NAKATANAW lang si Yuan sa glass wall sa labas ng building ng kanyang opisina. Ito na ang huling araw niya bilang CEO ng kompanya. Kahit papaano ay nakahinga na rin siya nang maluwag. May mga bagay kasi siya na gustong at i-prioritize. Isa na doon ang pag-sasaayos ng nasirang relasyon nila ni Faith. Balewala sa kanya ang lahat ng kayamanan kung mawawala naman ang taong mahal niya. Umarko ang isang sulok ng kanyang mga labi. “Rodolfo Bernabe has worked all this hard pero hindi ko pinahalagahan. Sorry, Dad.” Muli siyang lumingonn sa kanyang mesa at itiniklop ang maliit na picture frame ng kanyang daddy. “Don’t worry, you will still be proud of me when the day comes. I’ll be a good businessman like you, but not the way you want, Dad. Please try to understand,” usal niya habang sinisilid an

