Pagka-uwi ko sa inuupahan kong bahay ay agad na sumalubong sa-akin ang may-ari nito.
"Ano na Ava! Dalawang buwan ka ng hindi nakaka bayad. Kung ayaw mong mawalan ng bahay mag bayad ka naman." Sambit nito sa-akin.
Dalawang buwan na pala akong hindi nakaka bayad. Mas inuuna ko kasi ang bumili ng pagkain, hindi rin makapag ipon masyado dahil luging-lugi na ako sa pasahod ng boss namin.
"Pasensya na po, bigyan nyo pa po ako ng ilang araw. Mag babayad naman po ako" mahinahong paki-usap ko.
"Hay naku Ava, dalawang araw na palugit lang ang ibibigay ko. Kapag sa dalawang araw na iyan ay hindi kapa nakapag bayad palalayasin na kita!" pagalit na wika nito.
"opo, pasensya na po ulit. Salamat po" sambit ko.
Pumasok na ako sa bahay upang mag pahinga.
Isa na lamang ang na-iisip kong paraan para hindi mapa-layas sa bahay na ito.
Tinawagan ko agad si Alisha.
Napa buntong hininga muna ako bago ko i-denial ang number ni Alisha.
Mabuti nalang at agad nya itong sinagot.
"Oh, Ava! Napatawag ka? May nangyare ba?" wika nito sa kabilang linya.
"Ano kasi Alisha. Palalayasin na ako rito sa inuupahan ko, dalawang buwan na akong hindi nag babayad, dalawang araw lang ang ibinigay na palugit." nan-lulumong sambit ko.
"Anong plano mo?" tanong nito.
"Mag bebenta ng katawan. Wala na akong ibang paraan, mabayaran ko lang ang bahay ok na ako." I said.
"Sige. Sakto may client ako, ibibigay ko sayo. Mayaman yun! Ipapaliwanag ko nalang sayo, agahan mo bukas." wika nito.
KINA-BUKASAN.
I'm on my way patungong Bar kung saan kami nag t-trabaho. Kinakabahan pa ako pero kailangan kong tatagan.
Pagka pasok ko palang ng bar ay maingay na ito.
What the hell? Pati pala umaga may mga costumer pa rin.
Pumasok ako sa isang kwarto kung nasaan si Alisha.
"Ava, ready? Ayusin mo ah. Isipin mo nalang para sa sarili mo rin naman ang ginagawa mo." wika nito habang nag lalakad kami papuntang sulok sa kung hindi masyadong maingay.
"Bahala na" I said.
"Ok, let's start. Mayaman ang lalaking ito, ang sabi ay Billionaire raw pero hindi ko alam kung totoo, hindi ko pa sya nakikita kaya hindi ko alam kung matanda or binata. May pumunta lang dito na personal assistant ata. Ang offer? 30K a month. 'diba ang gara" ngiting sambit nito.
30K? Tsaka A month? So, hindi lang isang araw ang paninilbihan ko?
"Wait, Alisha. A month? Hanggang kailan ba 'yan? Hindi ba dapat isang araw lamang iyan?" tanong ko rito.
"Ah, hindi ko nasabi. Ang deal kasi titira ka raw sa bahay nila, tapos mag a-act ka na parang asawa kana then, hindi lang iyon tutulong ka rin sa mga gawaing bahay. At yung ibang kasunduan yung nag offer na ang bahalang mag sabi sayo. Basta 30K a month tapos babayaran na si Boss ng 50K ngayong araw para wala ng habol sayo si Boss kung gusto ka ng asawahin or palayasin. Wag kang mag-alala if maganda raw ang performance mo dodoblehin daw ang 30K mo, balato ko ah!" Masayang paliwanag nito.
Nag dadalawang isip man ay agad akong pumayag. Practical nalang kung baga. Mapa layas man ako sa inuupahan ko, Naka stay naman ako Sakanila. Kung mapa layas man ako ng client may pang bayad naman na ako sa upa.
Agad akong pumayag.
Mabilis akong umuwi at inayos ang damit ko.
Hindi paman ako nakaka para ng Taxi ay may sumundo na sa'kin na magarang sasakyan. Iniutos raw ito ng Client.
Sumakay na lamang ako, ngayon lang ako Naka sakay sa ganito ka garang sasakyan. Mayaman nga ba talaga ang Client? Sabagay halata naman, maypa sasakyan at sundo pang nalalaman.
Paano nila nalaman ang bahay ko? Siguro sa portfolio na ibinigay Sakanila ni Alisha para raw may alam din kahit papaano ang client sa-akin.