"I WANT YOU to cum." Bahagyang nanlaki pa ang mata ni Kareene nang mabasa ang message na iyon ni Violet. Dahil matagal ng kilala ay kilalang-kilala na niya ang paboritong reader. May pagka-perfectionist si Violet. Maliit lang ang posibilidad na magkamali ito ng type sa salitang "come" at "c*m". But then... isn't she trying to be like her? Aminado na liberated at bold siya. But then, not to a point like this. Palagi naman niyang pinapalalahanan si Violet na mayroong limitasyon ang ugali niya. Isa pa, napakabata pa rin nito. Alam ba ng bata ang pinagsasabi nito? Ipinilig ni Kareene ang ulo. Nagkamali lang si Violet. Ni-reply-an niya ito. "Where? I missed you!" naging napakalapit ni Violet kay Kareene. Napaka-supportive kasi na fan nito. Lahat ng book signing event na kasali siya

