Habang nasa byahe tungo kung saan ang client ay hindi ko maiwasang matakot at kabahan.
Buong buhay ko ni hindi ko pinangarap ang ganito.
"Ma'am nandito na po tayo" gising sa-akin ng driver.
Naka tulog pala ako.
Bumaba ako ng kotse at inilibot ang aking paningin.
Ang ganda, ang lawak. Sambit ko sa aking isip.
Ngunit ang mas naka-pukaw ng aking atensyon ay ang hardin.
Nasa probinsya ang bahay na ito. Tahimik kahit sobrang laki, maraming puno at ang ganda ng simoy ng hangin.
"Ako na po ang mag-dadala ng bag n'yo" wika ng driver sabay kuha sa dala kong bag.
Na-una na itong mag lakad, sinundan ko na lamang ito dahil hindi ko naman kabisado ang bahay. At baka sa sobrang laki nito ay maligaw pa ako.
Nang makarating kami sa malaking pinto agad na kumatok ang driver. Agad namang binuksan ang pinto ng isang Maid.
Halata namang Maid dahil sa uniform nito.
Pinapasok kami nito. Hindi na ito nag tanong dahil inaasahan na pala nila ang pag dating ko.
"Good morning po ma'am" bati sa akin ng babaeng bumukas ng pinto.
Agad ding nagsi-datingan ang iba pang katulong.
Siguro ay nasa lima silang kasambahay dito.
Malamang dahil sobrang laki ng bahay, alangan namang isang katulong lang ang mag linis ng buong bahay. Sobrang lawak at dalawang palapag pa.
Hindi ko alam kung ilang oras ang byahe namin basta umalis kami kahapon sa Manila tapos dumating kami ng umaga na.
Binati rin ako ng ibang kasambahay.
"Good morning din po" pabalik bati ko sa mga ito habang naka ngiti.
"Tatawagin ko lamang po si Sir, nasa office room nya po kasi ito." sambit ng mukhang nasa matandang babaeng katulong. Siguro ito ang mayordoma nila.
Pina-upo nila ako sa sofa. Habang nag hihintay ay inilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng bahay. Ang ganda, sobrang lawak at ang Chandelier na malaki sa gitna ang mas lalong nag pa-ganda nito.
Maya-maya pa ay may natanaw na akong isang lalake na pa-baba ng hagdan.
Agad akong tumayo at pinagpag ang lumang dress ko. tinitigan ko ang lalaking pa-baba ng hagdan.
Masasabi kong magandang lalake ito.
Nang tuluyang maka baba ito agad ako nitong nilapitan.
Tinitigan ako nito mula ulo hanggang Paa—Paa hanggang ulo. At tumigil ito sa aking mata.
"So, you're the prostitute na sinasabi ng aking Personal alalay? Siguro naman alam mo na kung saan ang lugar mo. Siguro naman ay na-paliwanag na sa iyo kung hanggang saan lang ang ma-mamagitan between us. I'm your client—Ravin Hart. Nice meeting you" Litanya nito.
He's my Client? Mukhang Arogante at mukhang matapobre. Gwapo sana kaso parang mayabang. Pero ok na 'to, at least hindi matanda.
"A-ako po s—" mag sasalita palang sana ako ng pinutol nito ang aking sasabihin.
"Ava Addams. I already know it, Naka lagay sa Portfolio mo. Wala kang masyadong background but, I don't want to know it basta alam mo kung ano lang ang habol ko sayo. Just Pleasure my love, but I don't think magagawa ko iyon agad. Stay here and tumulong ka sa mga gawaing bahay." Walang ganang saad nito habang naka tingin sa Cellphone nya. Mukhang sobrang importante.
"I have to go. Pupunta akong office, sila yaya na ang bahalang mag turo kung saan ang kwarto mo." Pahabol pa nito. Sabay Alis.
Nginitian lamang ako ng mga Maids. Lumapit sa-akin yung babaeng Mayordoma.
"Iha, halika. Ituturo ko kung saan ang iyong kwarto, ako nga pala si Salve Tawagin mo na lamang akong manang Salve. Yun din ang mga tawag sa-akin ng ibang katulong dito." Sambit nito.
Tumango na lamang ako at nginitian ito.
Habang pa-akyat kami agad nanamang nag salita si manang Salve.
"Pag-pasensyahan mo na si Sir, Ganyan lang talaga sya mula noong mag break sila ng ex nya. Iniwan kasi at sumama sa ibang Lalake." wika nito.
Kaya naman pala.
Nang maka akyat kami sa ikalawang palapag ay agad na itinuro sa-akin ni manang ang aking kwarto.
"Dito ang kuwarto mo, at sa katabi naman nitong kwarto ay kay Sir Ravin." Sambit nito.
"Salamat po. Kayo po? Saan ang kwarto nyo?" tanong ko rito.
"kaming mga katulong ay sa baba." sagot nito.
"P'wede naman po na doon nalang din ako. Parang wala Pong ibang tao dito eh." Sambit ko.
"Ay, hindi p'wede iha. Magiging asawa ka ni Sir kaya dapat na dito ka. At tama ka, walang ibang tao dito kundi kaming mga Maid, kayong dalawa lang ni Sir ang dito sa taas." paliwanag pa nito.
"Pero-" mag sasalita pa sana ako ng mag salita ulit ito.
"wala ng pero iha, kami ang mapapa-hamak kapag ginawa namin iyan. Pumasok Kana at mag bihis, inutusan kapa ni Sir, Ravin." Wika nito.
Tumango na lamang ako.