Mula nang makita ni David ang kuwintas na suot ni Marie, hindi na mawala sa isip niya ang half-heart pendant na iyon. May kung anong gumugulo sa kanyang isipan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lamang kalakas ang epekto sa kanya ng isang simpleng kuwintas. Iyon ang kaparehong disenyo ng pendant na ibinigay niya kay Kris noong bata pa sila. Ang kalahati ng pusong matagal niyang iningatan. Ngunit bakit nasa leeg iyon ni Marie? Napabuntong-hininnga siya. Sinabi na ni Marie ang dahilan, di ba? Aniya sa kanyang isip. Pinahiram lang ni Kris ang kwintas kay Marie. Patuloy niyang giit sa kanyang isipan. Si Kris ang kanyang kababata, at natural lang mayroong kwintas si Kris na ganoon dahil binigay niya ang isang kalahating pendant na kapares ng kwintas niya. Pero, sng hindi ni

