad umalis matapos itago ang ulo at mukha. "Hi Kuya! Kamusta byahe?"  "Ayos lang, kamusta na? Binatang binata na ah! By the way sino iyon?" At nginuso ko ang papalayong babae. "Wala iyon!" Iwas niya. "Ooowww! Malakas ang tama natin ah!" Tukso ko sa kanya. At nginitian lang ako. "Caleb, totoo ba na ikaw na ang papalit sa Tito Wilson mo sa Twin Builders?" Usisa si Tito Bryan, mukhang hindi niya nagustuhan ang pagkain dito sa restaurant na pinuntahan namin. In fairness naman kasi sa kanya masarap talaga siya magluto. "Yes po Tito, pati sa Twin Builders Fishing kasi si Tita Grace balak na rin magretire." Pinagkatiwala na kasi nila Mom and Dad sa mga kaibigan nila ang negosyo dito bago kami umalis papuntang London. "I know you can do it! Ikaw pa!"  "Pero gusto ko parin po talaga magamit ang propisyon ko bilang Doctor." Pinayagan ako nina Daddy na mag Doctor basta unahin ko muna ang business management. Sa edad na bente natapos ko ito and I started taking med school right away. At ngayon isa na akong ganap na lisensyadong doktor I took up family medicine dahil dito sa shelter na pinatayo ni Mommy. "Then? Why not? Magturo ka sa school natin." I sighed. "Mukhang  mauubos na ang oras ko sa dalawang negosyo tapos magtuturo pa ako sa mga spoiled brat na anak mayaman sa school natin?" Nagtawanan kami, pero napansin ko na tahimik masyado si Niccolo. "Mukhang tahimik tayo ah!" Siniko ko siya ng bahagya. Pero ngumiti lang ito. "Ah oo nga pala, bukas pakihatid ang pinsan mo sa shelter, grounded siya ngayon, at hindi ko pa alam hanggang kailan. Depende kasi iyon sa performance niya. Walang kotse walang ATM at credit cards." "Dad…" "Huwag kang magreklamo, while you are still under my wings. Kung kaya mo na ang sarili mo pwede kana sumalungat sa akin." My cousin sighed in defeat, alam niya kung paano magalit ang Daddy niya. "Son, sumunod ka nalang kay Daddy ok?" Pampalubag loob ni Tita Myla. "I am embarrassed of you being what do you call that rude? Bully?" Mahina pero mariin ang pagkakasabi ni Tito Bryan.  "Sorry Dad." "Hindi mo alam kung ano ang pinagdadaanan ni Nicca. Her whole family was involved in a car crash when she was almost 9 years old. She has been dependent since then. Lahat ng ari arian nila nilustay ng malayong kamag Anak na tumayong guardians niya. Nagtrabaho bilang katulong, dishwasher taga alaga ng aso mapag-aral lang ang sarili. Noong kinausap namin siya na sa atin na titira tumanggi siya kahit na nahihirapan na siya dahil hindi sanay sa buhay mahirap. Kung pumayag lang siya, magiging marangya sana ulit ang buhay pero umayaw siya at nakiusap na lang sa amin na ipasok sa scholarship program ni Tita Dana mo. At sa edad na kinse muntik na siyang magahasa ng kinakasama ng tiyahin niya." Napasinghap si Niccolo, umiiyak naman si Tita Myla. At si Tito Bryan nakakuyom ang kamao.  Whoever she is, the woman he is referring to, humahanga ako sa kanya. I mean, what the heck! She is so strong to get through it right? "Pinakulong namin ang hayop na iyon,lagi kaming nakaalalay sa kanya me and your Mom, and then the rumors started sa university, your bullshit scheme also started. She wants to give up. Natakot na baka madungisan ang pangalan ng eskwelahan. Lumuhod pa sa harapan ko nang tumanggi ako."  "I'm really sorry Dad, Mom!" "Dapat lang!"  "Alam mo ba? There was a point that she wants to give up, ubos na daw ang pasensya niya sayo. Gusto niyang huminto sa pag aaral, that was when...ang pinakainiingatang mahabang buhok niya dinikitan nyo ng mga kaibigan mo chewing gum! What she did shocked me. She shaved her hair at gusto na lang pumasok sa pagkasundalo. Pero tinanggihan ko ulit siya."  " I'll make it up to her. Pasensiya na po talaga, hindi ko alam ano pumasok sa isip at nagawa ko iyon sa kanya. Everytime I see her napapaisip ako lagi kung totoo ang haka haka na kumakalat sa university." "Son, you should've asked me about that." Agaw ni Tita Myla. "I saw them once together nagmamadali, pagbalik nila iba na ang damit ni Veronica." "I called them, may batang lalaki na inaalagaan kasi sa center na napalapit kay Nicca. Halos kaedad ito ng kapatid niya, hindi daw ito kumakain at nakatulala, and that day he was violent dahil sa taranta ko tinawagan ko ang Daddy mo. Nagkataon na nakasalubong niya si Nicca kaya sinama niya ito. Pagdating ko doon, nagwawala siya at may hawak na blade, nilaslas niya ang kanyang pulso saktong pagdating ng Daddy mo at Nicca, out of her instinct niyakap niya ito, kaya napuno ng dugo ang damit niya." "I'm sorry Iho hindi ko napigilan ang sarili ko, sa halip na magcelebrate tayo sa pagdating mo ito pa ang sumalubong sayo."  "Tito, pamilya tayo, anuman ang problema gumagaan kung lahat tayo nakikiambag. And who is that girl you are talking about? I admire her."  Ngumiti na rin siya sa wakas.  "Ang galing mo pa rin managalog ah!"  "So paano bukas na lang? Be ready at 6am!" Baling ko kay Niccolo. Nasa iisang subdivision lang ang tirahan namin pero balak kong tumira sa condo kaysa bahay, sobrang laki ng bahay tapos walang tao, maliban sa mga kasambahay at guwardiya na naka puwesto doon.  Habang binabagtas ko ang daan pauwi hindi mawaglit sa isip ko ang pinag usapan namin kanina. Parang gusto ko siyang makilala, parang gusto ko siyang protektahan. Masarap siguro sa pakiramdam na mapalapit sa ganitong klase ng babae. Walang luho. Hindi tulad ng mga mayayaman na nakakasalamuha ko, patalbugan ng suot, alahas limited items..  I can't imagine na may mga taong ganun kahirap ang pinagdadaanan. Samantalang ako, lahat ng gusto ko makukuha ko, mabibili ko. "Waaahh!”  "Ay kabayo na iyot! Ano ka bang bata ka! Ikaw talaga ang papatay sa akin!"  "Ahahah Ya-ya! Yaya Lydia! Lagot ka minus 10 ka sa langit!" Tumakbo ako papalayo sa kanya dahil balak niya akong hampasin ng sandok. "Ikaw bata ka! Hindi kita bibigyan ng almusal mo!"  "Walang ganyanan Yaya! Gutom na po ako! Saka kailangan ko umalis ihahatid ko si Niccolo sa shelter." "Ewan ko sayo!" "Eeeehhhh galit yaaarn!" Nilapitan ko siya at inakbayan.  "Yaya?" "Ha?" "Bakit hanggang ngayon hindi ka parin tumatangkad?"  Sabay iwas kasi kukurutin niya ako sa tagiliran. "Ikaw bata ka! Hindi mo talaga ako tatantanan!" Parang Lola kona si Yaya Lydia, kahit matanda na hindi nandito pa rin siya sa amin. Siya ang nag alaga kay Daddy at sa kambal nito. Hanggang pinanganak ako at kahit magkaanak na ako gusto ko nandito pa rin siya. F*ck! So I'm planning to settle down huh? Let's see! "This is amazing! I mean, nakikita ko na ito sa pictures but.. F*ck! Dude! Ang ganda ng lugar na ito nakakarelax sa mata."  "Come on Kuya let's get inside, mas lalo kang ma-a-amaze."  