Chapter 14

2129 Words

Naging mas malapit pa nga sina Kristine at Jeff matapos ang mga nangyari noong foundation day nila. Kagaya nga ng pangako ni Jeffrey kay Kristine, hindi na nga siya iniwasan at sinungitan pang muli ng binata.  Palagi na rin silang nagkakasabay nito sa pag-uwi, lalo na kapag iniiwan siya ng kaniyang pinsan at mga kaibigan. Kagaya na lang ngayong araw, iniwan na naman siya ng tatlong kaibigan, nang makita nilang magkasama sila ni Jeffrey.  “Mukhang pinagkaisahan ka na naman ng mga kaibigan mo ah,” ani Jeff, habang nakapamulsa ito sa kaniyang tabi at dahan-dahan silang naglalakad palabas ng kanilang campus. “Oo nga eh, mabuti na lang at nandiyan ka, may makakasabay pa rin ako pag-uwi,” nakangiting turan naman niya sa binata. “Hmmm, nasaan nga pala ang mga barkada mo?” tanong pa niya rito n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD