Mabilis na lumipas ang mga araw, at ngayon nga ay ang huling araw ng bakasyon ni Kristine. Babalik na kasi ulit ito sa Seattle dahil may mga naiwan pa itong proyekto roon. Nangako naman itong babalik din agad pagkatapos ng mga commitments nito roon “Babe, ‘wag ka nang malungkot. Promise, babalik din ako agad as soon as matapos ang mga naiwan kong projects sa Seattle. Isa pa, we’ve done long distance relationship before right? Kakayanin natin ulit ito, promise!” pangako ng dalaga sa kaniya. Nasa apartment sila ngayon at— as usual, katatapos lang ng kanilang maalab na pag-iisa ng kaniyang kasintahan. Alam naman niyang darating ang araw na ito, iyon nga lang hindi siya handa para rito. Hindi niya maiwasan ang malungkot, lalo na at muli na naman silang magkakalayo ng kasintahan. Huminga siy

