Inilibot ko ang tingin ko sa lugar kung nasaan kami. Napansin ko na dinala niya ako sa 'di pamilyar na lugar sa school kung saan wala masyadong estudyante ang pumupunta at dumadaan. Tahimik. Tila ang lugar kung nasaan kami ay parang isang sementeryo dahil wala kang ibang ingay na maririnig kung hindi tunog ng mga dahong tinatangay ng hangin sa mga puno na nakapalibot dito. "Ba-bakit ba tayo nandito, Kurt?" maang na tanong ko sa kanya. Kahit na alam ko na ang isasagot niya ay tinanong ko pa rin siya kung bakit kami mag-uusap. Tinanggal ko ang pagkakahawak ng kamay niya sa braso ko. "Gusto kong malaman kung ano na ba ang mayroon sa 'ting dalawa?" nakangiting tanong niya sa 'kin na naging dahilan nang pagbilis ng t***k ng puso ko. Umatras ako ng dalawang hakbang para kahit papaano ay

