NAPAUNGOL si Red nang marinig ang pagtunog ng alarm clock niya. Hindi niya sigurado kung nakatulog ba siya ngayong gabi. Simula nang mawala si Violet ay tensyonado siya. Limang araw na ang nakalilipas pero wala pa rin siyang malinaw na impormasyon sa kapatid at sa taksil niyang kaibigan. Pero hindi dapat tumigil ang mundo ni Red. Kailangan niyang pumasok sa trabaho at gawin ang mga normal niyang gawain. Marami siyang kailangang asikasuhin. May mga private investigators naman siyang inupahan. Tanging pag-aalala lamang ang dapat niyang gawin ngayon. Nang tanggalin ang comforter ay lalo pang napaungol si Red. He had it again. Normal naman ang magkaroon ng morning wood para sa mga lalaki. Pero ang sa kanya ay kagabi pa---isa sa mga dahilan kung bakit hirap na hirap rin siyang ma

