~JC~ "Talaga bang kapatid mo si Blythe?" Tanong ni Maxwell. Nandito siya sa boarding house namin ni Jin. Si Jin ay nagluluto ng aming hapunan. Pasalamat na lamang kami at hindi kami pinagalitan kanina ng first subject teacher namin. About nga pala kay Jorris at Jerick at inihatid ulit kami. At ngayon nga ay nandito pa rin ang mag-step bros. "Hindi pa sigurado dahil kailangan pa ng DNA test," aniko. Ayaw kong umasa na siya ang kapatid ko. May kapirasong galit pa rin sa puso ko dahil naabandona ako sa bahay-ampunan. Kung bakit wala akong maalala noong limang taong gulang talaga ako. At kung paanong wala akong maalala ay hindi ko rin alam Kung gayon, sunod-sunod ang pagbalong ng luha sa'king pisngi. "Hey, why are you crying?" Tanong ni Jerick. "I remembered the day when Jin is crying be

