Hindi agad nakapagsalita si Jorge Matagal niyang tinitigan si Marie matapos marinig ang buong katotohanan. Si Marie pala ang childhood friend at pinangakuan ni David noon. Ang babaeng matagal ng hinahanap ni David. Nasabi iyon ni Jorge sa sarili. Palagi niya kasing nakikita sina Kris at David na magkasama. Sa pagkakaalam niya na si Kris ang kababata ni David. “Marie…” Bahagyang umangat ang mukha ng babae. Hindi siya makatingin ng diretso kay Jorge. “Bakit?” Isang tanong lamang iyon, ngunit ramdam ni Marie ang bigat ng ibig sabihin nito. “Bakit hinahayaan mong mahalin ni David ang ibang babae?” Napapikit si Marie. “Dahil kailangan kong gawin iyon.” “Hindi mo kailangang gawin iyon.” “Kailangan ko.” “Pero alam mong ikaw ang hinahanap niya.” Napayuko siya. “Alam ko.” “Alam mo

