Ava's POV
Habang nag d-drive si Ravin hindi ko maiwasang nakawan ng tingin ito.
Ang gwapo nya. Ang tangos ng ilong!
Napa iling-iling ako sa iniisip ko. Shi-nake ko pa ang aking kamay na parang ini-erase ang aking nasa isip.
"Ninanakawan mo ba ako ng tingin? You don't need that. You're free to stare at me. I'm your fiance, right" he said.
"Contract." I said na diniinan pa ang pagkaka sabi nito.
Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit ako natutong maging palaban, siguro ay kailangan kong ipakita na matapang ako para hindi ako ma-abuso. Lalong lalo na hindi n'ya ako dapat makitaan ng takot dahil ang alam nya ay hindi na bago sa-akin ang ganito.
Mabuti na lamang at hindi kami natutulog sa iisang kwarto.
At mabuti na lamang at hindi n'ya ako ginagalaw.
Pagka-sabi ko ng word na "Contract." ay hindi na lamang ito nag salita.
[FAST FORWARD]
Naka-rating na kami sa Company nito.
Pagka-baba ng pagka-baba ko pa lamang ay agad akong napa-tingala.
Ang taas, ang laki.
Sobrang yaman nya talaga, swerte na lamang talaga ng mga anak na ipinanganak na mayaman ng kanilang pamilya.
Nabibigay kung ang pangangailangan.
Nag-lalakad na kami papasok.
Nasa likod lamang ako ni Ravin, ngunit may pagitan. Nahihiya akong dumikit dito dahil nakaka-hiya na ang isang tulad ko ay kasama ang isang Bilyonaryo.
Pagka pasok ni Ravin sa pintuang salamin ay agad na nag Good afternoon ang Guwardiya dito.
Tumango lamang si Ravin.
Nang ako na ang papasok ay ipinakita nito sa akin ang kamay nito, sign na huminto ako.
"Ma'am may appointment po? Bawal pong basta-basta pumasok. Makaka Alis na po kayo." ngunit hindi nito alam na nasa likod n'ya si Ravin.
"Bakit kailangang mag appointment ng Fiance ko?" sambit ni Ravin.
Gulat na napa-lingon si Manong Guard.
"Po? Sorry po. Hindi ko po alam, pasensya na po talaga, pasensya na po Ma'am." paumanhin nito.
Na-iintindan ko ito dahil ginagawa lamang nya ang kaniyang trabaho.
"You're fired." Malamig na wika ni Ravin.
"Po? Please, pasensya na Sir. Hindi na po mauulit. Maawa po kayo kailangan na kailangan ko po ng trabaho." Pagmamaka-awa nito.
"Fired agad? Naiintindihan ko naman sya. Ginagawa n'ya lang ang kanyang trabaho. Just give him another chance." I said.
Tinitigan ako ni Ravin.
"Fine, last Chance." he said.
"Thank you po Sir, thank you Ma'am." ngiting sambit nito.
Agad na kaming nag lakad ni Ravin papasok.
May ilan pang nag bubulungan sa mga nadadaanan namin.
Sumakay kami ng elevator.
Pati sa Elevator panay Bulungan.
"Sino sya?" bulong ng isa sa katabi nito.
"hindi ko alam. 'diba hindi sumasama si Sir sa mga babae maliban sa mga workers nya? Baka bagong aplikante?" bulong pabalik ng isa.
"Shhhh" suway ng isa sa kanila.
Pinagpag ko ang aking dress. Simple lang naman pero mas bago at mas maganda kesa sa suot kong una.
Tumunog ang elevator. Sign na nandito na kami sa pang limang palapag.
Anim na palapag kasi tong building.
Taas noh?
Lumabas kami ng elevator, sumalubong kaagad saamin ang mga workers nito.
Natural lang, bumati lang ng good afternoon.
Nag tipon-tipon na ang mga ito. Mukhang Updated na sila sa kung ano ang sasabihin ni Ravin.
"So, here's my fiancé. Sino mang bumangga at mag atubiling saktan sya. Alam nyo na ang mangyayare sainyo." maikling sambit nito.
Yun na yun? Nagpa tawag sya ng pulong tapos yun lang naman ang sasabihin?
Pagka tapos na bumati saakin ng mga nandito ay agad na itong nagsi-balik sa mga ginagawa nito.
At ako? Sumunod lang naman kay Ravin, siguro ay pupunta syang office nya.