Puno ng saya ang bahay nina Jorge nang dumating ang mga bisita. Ang sala ay pinalamutian ng mga bulaklak at maliliit na ilaw na nagbibigay ng masayang ambiance sa buong bahay. Sa gitna ng sala ay nakaupo ang ina ni Jorge, abalang bumabati sa bawat kamag-anak at kaibigang dumarating. “Mama, ito po si Marie,” pakilala ni Jorge, hindi maitago ang ngiting sumilay sa kanyang labi habang iniharap ang dalaga sa ina. Napatingin ang ina niya kay Marie at ngumiti ng maluwag. “Ikaw pala ang dahilan ng ngiti ng anak ko.” Napangiti si Marie at bahagyang yumuko bilang paggalang. “Hello po. Salamat po sa pag-anyaya sa akin.” “Walang anuman, anak. Ikinagagalak kong makilala ka.” Halatang proud si Jorge habang nakatayo sa tabi ni Marie. Sa bawat kamag-anak na lumalapit, siya mismo ang unang nagpapa

