TBW SERIES4: THIRTEEN

647 Words
Pinaunlakan niya ang anyaya ni Darrel na magdinner sila sa labas. Off niya kaya sinamantanla naman nito iyun. Hindi niya mapigilan ang panay na pagngiti habang pababa sakay ng elevator. Well,ayaw niya magmukhang pinaghandaan niya ang dinner nila kaya simple dress ang suot niya na pinatungan niya ng kulay orange na lady's jacket. Hindi siya nagpasundo kahit pinagpilitan nito. Gusto lang niya magcommute papunta para sa ganun may time pa siya para hamigin ang sarili mula sa pagkakakilig niya gusto niya relax at kalmante lang siya pagkaharap niya rito. Sakay na siya ng taxi ng makatanggap siya ng text message mula sa binata. Nasa parking area ako ngayon,dito na kita hintayin para sabay tayo pumasok naiinis ako na hindi ka nagpasundo sakin. Kinontrol niya na matawa ng malakas dahil ayaw niya mapukaw ang atensyon ng taxi driver. Yeah,minsan nagiging hambog rin ito sa kanya,bossing kapag tinupak. Hindi na siya nag-abala pang replayan ito. Malapit na din naman siya. "Ma'am,dito lang po ako pwede magbaba ng pasahero eh," untag ng driver. "Sige ho,ito po bayad ko,keep the change po," aniya. Pagkababa niya agad niya natanaw ang binata iLang kilometro ang Layo sa kanya. Panay ang lingap nito at tingin sa mga dumadaan na sasakyan,malaman iniisip nito dala niya ang kotse niya. Nakasandal ito mismo sa kotse nito. Nasa unahan lang nakapwesto ang kotse nito madali makikita kung nasaan ito. She's smirk. Naglakad na siya palapit rito. Tatawid pa siya sa kabilang kalsada bago niya marating ang parking area. Hinihintay niya maggreen light bago tumawid kasabay ang ilang tatawid din. Nakangiti siya habang nakatingin pa rin sa lalaki. Wala ito kamalay-malay na naroroon na siya. She's so exciting to be near him. Then,suddenly,something bad intuition came up. Bigla siya nakaramdam ng kaba. Hindi niya alam pero parang bumagal ang paligid niya na Ewan. Naiinip siya sa paghinto ng mga sasakyan. Sumulyap siya muli sa kinaroroonan ng binata. Nakatalikod na ito at abala sa telepono nito. Agad naagaw ang atensyon niya sa isang paparating na itim na van. Paliko-liko ang Van. Alam niya na may mali sa pagmamaneho niyun at ganun na lang ang kilabot niya ng matanto na dere-deretso ang Van na tila Walang balak magpreno at tinutumpok ng sasakyan ang kinaroroonan ng binata. Nakita niya ang hindi paggalawa ng lalaki sa kinatatayuan nito ng mapansin ang ang itim na Van na papalapit rito. Darrel! Isang malakas na pagbundol sa isang bagay ang pumainlanlang sa paligid. Malakas na nag-ingay ang kotse dahiL sa alarm ng matamaan ito. Nasa pagitan ng Kotse at ng itim na Van ang dalawa. "E-Erin..." shock na shock na anas ni Darrel sa kanya. Nakaharang ang kalahating katawan niya sa harapan ng Van na sana sasalpok para sa binata. Nasadlak naman sa kotse nito ang binata dahil naitulak niya ito para hindi mahagip ng unahan ng Van. Namanhid ang katawan niya. "E-Erin.."anas nito muli. Mabilis siya umalis ng marinig ang mga paparating na mga tao. "E-Erin.." Hindi niya nilingon ang binata na tuliro pa rin habang tinatawag siya nito. "Ma'am,okay lang ho ba kayo? " sita ng gwardya ng papasok siya ng condo unit. Doon niya napuna ang braso niya na wakwak ang sleeves ng jacket niya at duguan. "Ma'am?" "Okay lang ho ako," nagmamadali tinungo niya ang elevator. "Dumudugo ho ang sugat niyo, ma'am !" paghabol ng gwardya. Nang makasakay siya ng elevator agad siya napasandal sa malamig na wall mg elevator at napahawak siya sa kanya braso. Nasugatan siya. Hindi madali ang iharang ang sarili niya sa rumaragasa sasakyan para wag lamang nun matamaan ang lalaki. Lagot na,nakita siya nito. Kitang-kita nito ang ginawa niya. Ano na gagawin niya? Wala kang gagawin kundi sabihin sa kanya ang totoo..hindi mo siya maloloko dahiL ilang dangkal lang ang Layo niyo sa isat-isa. He's not stupid kaya aminin mo sa kanya na may ala-incredible hulk kang kakahayaan. Pagsagot ng kanya inner wolf sa naguguluhan niya isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD