DEANS:
nakunot tuloy ang nuo ko iniisip kong sinong boss yung sinasabi nung babae kanina,,nakakatakot naman kainin tong cheeze cake baka may lason hahaha ang bad ko ba binigyan na ganun pa iniisip,,hhmm naninigurado lang naman noh baka mamaya may galit pala sakin nagpabigay nito magtae pa ako hahah(hoy wong magpasalamat ka nalang kaya,,fine author pakisabi thankyou?)..wala talaga akong maisip kung sinong anghel ang magbibigay nito sakin,,naks anghel talaga,,
deans baka naman pwede mong ishare yang cheeze cake..pangungulit ni ponggay kanina pa nila ako kinukulit kong sino daw anghel ang nagbigay nito,,kung alam ko ba edi hindi na ako mag iisip kung sino diba,,baliw talaga tong mga to..
tsk wag mo namang ipahalatang patay gutom ka pongs..pambabara ko sakanya kaya sinamaa niya ako nang tingin..
sino bang boss yan deans ang unfair ha pano naman kame...maktol naman ni tots na puno pa nang bibig ang cake,,haha pano daw siya eh kain na nga nang kain..
uo nga naman baka,,baka lang naman ha may kasunod pa yan..natatawang sabi ni ate aly kaya natawa kameng lahat,,may kalokohan din pala to kala ko laging seryoso..
ehem kaya nga naman deans beke nemen..dagdag pa ni ate bie na pasimpleng kumuha sa cake na nasa harap ko haha,,ok lang para kung may pampatae mauuna siya hahha..
deans..sigaw tawag ng isang pamilyar na boses sakin kaya mabilis akong napalingon kahit hindi ko pa sure kung ako talaga yung tinatawag haha,,pamilyar kasi yung boses niya,,at there she is tama ako isang anghel nga hahaha,,teka si jema bakit siya nandito siya ba ang may ari ng coffee shop na to..nahiya pa ako nung napanganga akong nakita siya hays ang ganda naman kasi sinong hindi matutulala..
deans eto pa cheeze cake para sa mga kaibigan mo..nakangiting sabi niya nung matapos niyang sabihing tikom ko bibig ko,,nakakahiya wong nakanganga ka talaga..
ha ang dame naman niyan jema,,wag na nakakahiya naman baka malugi ka..sagot ko habang nagkakamot ng ulo,,syempre bussiness is a bussiness diba,,namumuhunan siya dito saka kakabukas lang nitong. shop..
hoy deans bawal tumanggi sa grasya..singit ni ponggay saka mabilis inabot kay jema yung try kaya nabatukan ko,,walang hiya talaga to..natawa naman si jema sa ginawa ko..
aray naman deans,,wag ganun porket ba ikaw may cheeze cake syempre pano naman kame diba..daldal pa niya habang hinihimas yung binatukan ko..
jema thank you ha nag abala kapa..nahihiyang sabi ko,,kaya siniko ako ni tots.
kung paupuin mo kaya dyan sa tabi mo deans,,baka nangangawit na si miss ganda..bulong ni tots,,ay uo nga naman,,hay naku wong nasan utak mo,,
ah jema upo ka muna pakilala kita sa mga kaibigan ko..sabi ko sakanya saka hinila yung upuan sa tabi ko...naupo naman siya nang nakangiti..
ehemmm sana all may boss na maganda..daldal ni ate madz kaya sinamaan siya nang tingin ni ponggay haha yari ka ngayon..
at,anong gusto mong sabihin madayag hindi ba ako maganda ha..masungit na sabi ni ponggay sabay kurot kay ate madz..natawa tuloy si tots aly at ate bie,,ako naman napailing nalang grabe talaga tong si ponggay mapanakit masyado..
ouch naman babe,,its hurts you know,,saka maganda ka po dont worry ikaw lang maganda sa paningin ko..sabi ni ate madz na nakanguso pa kay ponggay,,
tigilan mo nga yang kangunguso mo madayag baka pasabugin ko yang bibig mo..mataray paring sabi ni ponggay kaya lalo kameng natawa...kawawang ate madz..
ahh jema pasensya kana sa mga kaibigan ko ha,,makukulit lang talaga mga yan pero mababait naman..sabi ko kaya nagsigawan naman tong mga,kasama ko buti nalang konti palang tao dito,,mga baliw talaga..pinakilala ko na naman sakanya yung mga bruhang bruho kong mga kaibigan at syempre hindi na naman nawala nag mga kalokohan nila..
jems baka naman pwede ko ding makilala yung isang kasama mo dito yung nakabrace..kapalang mukhang sabi ni tots kaya tinawanan siya ni ponggay..
wow ha caloy dumidiskarte talaga..mag ipon ka muna hoy para may pambili ng gatas..sabi ni ate bie kaya natawa kame,,pati si jema nakikisabay na din sa tawanan namin,,ang cute niya lalo pag naka smile(ano wong inlove naba,,hahah hindi pa naman author)
sige wait lang tatawagin ko sila para makilala niyo din..sagot naman ni jema saka tumayo sa upuan niya..
jema baka naman pwedeng isama muna dun yung isa yung medyo morena..habol ni ate bie kaya napatawa si jema,,nailing nalang ako sa mga kaibigan ko ang lalakas ng loob..
haha ok ok isasama ko nalang silang lahat para kumpleto..natatawang sabi ni jema...
yooowwwnnn..sigaw naman nilang lahat maliban sakin,,jusme parang ngayon lang mga nakakita ng tao tong mga to,,(haha ikaw nga wong natulala pa,,bwesit ka author paalala mo pa)