Carmella's POV "Eh ano naman ngayon kung may asawa si Shawn? Wala naman kaming masamang ginagawa," inis na sagot niya dahil ewan niya kung anong ikinagagalit ni Aiden sa kanya, hinihatid lang naman siya ni Shawn. Marami kasi siyang iniisip kaya nagpunta siya sa public beach na pagmamay-ari ng pamilya ni Shawn. Nagkataon naman na naroon si Shawn kaya sinamahan na siya nito sa paglalakad-lakad niya sa tabing dagat, at kahit papaano may nakausap siya at nakalimutan kahit saglit ang mga problema niya. Buong magdamag niyang iniisip ang mga halik ni Aiden sa kanya. Pero wala siyang nakitang solusyon dahil siya ang talo kahit saang anggulo, dahil may damdamin siya kay Aiden. Kung papayag siya para pagbigyan ang nararamdaman niya kay Aiden, lalo lang siyang masasaktan dahil baka lalong lumalim a

