PAGOD na lumabas si Reese kaniyang opisina. Kung pwede lang siyang matulog roon, ginawa na niya. Paglabas niya ng kaniyang opisina, wala na si Artemis sa mesa nito. Malamang ay umuwi na ito dahil alas siete na ng gabi. “Maganda gabi po, Ma’am,” bati sa kaniya ng mga security na nagbabantay sa may pintuan ng gusali. Tumango naman si Reese. Paglabas niya ng pintuan, isang itim na kotse ang nakahinto sa harapan ng gusali. Nakabukas ng bintana kaya naman nakita niya kung sino ang nakasakay sa loob. It was Alaric. Nagtaka naman si Reese at lumapit sa nakaparadang sasakyan. “Mr. Volkov,” she greeted. “What are you doing here?” Nagmulat ng mata si Alaric saka tumingin kay Reese. “What do you think?” Reese just shrugged. “I’m not a mind reader, so I can’t guess what’s in your mind,” she