Pagpasok naabutan namin doon na masinsinang nag-uusap Sina Tito Dexter at ang babae kahapon sa university. Tumama ang aming paningin pero wala akong makitang expression sa mukha niya. Ang ganda niya!  Maong na kupas na may butas sa taas ng tuhod at makikita ang maputing hita nito. Black T-shirt na may pangalan ng shelter at nakatupi ang manggas. Her hair was neatly comb and she pulled it to a ponytail. Nike running shoes. At walang make up, pero ang maalon niyang pilikmata ang kumuha ng attention ko. What? Kailan pa ako humanga sa isang babae! At sa ganitong kasimpleng suot? Well araw araw naman ako nakakakita ng maganda pero iba itong isang 'to. "Anak nang… Sebastian Caleb! Kelan ka pa dumating!" Niyakap ako ni Tito Dexter. Bodyguard siya dati nila Daddy. "Nakaraang araw pa Tito!"  "You idiot! Muntik ka nang malate!" Dinig kong bulong ng babae kay Niccolo. Saka hinila ito papalayo sa amin. "Yari ka ngayon Niccolo!" Naiiling niyang sabi habang sinusundan ang dalawang papalayo. "Sino iyon?"  "Si Nicca? Kaibigan iyon ng pinsan mo. Alam mo ba naalala ko sa kanya ang mommy mo. Strong, independent woman iyon ang tamang definition nila." Sabay tawa.  "Kamusta nga pala sila Boss Greg at Dana? Mukhang wala na balak bumalik dito ah!"  "Susunod din sila Tito, may mga inaayos pa si Dad."  "Halika ka iikot muna kita para masanay ka din dito sa  shelter. Ipakikilala din kita sa mga staff natin. Maraming magaganda dito." Natatawa na lang akong sinundan siya. Habang naglilibot kami kami, nakasalubong namin ulit sina Niccolo… "Tssss, isang cupcake lang binigay sayo tuwang tuwa kana? Kayang kaya kitang bilhan ng cake, bakit ilang layer ba ang gusto mo?" Narinig kong reklamo ni Nicco. "Oh eh di ikaw na yong mayaman! It’s the thought that counts you know!"  She rolled her eyes and I find it cute. Arrghh! She's too young for me. "Eherm! A Caleb this is Sam, isa siya sa mga volunteer nurses natin dito, anak siya ng kaklase ng Dad mo noong college."  Hindi ko napansin na may bebot pala sa harap ko. I just smirked at the view. Halos lumuwa ang dibdib niya sa suot! Tsk! Ito ba ang nag-aasikaso ng mga taong naririto? "Hi Caleb! It’s nice meeting you!" At inilahad ang palad pero hindi ko ito binigyan ng pansin. "You should wear proper clothes next time!" Halos Panawan ng kulay ang mukha niyang may makapal na make up. Siniko ako ni Tito Dexter.  "Ahhh hehehe, Sam ikot muna kami ha?"  "Ilang taon na siya?" Hindi ko alam nasabi ko ito ng malakas. "Si Sam? Siguro magka…" "Hindi, iyong kaibigan ni Nicco." "Bata pa yon, siguro nasa 17-18. Hindi lang halata kasi malaking bulas siya." I just nod my head.  "I need to go Tito. Pupuntahan ko pa ang condo na lilipatan ko." "Balik ka dito Doc Caleb!" Sabay kindat. "Hanggang anong oras sila dito?"  "Sila Nicca? After lunch tapos na sila." Kumunot ang noo niya.  "Bakit interesado ka sa kanya?"  "Hindi Tito! Susunduin ko kasi si Niccolo!" "Hindi na kailangan, sabay na yan sila uuwi may trabaho pa kasi ang batang yan sa clubhouse ng subdivision."    In just a matter of two days. A f*cking two days lalo akong humahanga sa kanya. Ano ba itawag ko sa kanya. Dapat unique yong ako lang ang pwedeng tumawag sa kanya ng ganun.. F*ck! Bakit dumating na ako sa isiping iyon? "MINE."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD