“Babe, nawalan ka na ng imik diyan?” untag ni Jeffrey kay Kristine nang hindi na ito magsalita pang muli, matapos niyang ipakita rito ang epekto ng paghuhubad nito sa kaniyang harapan. Paano naman kasi, nang sagutin niya ang tawag nito eksaktong katatanggal lang nito ng saplot nito sa katawan. Ang matindi ay humarap pa ito sa kaniya, nakita tuloy niya ang kabuuan ng hubad nitong katawan. Agad na nabuhay ang kaniyang alaga sa loob ng kaniyang pantalon, mabuti na lamang at wala siyang kasama sa loob ng opisina ngayon. “Nahihiya kasi ako sa iyo eh. Nakita mo na talaga ang lahat sa akin!” namumula ang mga pisngi nitong turan sa kaniya. Napangisi naman siya at muling pinagmasdan ang kaniyang kasintahan. Naaaliw siyang makita itong namumula ang mukha sa kaniyang harapan. Paano pa kaya kapag

