Kabanata 4

1704 Words
Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kaninang umaga habang nag-aalmusal ay narinig ko ang pagbibilin ni Susan kay Belinda na pumunta sa bayan upang mamili ng mga sangkap para sa lulutuin ngayong tanghalian. Naisipan kong sumama. Wala rin naman akong ginagawa at nababagot na talaga ako, si Jonathan ay lagi rin namang wala dahil sa kanyang negosyo. “Mada’am!” bati ni Belinda pagkakita niya sa’kin, pinagmasdan niya ang suot kong kulay dilaw na sundress, lumagpas iyon sa aking tuhod. “Bakit? May mali ba sa suot ko?” “Wala naman po,” ngumiti siya. “Nagtataka lang ako na sobrang ganda niyo ngunit masyado kang simple kung manamit.” Ngumuso ako. “Sa bayan lang naman tayo pupunta.” “Naku, sabagay! Mas maganda na iyan nang hindi ka masyadong mapansin ng mga lalaki roon!” Napailing na lang ako at tuluyan nang lumabas ng mansyon, nagulat ako nang makita si Galen na nakatayo roon na kausap ang driver na si Popoy. Suot niya ang puting shirt na tamang-tama lamang sa kanyang katawan, nakakunot ang noo niya habang nasa bewang ang mga kamay. Hindi ko maiwasan ang paglandas ng mata ko sa kanyang kabuuan. He looked taller. Mas matangkad at matipuno talaga siya kumpara sa naaalala ko noon. Fiercer and more intimidating. Mabilis akong umiwas ng tingin nang lumingon siya sa’kin habang nagsasalita. Kumabog ng malakas ang dibdib ko, hindi ko makalimutan ang naging pag-uusap namin kagabi. Siguradong-sigurado siya na ako si Lucille kahit anong pagtanggi ang gawin ko kaya’t pinangako ko sa sarili ko na hinding-hindi ako aamin. Kailangan ko rin mag-ingat at maging sweet kay Jonathan kapag nandyan siya. Naramdaman ko na sinundan niya ako ng tingin nang malagpasan ko sila, narinig ko ang pagtawag niya kay Belinda kaya’t pinigilan ko ang mapalingon. “Mada’am!” napalingon ako sa pagtawag ni Belinda, nagulat ako nang makitang nandoon pa rin si Galen at nakatingin sa’kin. Napalunok ako. “Bakit?” “Sabi ni sir Galen ay magpahatid na raw tayo kay Popoy sa bayan..” “Hindi na,” mabilis kong sagot kaya’t nakita ko ang pagtaas ng isang kilay ni Galen, pinigilan ko ang sarili kong lumingon ng husto sa kanya. “Bakit po, mada’am? Mainit pa naman!” “Hindi na, gusto kong gumala, diba?” Napakamot si Belinda at nilingon si Galen na tumalikod na. Huminga ako ng malalim at naglakad na palabas. Maraming tao sa siyudad, lalo na sa palengke. Mabuti na lang talaga ay kabisado ni Belinda ang lugar dahil masyadong malaki iyon, alam niya rin kung saan pupunta para bilhin ang mga bagay-bagay. Napatigil ako sa paglalakad nang makita ang kumpol ng mga handmade bracelets. “Hi, ganda! Bili ka na, singkwenta lang ang isa! Pili ka lang!” sabi ng tindera. Ngumiti ako at namili, dalawa ang napili ko tapos ay tiningnan ko si Belinda para siya ang magbayad. Wala nga pala akong dalang pera. Napangiwi ako. “Nakalimutan kong wala akong dalang pera, babayaran kita mamaya…” “Ayos lang ‘yon, mada’am! Galing din naman kay sir Galen itong pera!” “Bakit ka niya binigyan ng pera?” “Ganoon na po talaga siya noon pa man tuwing nandito siya, nagbibigay siya ng pera para sa pagkain ng buong araw..” “Diba’t nagbibigay naman si Jonathan?” Tumango siya. “Opo, at sobra-sobra pa nga. Hindi ko alam kay sir Galen! Pero kung iisipin mo ay barya lang naman iyon sa kanya..” Hindi na ako nagsalita at tumango na lang. Nahagip ng mata ko ang mga bestidang nakasabit sa isang rack kaya’t napatigil ako sa paglalakad. Hinaplos ko ‘yon at na-engganyo naman ako dahil malamig ang tela sa balat. “Hi, ganda! Bagay na bagay ito sa iyo! Maraming iba’t-ibang kulay!” sabi ng tindera. Ngumuso ako at nagsimulang pumili, si Belinda ay nasa likuran ko lamang habang nililibot ang tingin sa paligid. “Mada’am, pakibilisan na lang. Parang kinakabahan ako!” bulong niya. Na-alarma naman ako at napabaling sa kanya. “Bakit?” “Masyadong maraming nakatingin sa iyo! Kung may mambastos sayo rito ay hindi kita kayang protektahan..” Natawa ako at napailing. Pumili ako ng limang bestidang iba-iba ang kulay tapos ay pinagbayad ko si Belinda. Babayaran ko naman iyon pagbalik sa mansyon. “Hi, ma’am! Napakaganda mo! Hinahanap ko ang camera kanina, akala ko ay artista!” Matipid akong ngumiti sa tindera. “Salamat.” Hindi ko alam kung gaano karaming store ang nakita ko sa syudad at kung gaano ang naipamili ko. Medyo nagsisisi na tuloy ako na hindi ako pumayag na ihatid kami ni Popoy. Pawis na rin kaming dalawa ni Belinda kaya’t niyaya ko na siyang bumalik. Sinalubong ako ni Popoy at agad na kinuha ang mga hawak ko. “Naku, mada’am! Dapat ho talaga ay pumayag kang ihatid ko kayo…” “It’s okay, hindi naman mabigat…” Sinundan ko siya ng tingin papasok sa loob bago ako pumikit at napahawak sa noo habang pumapasok sa loob. Nahihilo ako dahil sa init. Noong sa farm ako nakatira ay nasanay ako sa ganito ngunit ngayon ay naninibago na naman ang katawan ko. Napadilat ako ng mata nang may mabangga ako. Mabilis akong napaangat ng tingin nang makitang si Galen iyon, agad na pumasok ang panlalaki niyang amoy sa ilong ko. Holy! He never changed his perfume! “Your father will be distressed if he sees his princess like this,” aniya sa sarkastikong tono. Hindi ako nakasagot. Hindi niya alam ang nangyari sa pamilya ko. Akala niya ay buhay pa ang mga ito, hindi niya alam kung bakit bigla akong nawala noon. Nag-iwas ako ng tingin at nilagpasan siya. “Wala ako sa mood na makipag-talo sa’yo.” “Why?” his voice was low and somehow mad. “Natatakot kang may makarinig sa’tin? Bakit hindi ka na lang umamin para hindi ka nahihirapan, Lucille?” Inis na nilingon ko siya. “Wala akong alam sa sinasabi mo, Galen! Hindi ako ang babaeng inaakala mo! Ni hindi kita kilala bago ko pinakasalan ang ama mo kaya’t tigilan mo na ang pag-aakusa sa’kin!” Nag-igting ang panga niya at humakbang palapit sa’kin hanggang sa halos magdikit na ang katawan namin. Sinalubong ko ang galit niyang mata, ang bilis ng paghinga ko. Lalo akong nahihilo at lalo akong naiinis dahil pinahihirapan niya ako sa pagpapanggap! Hindi niya inaalis ang titig niya sa’kin kahit na galit ang mga mata niya. He watched my face, tracing every part. Thinking. As if trying to analyse if it’s really me. Hindi ko na kinaya. Nagbaba ako ng tingin, hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya dahil pakiramdam ko’y maiiyak ako. Tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang dati. My luxurious life, fame, my friends, my family.. all of those are gone. Parang si Galen na lang ang natitira na naging parte ng buhay ko noon. And I couldn’t help but self-pity. Mabilis ko siyang tinalikuran nang maramdaman ang pag-iinit ng mga mata ko, halos tumakbo na ako paakyat dahil ayokong mahabol pa niya ako. Naligo ako bago ako humiga sa higaan. Hindi ko alam kung bakit sumama bigla ang pakiramdam ko kaya’t di ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang marinig ang pagkatok ni Belinda sa pinto. “Bukas ‘yan..” Mabagal na bumukas ang pinto at pumasok si Belinda, napatakip siya sa bibig nang makita ako. Dinikit niya ang likod ng palad niya sa noo ko. “Hala, mada’am! Tama nga si Sir Galen at may sinat ka!” Kumunot ang noo ko. “Wala akong sakit, Belinda. Baka nabigla lang ako kanina dahil sa dami ng tao sa syudad..” Pinagmasdan niya ako ng mabuti at maya-maya ay napatakip na naman sa bibig, ngayon ay dalawang kamay naman. “Hala, mada’am!” “Bakit?” “Hindi kaya’t buntis ka?” Halos mabulunan ako sa sinabi niya. Imposibleng mangyari iyon dahil wala naman nangyayari sa’min ni Jonathan, ni hindi nga kami nagtatabi sa higaan. Ngunit hindi ko iyon pwedeng sabihin sa kanya. “Sana ay hindi…” sambit ko. “Bakit, mada’am?” aniya habang inaalalayan akong umupo. “Hindi ka pa ba handa?” “Hindi naman sa gano’n, sa tingin ko lang ay masyado pang maaga dahil bago lang kami na kinasal ni Jonathan…” saad ko. Nataranta naman ako nang makitang nakatitig siya sa’kin kaya’t nagsalita ulit ako. “Pero kung sakali man na buntis na ako ay tatanggapin ko ng buong puso…” Tumango-tango siya at malawak na ngumiti. Para bang nae-excite siyang isipin ang magiging pagbubuntis ko. Ngunit hindi niya alam na malabo talaga iyon. “Handa na pala ang pagkain, mada’am. Pagkatapos ay kailangan mo po na uminom ng gamot.” “Ayos lang talaga ako, Belinda,” sabi ko at humiga ulit. “Sa tingin ko ay kailangan ko lang ng pahinga kaya’t iwan mo na lang muna ako.” Tumango na lang siya na napapakamot sa ulo bago lumabas ng kwarto. Nakatulog na naman ako. Nagising na lang ako ulit ako matapos ng dalawang oras. Naghilamos ako at bumangon. Pababa pa lamang ako ng hagdan ay sakto naman ang pagpasok ni Jonathan sa pinto. Nakarating na pala siya. Nilibot ko ang tingin sa paligid. Nandoon ang mga kasambahay… at si Galen na nakatayo malapit sa kusina habang umiinom ng tubig. Huminga ako ng malalim at malawak na ngumiti, binilisan ko ang lakad ko at sinalubong si Jonathan. “You’re home!” maligayang sabi ko. Medyo nilakasan ko talaga upang marinig nila. Kumunot ang noo ni Jonathan at mukhang alam na niya ang gagawin dahil ginantihan niya ang yakap na ginawa ko habang tumatawa. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatayo pa rin doon si Galen kaya’t hindi ako nakuntento at hinalikan si Jonathan sa pisngi. Humalakhak si Jonathan at nilingon si Galen. “It feels good to have a lovely wife waiting for me.” Humawak ako sa braso ni Jonathan habang paakyat kami sa taas. Pasimple akong bumaling ng tingin kay Galen at nasalubong ang malamig niyang mga mata. Halos mapasinghap ako sa kaba. Kilalang-kilala ko si Galen, when his eyes looked like that. That means he’s fuçking pissed and just enduring it.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD