Masaya ang lahat na empleyado ng DAC ng ireserba niya ang isang bar para sa lahat sa pagdidiriwang para sa mga bagong empleyado ng DAC. Ganun siya kagalante,hindi niya pinapabayaan ang mga empleyado niya gusto niya lagi siya may communication sa mga ito lalo na sa mga baguhan at isa na roon si Erin,masaya ito nakikipagbiruan sa mga babae flight attendant.
"Uy,madurog mo yang baso ko.." pukaw ng may-ari ng bar na pinsan niya.
Yeah,kanina pa nga siya nanggigil sa baso dahiL hindi niya taLaga gusto ang nakikita. Panay kasi ang lapit ng Marco iyun Kay Erin. May pabulong-bulong pa nalalaman.
Naningkit ang mga mata niya ng makita muli na lumapit ang mukha nito sa dalaga at may binubulong.
They laughing.
"Maganda siya at Sexy..Kaya gustong-gusto ko sumakay ng eroplano mo eh ,gaganda ng mga flight attendant mo," nakangisi nito saad.
Nilingon niya ito. Abala ito sa pagpupunas ng mga baso. Tulad niya hands on sa mga bagay-bagay ganun din ang pinsan minsan nga napagkakamalan lang ito bartender at magugulat na lang ang lahat ito pala ang may-ari.
"She's not attendant.. She's a pilot.."
Napatigil ito sa pagpupunas ng baso. "Ano? Piloto siya? " namamangha nito saad.
Tumango siya rito.
"Whata chicks! Deym!"
Muli siya bumaling sa kinaroroonan ng mga ito at hindi na siya nakatiis na makitang nakaakbay na ang lalaki sa dalaga.
"Hey,di pa tayo tapos mag-usap! Pakilala mo naman ako sa kanya!"anang ng pinsan.
Hindi niya pinansin ang pinsan. Tinungo niya ang mga ito at agad naman binati siya ng mga ito.
" Boss,salamat sa treat! Napakagenerous niyo talagang boss!"anang ng lalaki empleyado niya.
Tinanguan lang niya ito. Sanay na ang mga ito sa kanya sa ganun reaksyon niya.
"Ms.Stonex..Pwede ka bang makausap sandali.." seryoso niya saad sa dalaga.
Agad naman ito tumayo at lumapit sa kanya.
"Follow me.." aniya. Binigyan muna niya ng warning look si Marco bago siya tumalikod.
Iginiya niya ang dalaga sa isang VIP room.
"Anong sasabihin mo,Sir?" anito.
Nagkibit siya ng balikat. "Si Marco..Panay ang bulong niya sayo ,nagjojoke ba?" sarkasmo niya saad.
Natigilan ito at agad na nanlisik ang mga mata nito malapusa.
"Binibigyan mo yun ng malisya?"
"I hate that...ayoko nakikita na masyado sya malapit sayo.." matapat niya saad.
"And why is that? Wala naman masama kung bumulong siya sakin," katwiran nito.
Napahilamos siya ng mukha. Damn s**t,behave ,Dariuz..
"You know from the beginning na sinabi kong gusto kita..hindi nagbago yun.." pag-amin niya rito.
Hindi ito nakaimik.
"I still like you,nagpapakabait lang ako sayo dahiL ayoko lang may magawa na naman ako na pagsisihan ko.."
"Erin,maloko pa rin ako..kaya ko pa rin gumawa ng kagaguhan pagdating sayo..gusto ko akin ka lang..hindi ko alam kung Bakit ganito ako kabaliw sayo.." frustrated niya saad.
Marahas siya napabuga. "I'm saying this now para ngayon pa lang alam mo na kung bakit nag-iiba ang mood ko sa tuwing may iba kang kasama..lalo na ang Marco na yun.."
"I'm sorry,gusto ko lang vocal ako pagdating sayo..feeling ko kailangan ko maging totoo kapag magkaharap tayo.."
"Damn s**t,bigla ako naging ganito dahiL sayo.." bulalas niya sa sarili.
Nakatitig lang sa kanya ang dalaga.
"Be honest,nadisppoint ba kita kasi akala mo gentleman ako?"
Umiling ito.
"Ikaw yan eh,di ko naman hawak ang damdamin mo,Sir.." komento nito.
Tumango-tango siya.
"Kaya mo ako tinanggap dahiL diyan sa nararamdaman mo para sakin," saad nito.
Marahas siya napabuga ng hangin. "Pathetic ba?"
Umiling ito.
"Hayaan mo na lang ako...basta mag-enjoy ka lang sa trabaho mo,okay.." aniya.
Walang imik na tumango na lamang ito. Wala man siya nakuha tugon sa pagkoconfess niya rito atleast hinayaan siya nito.
Opportunist na kung opportunist,gusto lang niya maging matapat dahiL ganun siyang tao.