KINABUKASAN ay kasama ni Faith si Yuan sa inuupahang apartmnent niya upang mag-paalam sa landlady na lilipat na siya at para kuhanin na rin ang mga gamit. “Aba! Teka lang dapat nagsabi ka man lang sana na aalis ka, di sana nakapaghanap pa ako ng puwedeng umupa. Pa’no ngayon ‘yan, e ‘di matitingga na walang nakaupa rito? At ‘wag mong sabihing kukunin mo pa ang advance ang deposit mo?” reklamo nito. “Pasensya na Aling Rodina biglaan lang po kasi,” paliwanag niya. “Anong pasensya? Dapat one month before nagsabi ka man lang sana!” galit na sabi ng ginang. Tumikhim si Yuan at lumapit sa dalawang babae. “Mawalang galang na po, Ate. Puwede naman natin pag-usapan ‘yan, eh.” Sinenyasan ni Yuan si Faith na pumasok na muna sa loob ng bahay at siya na lang ang bahalang kumausap sa ginang. Nakik

