Chapter 4: Roommates

2004 Words
~JC~ "Roommate ko po siya?" Tanong ko ulit kay Ms. Morie. Nandito na kami sa boarding house ko at kasama din namin dito si Andy na may dalang isang maleta. Kaya pala siya may dala niyon, hindi ko iyon napansin kanina. Hindi rin nito natapos ang kinakanta dahil nakapasok na ako sa loob noon. Tumango ulit si Ms. Morie. Pang-ilang beses ko na ba tinanong kay Ms. Morie na roommate ko si Andy? Hindi kasi ako makapaniwala. Ang akala ko pa naman ay ako lang mag-isa dito. Pero maganda rin naman kung marunong ito magluto. "Dito muna siya ng isang buong school year," sagot ni Ms. Morie. Tumango na lang ako at nagpaalam na pupunta muna sa kwarto ko. Hindi ko alam kung bakit dito pa siya pinatira ni Ms. Morie. Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto ko nang may maalala ako. Muli, tumakbo ako pababa at buti nanonood lang silang lahat. Tatlo sila, kasama si Maxwell, my prince. I did a fake cough. They're all looking at me now. "Ms. Morie," tawag ko dito. "Hmm," sagot nito. "Saan nga po pala tutulog si Andy?" Tanong ko. Sandaling napatigil si Ms. Morie. My heart starts beating so loud. Huwag naman san--- "Tabi kayo sa kama. Tutal, parehas naman kayong lalaki, kaya ayos lang ba iyon sa'yo Jhay Cee? Andy?" she cutted my thought off. May katabi ako sa kama. Malikot pa naman ako matulog. Sigurado akong sa iba din ito tutulog kapag nakaranas madaganan. "O-okay lang po sa'kin," ani ko. "Hindi ko lang po alam kay Andy," ani ko pa kapagkuwan at lumingon kay Andy na nakatingin din pala sa'kin at bigla na lang nag-iwas ng tingin. "O-okay lang din po sa'kin, Ms. Morie," anito. I heave a sigh. "Aakyat po muna ako," paalam ko at hindi ko na hinintay ang kanilang sagot at nagtatatakbo ako pataas. Pagkarating ko sa kwarto ko ay inayos ko lahat ng gamit ko. Dahil hati na kami sa kamang ito, kailangan ko nang ayusin ang lahat. Mula sa mga w*****d books sa study table ko, nilipat ko iyon sa loob ng bag kung saan nando'n pa ang ibang libro na hindi ko pa nababasa. Pagkatapos kong magligpit ng gamit sa kwarto ay bumaba na ako. Sakto namang paalis na sina Ms. Morie so I bid goodbyes for them. Naupo ako sa single sofa samantalang sa four seater sofa naman si Andy. Naiilang pa rin ako dahil sa tindig niyang straight na straight hindi kagaya ni Josh na parang makikitaan mo na kakaiba. Bakit ba topic ng utak mo ay si Andy at Josh? Sansala ng isip ko. Andy coughed to catch my attention. I looked at him and I saw him staring at me. Eye to eye, my heart starts to beat abnormally. Bakit ganito? Si Josh lang! Si Josh! "Ahm, saan ang bilihan dito?" "Sa-sa ma-malayo pa," utal-utal kong sambit. s**t! Siya pa lang ang kausap ko na nagpautal sa'kin. "Ah, alis lang ako," anito at tumayo. Umalis na ito sa harap ko. And I blew the air that stuck on my Lungs. Napatango ako kahit wala na siya sa loob ng boarding house na ito. I stood up and walked out. Gagala muna ako sa mall habang wala pa siya. Gusto kong libangin ang sarili ko dahil ngayon ay hindi ko na magagawa ang nagagawa ko kapag mag-isa lang ako. Habang nasa bakuran ay nakita ko sina Jin at Myco. Masaya silang nag-uusap sa veranda. Sigurado akong hindi na ito naglalasing sa gabi at hindi na rin umuuwi ng alanganin dahil sa'kin. Dahil sa wala akong magawa ay nagpunta ako sa kanila. "Hi," tipid na bati ko kaya napatingin sila sa'kin. "Hello," nakangiting wika ni Myco. Mukhang good mood siya. Ano kayang nangyari? "Hello," alanganing wika ni Jin. Ano kaya problema ng isang ito? Naalala niya kaya ang nangyari sa kanyang tiyuhin at tiyahin? Siguradong sigurado akong iyon ang ikina-alangan niya ngayon. Naupo ako sa bakanteng upuan. Doon kasi sa mismong bato nakaupo si Myco kaya may free pang isang upuan. "Anong pinag-uusapan niyo?" Paguusisa ko. "Wala! Wala!" Sabay na sigaw ng dalawa. I felt something happened about these two guys. "Wala?" Panunudyo kong tanong. "Wala nga!" Sabay ulit na sigaw nila. Alam kong may kakaiba. Napakamot ako sa baba. Nag-iisip kung paano ko malalaman kung ano ang tinatago ng dalawang ito. Hanggang sa.... "pwedeng pahingi ng juice?" "Si-sige," alanganing wika ni Jin. Tatayo na sana si Jin ng hawakan ito ni Myco at si Myco ang tumayo at nagpunta sa kusina. Alam kong may something ang dalawang ito at bilang tagabantay dapat alam ko ang mga kilos nila. "Bakit hindi ikaw ang kumuha?" Nagtataka kong tanong. "Ah, eh," nasambit lang nito. I stare at his blue eyes. As if something were hiding his blue eyes. "Tagabantay ako dito. Kaya huwag kang mahiya kung ano ang nangyari sa inyong dalawa. Hindi na ba siya umuuwi ng alanganin at lasing?" Tanong ko pa. Tumango naman ito at namula. "Ka-kasi---" Hindi na natuloy ni Jin ang sasabihin niya ng may tumawag sa'kin sa likuran. I turned back and I saw Andy standing while holding the two chips on his bare hands. My heart pounds when he walked towards me. Ano ba itong nararamdaman ko? "Halika na at umuwi," wika nito kapagkuwan. Narinig ko namang napabuntong hininga si Jin. Tumayo na ako at nagpaalam kay Jin na namumula pa rin hanggang ngayon. Nasa labas na ako ng veranda nang marinig ko ang boses ni Myco na tinatawag ako. "Who are they?" Tanong ng kasama ko. Naglalakad na kami pauwi. "It's none of your business," pambabara ko. "It's my business. I mean, ang hirap makisalamuha sa taong maraming sikreto," ani pa nito. I looked at him. He was so serious to what he'd said earlier. "I knew," wika ko. "So, who are they?" Tanong ulit nito. "My friends," mabilis kong sagot. Alam kong hindi ko pa kilalang lubos ang dalawang iyon pero kapag kasama ko sila, ang gaan ng pakiramdam ko, lalo na kay Jin. "Really? Parang ngayon lang kayo nagkausap, e." Wika pa nito. "Busy," tipid kong sambit. "Bilang na bilang ang salita mo," "You don't care," ani ko pa. He tsked. Bagay na ngayon ko lang narinig sa kanya. At nilipat ko na ang tingin ko sa daan dahil baka matisod ako. Nakarating kami sa boarding house nang iyon lang ang tanging nasambit. Pumasok siya sa kwarto ko- O namin para ipasok lahat ng dala niyang gamit. Sumunod naman ako sa kanya. Dahil wala nga akong gagawin ngayon ay pinanood ko na lang siya sa pag-aayos ng gamit niya. My gaze sticked to him when he removed his clothes that covers his masculine body. I heave a sigh. How many sigh I did for today? I don't know how many. And here, the long sigh. Nakakaturn-on ang lalaking may ganitong tikas ng katawan. Hindi ako malibog, pero nadudumihan ang utak ko kapag may nakikitang ganitong senaryo like Josh. "Done checking my whole damn body?" Napangiwi naman ako dahil sa sinabi nito. Napakayabang. Totoo namang mayroon siyang "damn body" pero dapat pa bang sabihin iyon? "Sino bang may sabi sa'yong sa katawan mo ako nakatingin?" Pagtatanggol ko sa sarili ko. "Kita ko mismo sa mga mata mo," sagot nito. "Tagos ako kung tumingin, nakatingin ako sa nakasabit kong bag kung saan nandoon ang mga libro kong hindi pa nababasa," ani ko pa. Nagkibit balikat naman ito. I smirked, I won. Mahirap talaga akong kalaban. Hanggang sa may maalala akong gagawin ngayon. "Nga pala, dito ka muna, pupunta lang ako sa school to enroll myself," pagpapaalam ko. "Much better," "Much better," panggagaya ko sa kanya. He looked at me and I ran because I saw his eyes full with curiosity. Bakit kasi magiging 'much better' 'yun? May iba pa ba siyang gagawin? ~ANDY~ Hindi ko akalain na ang lalaking iyon ay may kakaibang taglay. I tsked. Bakit ba siya ang naiisip ko? Ginaya lang naman niya ang sinabi ko. Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit ko. Then somewhere, a one photo fell. I looked up and I saw his bag opened. Lumapit ako doon at nakita ko ang lahat ng litrato niya. I turned back para tignan kung nandoon pa siya sa pinto pero nakasara na iyon. Ibinaba ko ang bag niya. Tumambad sa'kin ang litrato ng maraming bata. Kupas na iyon gawa ng panahon. Pero makulay pa rin kaya napansin ko ang isang bata na may kakaibang kulay ng mata. From somewhere, my heart starts to beat louder. Tanging musika na iyon sa'king pandinig. Nakita ko ang cuteness ni JC sa litratong ito. Though he was a child, makikita mo pa rin ang comparison nila ngayon. May tigyawat na kasi ngayon si JC dahil siguro sa pagpupuyat. At clear skin naman siya sa picture niya ng bata. Syempre clear skin, may lahi, e! Inayos ko an iyon at binalik sa kung saan ko kinuha. Sino kaya ang mga batang iyon? Ang dami naman kung mga kaibigan niya iyon. At sino 'yung dalawang katabi niya? Ang isa ay namumukhaan ko, 'yung anak ni Ms. Morie, pero 'yung isa sa bandang kaliwa niya ay hindi ko kilala, parang binabae ang isang iyon. Binabae din kaya si JC? My heart pounds again because of my thought. Ano ba itong nangyayari sa'kin? Kapag kasama ko si JC, nangyayari ito. Wala namang chemical reaction ang ganitong nararamdaman, a. Kung mayroon man, Love. Pero lalaki siya! Open minded ang tribo namin sa gano'n. Sa katunayan nga, ang pinsan kong si Enrico ay may kasintahang binabae na nagngangalang June. Nah! Napa-iling ako sa naisip ko. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa pag-aayos ng gamit ko. Ngayong araw pa lamang kami magkasama pero parang ang tagal na namin. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa nang mag-ring iyon. Napangiti ako ng makita ko kung sino ang tumatawag. I pressed the answer button. "Hello, Blythe? Bakit ka napatawag?" I heard him sob. "Hin-hindi ko pa-pa rin siya-siya makita," humihikbing wika nito. Hinahanap niya ang kanyang kapatid na si Ice Smith. Ang tagal na nitong nawawala pero hindi pa rin nawalan ng pag-asa si Blythe to find his long lost li'l brother. ALmost fifteen years na itong nawawala at kapag sumasapit ang kaarawan nito at umiinom lang si Blythe ng alak and praying for his li'l brother to come back kahit may 90% na hindi na ito buhay. "Hindi ka pa rin ba nawawalan ng pag-asa? Kung ako sa'yo ay iyon munang company mo ang asikasuhin mo," pagbibigay payo ko rito. "Hindi ako mawawalan ng pag-asa hangga't hindi ko nakikita ang labi ng kapatid ko. Alam kong buhay pa siya, ngayon pang nawala na rin ang mga magulang namin," matigas na wika nito. I sigh. Hindi nga mawawalan ng pag-asa ang isang 'to. Namatay ang mga magulang niya by the car accident. Hindi ko akalain na hindi aabot ang mga ito sa hospital. Hinahanap din kasi ng mga ito si Ice na kahit alam nilang wala ng pag-asa ay sige pa rin. Hindi rin sila nagsisisi na mamatay silang hindi nila makita ang kanilang nawawalang anak. Because they tried all their best to find him for their company's sake. Bukod kasi sa company na inaasikaso ni Blythe ay mayroon pa itong isang company sa Hawaii. Ice Smith, where are you? "Sige, ikaw ang bahala, basta nandito pa rin ako sa tabi mo hangga't may 10 percent chance pa na makikita mo siya," ani ko pa at binaba na niya ang tawag. Hindi man niya makita ng ilang taon ang kanyang kapatid ay alam niya na may dalawang palatandaan ito. Ang kulay asul nitong mga mata at ang itim na pilat nito sa likod. Pero kahit saan siguro ay hindi ito mahahanap. Una, nasa America siya, pangalawa, alam niya an dito pinanganak si Ice tapos doon niya hahanapin. Kahit sabihin kong dito niya hanapin ay ayaw nitong sundin. Uunti-untiin niya daw muna. I laughed. Kung maghanap din kaya ako? Importante pa rin naman ang bawat porsyento kaya may pag-asa pa. May pag-asa pa. ~*~ ~*~ ~*~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD