Chapter 10

3021 Words
"Here, try this one. Seems easier." Inabot niya sa'kin ang isang makapal na libro saka naupo ulit. Agad kong binuklat 'yon kasi sabi niya madali lang, na-excite ako. Pero pagkabukas na pagkabukas ko at nakita ko ang maraming math equations, unti-unting naglaho ang ngiti ko at napalitan ng pagkakakunot nuo. Anak ng, akala ko ba mas madali? Eh para saan iyong math equations at QED na nababasa ko?! Gusto ko na talagang maiyak, we obviously have different definitions of the word "easy". He's got a twisted mind! Gusto kong isara ang libro, nae-stress lang ako lalo. "So how was it? Did it help?" He even had the guts to ask me, with a dazzling smile on his face. I just want to graduate and finish this crap! Why do I have to deal with these annoying pages? Why is Ali so smart? I breathed out deeply as I forced a smile, not wanting to offend him when in fact, he's just trying to help. The thing is, he's got an even more complicated mind. He's obsessed with books, as I observed. He's so fond of difficult stuffs, hence the math equations that he finds easy. Pero sana naman, Ali, ma-realized mong hindi ko abot ang bet mo! "It's good," tanging nasabi ko, ang peke pa ang ngiti. "Sa sobrang ganda naiiyak ako, salamat na lang sa lahat-lahat." "Eh?" He chuckled as he touched his lips gently by his slim and bony fingers. "You wanna what? Cry? Don't you like it?" "No, I actually do. But, may mas madali pa ba, Aliston? Iyong hindi ko kailangan makakita ng numbers?" I gently slammed the table, not tending to cause any disturbance to the people. He actually brushed his hair, looked down and seconds later, he's already hiding his face while suppressing his laughters. Pinagtatawanan na naman niya ako! I knew it. "Masaya ka yata," sarkastiko kong sabi at pinanliitan siya ng mata. "I'm just..." And he bursted out laughing, kung hindi pa niya pilit pinipigilan ang malakas na tawa, malamang nasita na kami. "Well, I know you'll say that. I knew too well that you hate difficult stuffs, like that book's content. So here's the good news, I got you an option." "What option?" "I'll teach you, no, I'll help you rather." "Help...me?" "Yeah, I'd figured out that you will not understand how you should do the thesis, ng hindi nae-stress. So I'll do what I can to help you instead." "Oh." Napahinga ako ng malalim at ilang minutong walang imik. Wala akong masabi, mas maganda nga kung may magtuturo sa'kin at magga-guide, kaysa puro libro. Ayuko na rin mangulit sa professor namin dahil pinaliwanag niya na 'to sa klase, medyo lutang lang ako noon kaya wala akong na-gets. "Okay, are you sure? Are you not busy?" "I'll make time, we're just in the same school so it won't be a drag." "Oh, thank you." Ngumiti ako. Kinuha niya ang libro at saglit iyon binasa bago isinauli sa estante. Pagkabalik niya ay may dala na naman siyang libro, mas manipis nga lang. "We can start now, what do you think?" He asked, averting his gaze from the book to me, and he smiled. "Wala akong klase ngayong hapon kaya matuturuan kita, pero baka may klase ka pa." "Wala rin akong klase," nakangisi kong sagot at ngumuso. Bakit parang ang swerte ko ngayong hapon? "Pwede na agad tayo magsimula, Ali." "Great, ito ipapaliwanag ko sa'yo. About the need of hospitals in local area." He dragged his chair near me by a hand as he clean his side of the table. He then turned off his phone and slid it in his back pack's side pocket. He moves really clean, precised and just so manly. He started explaining the whole content of the book inch by inch and ideas by ideas. And while doing so, his eyes look only to either in the book or to me. He always have a smile on his lips, always asking if I got him or not. Gusto kong iiling ang ulo, kapag ginawa ko ba 'yon mas lalapit siya para ipaintindi sa'kin ang lahat? Why is Ali so thoughtful? Wala na yata akong ginawa kung 'di ang tumango at tignan siya. I face-palmed while tapping my fingers upon the table, I can't help but glance at his manly hands and fingertips. He looks clean and organized, damn, kanina ko pa siya inuulan ng compliment sa isip ko. Ganito siguro talaga kapag anak mayaman, wala siguro siyang trabaho kaya ang linis-linis niya. "Laging tandaan na kapag nagka-conduct ng research ay hindi ka pwede maging biased o makinig sa haka-haka. Dapat lahat ay totoo para mapatunayan ang theory mo." Binuklat niya ang libro at wala sa sariling napakagat labi. "I'm sure you know that already, you're a smart girl." Yeah, I'm very attentive in our discussion, Ali. Very. Nakakaluka lang at nakaka-distract ka rin at the same time. "So, if you find this one easy, you can go for it. I'll guide you, too." Matamis siyang ngumiti nang mag-angat ng tingin sa'kin at pinakita ang choices na sinulat niya para gawin kong title ng research at thesis. "What do you think? Pwedeng ikaw ang gumawa kung gusto mo at ayaw mo sa idea ko." "Ha? Anong ayaw, hindi naman. In fact 'yan na ang gagawin kong research title!" Ang idea na niya ang pinakamadali para sa'kin, kaya ano pa bang hinahanap ko? "Are you sure?" "Of course." "Alright, since we already have a problem, we can start now." "Sige." Nagsimula na kaming mag-isip ng stratigies kung paano isasagawa ng mas maayos ang research ko, uunahin ko na yata ito sa thesis. Nasa kalagitnaan na kami nang nag-open siya ng cellphone. Naka-silent yata ang phone niya dahil walang ingay pero grabe naman ang pag-vibrate nito. Halatang maraming pumapasok na text messages, napalabi rin siya at napangiwi habang pinagmamasdan ang sariling cellphone. Stress na stress ba Ali? Sa dami ba naman ng text messages. "What's the matter? May gagawin ka?" Tanong ko at itinigil muna ang pagsusulat. He rolled his reddish tongue in between his lips as a small smile stretched his lips. "I just received a message from our secretary, I need to attend a meeting. Sorry, it's kinda surprising. Wala kasing nabanggit sa'kin kahapon ang secretary namin." "Ayos lang, naiintindihan ko naman." But honestly, I don't know he's that busy and that they had a secretary. Baka sa kompanya nila? "Thank you, we can continue this tomorrow or if you want, you can try now." "Don't worry about me, I can do it now. Pero...baka bukas ulit?" Uminit ang mukha ko sa sinabi. Pero ngumiti naman siya at tumango kaya medyo nabawasan ang hiya kong nararamdaman. "That's for sure, Jedah. Alright, I'll go ahead now." He moves very quick as he scooped all his things in the table and put them back neatly in his bag. He put his bag on his left shoulder, glance at me for quite a minute before he bid good bye. Gusto kong kutusan ang sarili nang ng nakaalis na siya ay agad kumawala ang malaking ngiti sa labi ko. Tahimik akong pumunta sa estante ng mga libro at doon inilabas ang malaking ngiti habang naghahanap ng librong babasahin, hindi man related sa topic ko. Nakakabaliw, bakit kaya sobra akong natutuwa sa kaniya? Gwapo rin naman si Edcharl, sobrang angas pa nga ng datingan. Gwapo rin si Quin at maangas din, madalas pang astig. Pero ni minsan hindi ako ngumiti dahil lang naisip ko sila. Marami rin akong gwapong kakilala, say Peter, or Ian, Ramz and Laurence. But they never give me a butterfly in my stomach. This isn't happening, why Aliston Monte Grande? Hindi ako mahilig sa good boy, medyo masama ang ugali ko minsan, e. Pero parang...kung siya, hindi na masama. I find it hard to sleep at night, I can't stop thinking about Cruise Aliston Monte Grande. Hindi siya matanggal sa isip ko kaya para makatulog ay nagbasa ako ng comics at nag-browse sa news feed ko. Maaga pa akong nagising kahit na gabing-gabi na ako nakatulog, first time yata na nauna akong pumunta sa sarili kong kusina kaysa kay Trist. Pagdating niya nakaluto na ako, nakaligo na rin. "Wow, is this some kind of a character development, Jedah? Why too early?" Nakangisi niyang wika habang pinapanuod akong maghain ng agahan namin. "Just sit there and chill, I'll serve you today," sabi ko. "Tingin ko kasi nagbubuhay prinsesa na ako dahil sa ginagawa mo, araw-araw mo akong pinagluluto ng agahan at...naisip ko lang din gumising ng maaga." "Hindi ako naniniwala," saad niya at naupo. "What happened? Bigla kang sumipag." "Are you saying na tamad ako?" "Hindi pero ano kasi, parang may kakaiba sa'yo ngayon," aniya at may kasama pang hand gestures. "Parang ang hiwaga mo ngayon." "Lifestyle ko 'yan." "Yah! H'wag mo 'yang gayahin," ungot niya. "I wonder what happened to you yesterday, did someone bully you again?" "Seriously? Tingin mo na-bully ako kaya ako masipag ngayon? Dati naman araw-araw akong binu-bully, parang hindi naman ako nagsipag noon." "Then what really happened?" Asik niya na naman. "Kapag 'yan dahil sa lalaki Jedah, sinasabi ko sa'yo, ipakilala mo 'yan sa'kin." "Ano bang pinagsasabi mo?" Singhal ko at umupo na para kumain. Gusot na naman ang mukha niya habang nakatingin sa'kin, halatang dudang-duda. Natatawa kong nilagyan ng pagkain ang pinggan niya at pinagsalin siya ng juice. Nakanguso niyang tinikman ang beacon at sinangag, napataas siya ng kilay nang malasahan ang luto ko. "Not bad, you're getting better in cooking," papuri niya. "Pero hindi mo pa rin sinasagot ang tanong ko." "Hay naku Tristan Xander! Kumain kana lang, kanina pa ako nagugutom, e." "Alright, but you'll tell me after this." "I really love you, brother." "Hmm." He glared at me. "Don't say that for the reason lesser than what it means." "But I meant it, what's so wrong with you?" "Tch." Pinagsalin niya ako ng juice at kumain ulit, hindi na siya nangulit pa pero panay ang tingin niya sa'kin. Kinaya kong kumain ng hindi natatawa sa kaniya. Siya na ang naghugas ng pinagkainan namin at agad din kaming umalis. Time flies so fast and I'm now in the library, waiting for Ali to come. Hindi ako mapakali sa kinauupuan habang hinihintay siya, feeling ko lang naman hindi siya darating. Ilang minuto na siyang late kaysa kahapon, baka busy pa. Well, he's not obligated to help me in my thesis and research paper. I understand why he's late. Nagsimula na ako at hindi na siya hinintay, pero kakasimula ko pa lang nang dumating siya. "Jedah," his first word. Napatingala ako sa kaniya at natulala ng ilang segundo, magulo pa ang buhok niya na sa pagkakatanda ko ay palaging maayos na nakasuklay. Malalim din ang paghinga niya, pero maayos naman siyang tignan. Napatingin ako sa pinanggalingan niya. Did he...run? "Sorry, I'm late," nakangisi niyang sabi. "I mean, a little late. Still sorry." Napailing siya at naupo, napaayos din ako ng upo at tumikhim. Akala ko talaga... "Okay lang, kararating ko lang din." A lie but...I just can't tell him the truth. He looked at me in the eye, sincerely. Then his eyes fell to my notes and to the books I was reading. Looks like he noticed something. He sighed and licked his lips, still gazing in the table. "How are you doing?" "Fine, of course. Thank you for the help." "Sure, anything for you." "Katatapos lang ba ng klase mo?" "Not my classes, a meeting again." "Oh, sana hindi ka na pumunta rito, okay lang naman, e." Busy nga yata talaga siya, matanong nga kay Tristan kung ano ang negosyo nila. "For me it's not okay, I've said it, I'll do it," seryuso niyang wika. "I will feel bad, knowing that you waited for me and I did not come." I looked at him. "Don't get me wrong, Jedah. I did not come here just for that, just because I don't wanna feel guilty." "Then what?" My tongue was fast enough to ask. I was then embarrassed. Damn. Bakit parang feeling ko ang aggressive ko sa part na 'yon? "I...want to see you," he whispered but I heard it clearly. My breathing ragged. "Well, kinda. Also, I have a class for the next two hours." "Oh, I see." Tumango siya at binuksan ang bag, may inilabas siyang itim na box na nababalutan pa ng pulang ribbon. Inabot niya 'yon sa'kin pero tinignan ko lang 'yon. "What's that?" "A present, please take it." Pinag-isipan ko pa kung tanggapin ko, pero puta, kahit sa isip ko ayokong tanggapin, ang kamay ko naman ay gustong-gusto. Walang emosyon kong tinanggap ang itim na box at tinanggal ang red ribbon saka binuksan. Wala kasing pangalan ng brand iyong box kaya hindi ko agad nalaman na chocolate pala 'yon. Nang makita ko ang chocolate na nababalot pa ng gintong balot, nakagat ko agad ang labi para pigilan ang sariling ngumiti. How I love chocolates. Pero ang makatanggap niyon mula sa kaniya, hindi ko talaga inaasahan. Agad akong napatingin sa kaniya at pinakita ang laman ng box. Nakakagat labi na naman siya at nakangisi. "What's this?" "Chocolates?" "Alam ko, pero para saan?" "Ayaw mo ba?" "Wala naman akong sinabi." Pahamak itong lalaking 'to, ayaw sumagot. "Then why are you asking me? That's for you, all for you." "Para nga saan?" "Ayaw mo yata, Jedah. Sa'kin na lang, kakainin ko—" "Wala naman akong sinabi, e!" Ungot ko at inilayo sa kaniya ang box. Nakasimangot na ako habang siya ngingisi-ngisi, sarap sipain nito. Mas lumawak ang ngisi niya at natatawang tinagilid ang ulo habang nakatingin sa'kin. "I thought you won't like it." "I love chocolates," matigas kong sabi. "Pero bakit mo nga ako binibigyan, Ali? Baka naman para sa iba 'to, hindi lang tinanggap kaya sa'kin mo binibigay?" "Hindi ko naisip 'yan," sabi niya lang at nag-isip. Darn, Sino naman ang tatanggi sa kaniya. "That would be bad, Tristan will surely punch me if he finds out I gave his sister a present that's meant for someone else." What? "What the hell?" "Language, lady. That's a bad expression." "Eh kasi, bakit naman gano'n?" "Forget it," he said and smiled. "That's meant for your, just for you. Wala naman akong pagbibigyang iba, saka si mommy naman ang bumili niyan galing ibang bansa." "Y-Your mom?" At imported. "Yeah, they just arrived last night. She gave me lots of chocolates, for my friends. I thought you would like it, too." "Ah, thank you." Ako iyong nahiya sa part na pinagbintangan ko pa siya. Lesson learned; h'wag na mambintang. Nagsimula na kami at siya na naman ang naunang gumawa, habang ako ay sinimulang kainin ang binigay niyang chocolate. Hindi ko na itatanong kung anong klase basta masarap, halatang mamahalin. Habang kumakain ay pinapanuod ko naman siya, ilang beses akong natawa kasi siya na ang gumagawa ng lahat. "It's fine, I'll do it for you. Just...eat," saad niya at mahinang tumawa. Nakanguso ko siyang inirapan dahil hindi ako makapagsalita, punong-puno kasi ang bibig ko. Patago nga lang ako kumain kasi hindi pwedeng kumain dito. "Baka gusto mo rin?" Alok ko at iniumang malapit sa kaniya ang isang buong chocolate. Napatigil siya sa pagsulat at napatingin sa'kin, tumagal 'yon ng ilang minuto bago bumagsak sa kamay ko ang mata niya. "Okay, kung ayaw mo 'di h'wag." "Wala naman akong sinabing ayoko," sabi niya at ngumisi, namungay ang mata niya at unti-unting lumapit. "Pero subuan mo ako, Jedah. Saka ko lang tatangapin 'yan." Natutop ko ang labi at hindi na nagawang ngumiti, nanlalaki ang matang tinignan ko siya. Is he serious? "What?" "Why? Something wrong?" He asked, tilting his head. "Alright, I'll do it." "What—" Dahan-dahang bumagsak ang mga mata niya sa kamay kong nasa ere, tapos ay dumukwang siya para kainin ang chocolate na hawak ko. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng labi niya sa daliri ko bago niya tuluyang nakuha ang chocolate. His jaw moved as he chew the chocolate. Napatunganga ako kakapanuod sa kaniya na ngumunguya. Napatingin ako sa daliri ko. Anakng—bakit sobrang gulat na gulat ako? Bakit naman kasi gano'n, Ali? Susubuan naman kita, e. "Mom's right, it does taste good," he commented as soon as he's done. "Can I have another one?" "Another one? "Hmm." Napasinghap ako, nagmamadali kong binalatan ang isa pa at iniumang sa kaniya. Malaki ang ngiting dumukwang siya para kainin 'yon pero agad kong binawi ang kamay at imbis ay ako na kumain sa chocolate. Hindi pwedeng siya lang. "Yeah, your mom's right, they tasted good," sabi ko at tinignan siya. Pero nakanguso na siya sa'kin at binitawan na ang fountain pen saka notebook. "Ayoko na, sa'kin 'yon, e." Tumawa lang ako at hindi siya pinansin. Binigay ko sa kaniya ang box ng chocolate. "Marunong ka naman siguro niyan, hindi pwedeng hindi." "Why me? Why not you?" "Why me, too?" Sambit ko at ngumisi. "Come on, maraming tao, e. Baka matsismis na naman ako." Agad siyang napatingin sa paligid, agad ding umiwas ng tingin ang mga napansin ko kaninang nakatingin sa'min. Pagharap ay ngumiti siya at inabot ang box, akala ko para sa kaniya pero napatigil ako nang ibinalik niya sa'kin ang box ng chocolate at lahat ay nabuksan na, handa ng kainin. "You eat them, I'll do that," he said and took the fountain pen and notebook from me. Habang kumakain ng tahimik ay nasa kaniya ang buong atensyon ko. I keep on wondering why, why is he so thoughtful and caring and why is he spending his break time with me? Is it just because he's friend with Tristan? But he's not like that. And why the hell am I staring at him?! I just can't help it. I think I'm going insane. "Aliston?" I called. "Hmm?" "You must be the square root of negative one." Napatingin siya sa'kin at napakunot nuo. "Why?" "Because there is no way you can be real." His lips slowly parted open, he let go of the fountain pen and stared at me attentively. And with lips stretching of a wide smile, he said, "Then you must be the square root of two." "Why?" "Because I'm irrational around you."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD