Pagkaalis ni David, saka hinarap ni Marie si Kris. "Okay ka lang?" Tumango si Kris, ngunit hindi nito magawang salubungin ang mga mata ni Marie. Napatingin si Marie sa kanya. Alam niyang hindi ito okay. Masyadong halata sa mukha ni Kris ang pangamba na pilit nitong itinatago. "Hindi mo kailangang magpanggap sa akin." Walang naisagot si Kris. Ilang segundo siyang nakatitig lamang sa sahig bago tuluyang napabuntong-hininga. Sa sandaling iyon, naramdaman ni Kris ang pangamba na baka sa susunod ay hindi na niya maiwasan na mabunyag o malaman na nagpapanggap lang siya na kababata ni David. Ang bawat sandaling kasama niya si David ay parang nagiging mas mahirap na ngayon. Mas lalo niyang nakikilala ang lalaki. At dahil doon, mas lalo rin siyang natatakot sa araw na malalaman ni David a

