Parang tubig na walang-tigil sa pagtulo ang dugo sa kamay ni Blade. Sa mukha niya pababa sa gilid ng labi niya. May mga sugat siya sa iba't-ibang parte ng katawan pero unti-unti 'rin itong humihilom.
"How does it feel? Killing your own comrades?" nakangising tanong ng babae.
Kulay-puti ang buhok nito na hanggang bewang. Kasing puti ng yelo ang balat.
"A--anong ginawa mo sa akin? Bakit..."
"No. No. No. " Umiiling-iling na naglakad ito palapit sa kanya.
"It's you who wants it. Your own demon killed them, Blade. This is you. This is us. You can't change your fate."
Dinilaan nito ang dugo sa pisngi niya. Sumilay ang puting mata nito.
"It's quite sweet. You must be full now...."
''HUH!'' Hinihingal na napabalikwas si Blade ng bangon. Puno ng pawis ang mukha niya. Napapikit na napahawak siya sa noo.
''That dream again?'' napalingon siya sa gilid malapit sa bintana. Nakita niya si Lev na nakasandal sa may pader habang naka-cross-armed.
''Bakit ka nandito? Scared that I might become a ruthless monster again?'' tanong niya sa sarcastic na boses.
''Wag kang mag-alala. Kung mangyari man ulit 'yon, ikaw ang pinakahuli kong papatayin.''
Tumayo siya at lumapit sa may mini-table para uminom ng tubig.
''I'm your shadow, my life is already at your disposal.'' walang-emosyong saad ni Lev. Umiiling-iling na napangisi si Blade.
''You're really boring.''
''It's clearly not your fault. Why do you have to blamed yourself? She forced you. You didn't kill--''
''97 lives died in my hands. 97 people...Just because of that prophecy ... I killed them. I killed them like a madman and sucked their blood. ..''
Naglakad siya papunta sa veranda at tumingala sa itaas. Natatakpan ng ulap ang buwan kaya hindi ito masyadong maliwanag.
''I killed those people who trusted me. Their scream, even the last beat of their heart, I can still hear it. Forgetting?...impossible..''bakas ang lungkot at galit sa boses niya.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Lev. Lumapit siya sa kaibigan at tinapik ito sa balikat.
''What's your plan now? She'll definitely find a reason to bring you back. And that girl....are you still going to..''
''Only by staying with me, can she be safe.''
''Pero..''
''Don't worry. I have a plan.''
TANGHALI na nang magising si Zeya. Dali-dali siyang naligo at nagbihis. Hindi na siya nag-abala pa'ng kumain at pumunta na sa eskwelahan.
"Lagot na! Late na naman ako nito!"
Malalaki ang mga hakbang niya habang tumatakbo papunta sa classroom. Limang minuto na lang at magsisimula na ang klase.
"Ano ba! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!" galit na sigaw ng nabangga niyang babae.
"Sorry!"
Lalo niyang binilisan ang pagtakbo.
Saktong pagdating niya sa may pintuan ay siya namang pagdating ni Mrs. Reyes, ang English professor nila.
Hinihingal na napahawak siya sa dibdib.
"Ms. Santos, balak mo bang sumali sa track and field? Bumibilis na yata ang takbo mo ngayon."
Anito sa sarcastic na boses.
Nakayukong napakamot siya sa ulo. Habol pa rin ang hininga.
"Sorry, ma'am."
Pumasok na siya sa loob nang bigla siyang mapahinto. Kinusot-kusot niya ang mata niya baka sakaling nagkamali lang siya pero hindi. It's Blade.
And he's staring at her. Nakaupo ito sa tabi ng upuan niya sa may likuran.
Bakit siya nandito? Kailan ko pa siya naging ka-klase?
"Ms. Santos, ano pa'ng tinatayo-tayo mo diyan? Maupo ka na."
Mabibigat ang mga hakbang na naglakad siya palapit dito.
Ramdam niya ang tingin na pinukol ng binata habang paupo siya sa upuan.
''H--hi,'' bati niya rito at alinlangang ngumiti.
Hindi ito sumagot. Nanatili lang seryoso ang mukha nito.
Palihim siyang napaismid.
''cold-freak''
Tumingin nalang siya sa harapan at nag-focus sa pakikinig sa discussion ni Mrs. Reyes.
Pero kahit anong focus ang ginawa niya ay hindi niya pa 'rin maiwasang hindi mapatingin kay Blade.
Compare kagabi mas maliwanag niyang nakikita ngayon ang kagwapuhan nito.
He's too perfect to be true.
Maputi na balat, para itong snow sa puti. At ang labi, tila isa itong mansanas sa pula. Isama mo pa ang ilong na sobrang tangos.
He seems cold and snob pero hindi niya pa 'rin mapigilan ang sarili'ng hindi humanga sa taglay nitong kagwapuhan.
Is he really a human? It's so unfair. Wala man lang akong makitang kahit isang pimples o blackheads sa mukha niya.
''You're bleeding.'' saway ni Blade sabay iwas ng tingin. Parang pumasok sa ilong niya ang matamis na dugo ng dalaga. Lihim siyang napalunok. Mahigpit niyang kinuyom ang kamao niya para kalmahin ang sarili.
Kinapa ni Zeya ang ilong niya. Gulat na nanlaki ang mata niya nang may makita siyang dugo sa kamay.
Sabay-sabay na nagtatawanan ang iilan niyang kaklase. Mabilis niya itong pinunasan.
''Hehehe. Dahil siguro to sa init. Masyado kasing sensitive ang ilong ko eh.'' palusot niya at pilit na ngumiti. Pakiramdam niya para ng kamatis ang mukha niya sa pula. Nakakahiya.
''O--Oo nga pala. Anong skin-care products ang gamit mo? Bakit ang kinis ng balat mo? Nag-gluta ka ba?'' pag-iiba niya.
Kumunot naman ang noo ni Blade sa tanong niya.
''G--gluta?''
''Wag mong sabihing natural lang ang balat mo?'' natatawang tanong ni Zeya
''Umamin ka na lang kasi. Wala namang masama sa paggamit ng mga ganyan eh. Isa pa wala naman akong pagsasabihan. Wala naman akong ibang kaibigan maliban kay Gaile.''
Hindi nakaligtas ang malungkot na tono ng dalaga kay Blade.
Nilingon niya ito. She just faked a smile at binalik ang tingin sa harapan.
''Nice skin or not, is it really important?'' mahinang tanong ni Blade.
Para namang natigilan si Zeya. Wala sa sariling napalingon siya sa binata.
''Humans are humans. Monsters are monsters. Why do you have to care about their appearance? Does it make a difference?''
Sa buong buhay niya, ito ang unang beses na may nagtanong nito sa kanya. ''Is appearance really that important?'' She always asked that question to herself. Pero ngayon hindi niya akalaing maririnig niya ulit ito galing sa bibig ng nag-iisang Blade Salvatore.
Hindi niya mapigilan ang sariling mapangiti.
''That is human's nature. If you're ugly or poor, you'll become an outcast. No one will befriend you.''
''Just like me'.' she whispered.
''You're pretty.'' Blade
''Huh?''
He cleared his throat at tumingin sa harapan.
''Appearance is just a cover. It's nothing to be sad about.''
Umub-ob na siya sa mesa.
Hindi mawala-wala ang ngiti sa labi ni Zeya habang nakatingin sa likod ng binata.
For unknown reason, parang ang gaan ng pakiramdam niya sa binata. Noong una, aaminin niyang natakot siya dito pero mula ng iligtas siya nito. Everything changed. Parang ang safe niya kapag kasama ang binata. His presence makes her feel more secure, para bang nagkita na sila nito noon.
She shakes her head.
"No. No. This isn't right. I shouldn't trust him. They're all the same. I shouldn't trust anyone."
LUNCH break na. Katatapos lang kumain ni Zeya. Inilabas niya sa bag ang mga binili niyang newspaper at isa-isa itong tiningnan.
Palala ng palala ang condition ng mama niya araw-araw. Kapag hindi pa rin siya makahanap ng trabaho, hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pambayad sa operasyon nito.
Ang laki ng 8 million, alam niyang kahit magtrabaho siya ng 10 years o 20 years hindi pa rin ito sapat. Pero wala na siyang ibang pagpipilian. Kesa sa umupo at maghintay ng himala, mas mabuti na 'rin 'to. Kahit konti, at least may maipon siyang pera pambili ng gamot.
'''Look who's here.'' Nakapameywang na huminto sa harapan niya ang tatlong babae.
Dali-dali niyang nilagay sa bag ang mga gamit niya at tumayo nang humarang sa harap niya si Ela, ang so-called campus queen. Mahaba ang buhok nito na kulay blonde, malaki ang mata, di-kataasang ilong at maliit na mukha.
Katabi nito ang dalawa nitong alalay na sina Chloe at Janice na parehong naka-ponytail at puno ng make-up ang mukha.
''Running away? Bakit? Wala ba ang tagapagtanggol mo'ng si Gaile?'.'taas-kilay nitong tanong.
''Oh right, she's out of town. You're all alone now.'' sarcastic nitong saad sabay ngisi. Sumulyap ito sa dalawang kasama na 'agad namang pumalibot sa kanya.
''Because of you, your brother died. And now your mother has been hospitalized." humakbang ito palapit sa kanya.
"Zeya, aren't you too much?.''
Pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa.
''A jinx like you to study here in Qin U and acted like an innocent angel? Heh.''
Mapakla itong tumawa. Napaupo siya sa sahig nang malakas siya nitong tinulak.
Tumilapon ang bag niya. Gumapang siya palapit dito ng sinipa ito ni Chloe. Sabay na nagtawanan ang tatlo.
Tumingin siya sa paligid. Ang dami ng nakatingin sa kanila. May napatakip sa bibig habang pinipigilan ang pagtawa. May mga napailing 'rin.
Dahan-dahan siyang napayuko. Nanginginig na naikuyom niya ang kamao niya.
Ano pa ba ang aasahan niya? It's always like this. Always.
''As a poor student, hindi ka pa nakakatikim nito, diba?'' kinuha ni Ela ang hawak na milk tea ni Chloe at tinanggal ang takip nito.
''Don't worry since I'm in a good mood, I'll let you taste it.''
akmang ibubuhos ito sa ulo niya nang may isang pares ng paa ang biglang lumitaw sa harapan niya. Bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni Blade.
Rinig niya ang mahinang hiyawan ng mga babae sa paligid. Pati ang expression ng tatlong babae ay biglang nagbago. Tila bigla itong naging anghel. Sabay-sabay pang nag-ayos ng buhok.
''B--Blade, what are you doing here? You're not here to look for me, right?'' malanding tanong ni Ela sa binata sabay flip ng buhok.
Lihim na napairap si Zeya. Kanina lang para itong mga tigree, ngayon naman parang bigla itong naging mga p********e, panay ngiti at baba ng uniform para lang makita ang dibdib. Hypocrites.
''Actually I----''
''Who told you to touched her?'' Seryosong tanong ni Blade. Ang lamig ng boses niya. Para itong hinukay sa lupa, deep and cold.
Ramdam pa ni Zeya ang pananayo ng balahibo niya sa braso.
''Wha--what do you mean? Wag mong sabihing nandito ka para ipagtanggol ang pangit--''
''She's mine. No one can touch her, except me.''
Hindi makapaniwalang napatingin si Zeya kay Blade. Hindi niya alam kung tama ba ang pandinig niya o hindi. Kailan pa siya naging pagmamay-ari nito?
''What? But she--''
''I don't hurt girls but if it's to protect her. I'm willing to break my rules.''
Pinulot nito ang nagkalat niyang gamit saka siya hinawakan sa kamay at kinaladkad paalis.
Nakita niya pa ang galit na mukha ni Ela habang nakatingin sa kanila.
She tried to pulled her hand pero masyadong mahigpit ang pagkakahawak ni Blade.
"B--Blade, teka--"
"Shut up and follow me."
______