Chapter 5

2424 Words
NICAH KAYEZIEL Lumuwag ang pagkakahawak ko kay Mik-Mik na agad tumakbo palayo sa amin. Ako naman ay hindi pa makagalaw sa ibabaw ni Kuya Thaddeus dahil parang na-magnet ang katawan ko sa katawan niya. "I don't want to assume that you like to stay on top of me so you don't want to leave yet." Nanlalaki ang mata na mabilis akong kumilos dahil sa sinabi niya. "Huwag kang assuming." May kayabangan din pala ang lalaking ito. Tinukod ko ang dalawang kamay sa sahig sa magkabila niyang gilid para umalis sa ibabaw niya pero nanlalambot yata ang buto ko kaya muli ko siyang nadaganan. Napadaing siya sa naging impact ng pagbagsak ng katawan ko sa katawan niya. Nag-alala naman ako dahil mabilis na kumalat ang pamumula sa mukha niya. "S-sorry." Sinubukan kong muli umalis sa ibabaw niya. "f**k, Nikay. You hit my balls." Naglabasan yata ang ugat sa leeg niya at parang namilipit siya sa sakit. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil hindi ko naintindihan kung ano ang ibig niyang sabihin. Sa wakas ay nakatayo na ako. Inabot ko ang kamay ko para tulungan siya bumangon pero sa halip na kunin ang kamay ko ay tumagilid siya at dinala ang kanyang dalawang kamay sa pagitan ng hita niya. Balls? Oh my God. I knew it! I already know the balls he is referring to. Napisat ko kaya? "Get out, Nikay." His voice was calm but I could feel that he was just holding back from doing something. "H-hindi ko sinasadya, Kuya Thaddeus. Kasalanan mo naman iyan kasi hinawakan mo pa ako," paninisi ko rito. "You brat, sinisi mo pa talaga ako." He stood up and turned his back on me. "Lumabas ka na at baka kung ano pa ang magawa ko sa 'yo." Agad akong lumabas ng kwarto niya at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Paghiga ko ay sumilay ang ngisi ko sa labi ng maalala ko ang naging itsura niya. "Buti nga sa kanya," usal ko saka malutong na tumawa. Dahil wala na ako sa mood manood ay binisita ko ang mga notes ko. Naupo ako sa study table ko at isa-isa ko tiningnan ang notes ko dahil baka may nakalimutan akong gawin. Nakapangalumbaba na binasa ko ang mga sinulat ko. Mayamaya lang ay napalingon ako sa pintuan ng may kumatok. Tumayo ako para buksan ang pintuan. Bahagya akong napaatras ng bumungad si Kuya Thaddeus sa harap ko. Nakabihis na ito. "Are you busy?" "Checking my notes. Bakit?" "Let's go." Bahagyang tumaas ang isang kilay ko. "Saan tayo pupunta?" "Ipasyal mo ako." Ay, wow. Kung makapag-utos akala mo ay close kaming dalawa. "May ginagawa pa ako." Nagsalubong ang kilay nito at tinitigan ako. Hindi ko na siya nagawang pigilan ng bigla siyang pumasok sa silid ko at naglakad patungo sa study table ko. Hindi nakaligtas sa mata ko ang ilang segundong pagpikit niya bago dinampot ang isang notebook ko at nakapamulsang tiningnan ito. Mayamaya lang ay binaba na niya ang notes ko at binalingan ako. "Sit down and write what I have to say. May kulang sa sinulat mo." He commanded. My lips parted. May sasabihin pa sana ako pero namalayan ko na lang ang sarili na sinunod ang utos niya. Nagsimula na siyang magsalita ng isusulat ko. Medyo mabilis siya kaya hinahabol ko talaga at binilisan pa ang pagsusulat. But while he was talking, I was amazed at what was coming out of his mouth. He knew what I was writing for because everything he said was related to the topic in my notes. "Is there anything else?" he asked Alanganin akong tumango at kinuha ang isang notes ko saka binuklat ito at pinakita sa kanya. Bahagya akong lumayo ng yumukod siya para tingnan ang notes ko. "Let me." He took the pen I was holding. Para akong nakuryente ng maglapat ang balat naming dalawa kaya pasimple kong pinisil-pisil ang kamay ko. Bahagya siyang naupo, paharap sa akin sa study table ko habang may sinusulat na sa notebook ko. Hindi ko tuloy maiwasan pagmasdan ang hugis ng kanyang mukha. Mas lalo naging malinaw sa paningin ko ang tangos ng ilong niya dahil nakatagilid siya sa akin. Mayamaya lang ay umakyat ang mata ko sa malalago niyang kilay. Bumagay ito sa medyo may kaliitan niyang mata. He looks like someone from one of the Thai Lakorns series I watched, I just can't remember who he was. And shocks! Ang haba rin ng pilikmata niya. Bigla tuloy nahiya ang pilikmata ko. Ang kinis din ng balat sa mukha niya, wala akong makitang pores. I wonder kung ano ang mga skincare ang gamit niya. My eyes went down to his lips. It's just thin and reddish. Nagsisigarilyo kaya siya? "Do you smoke?" Iniisip ko pa lang itanong pero dahil sa kadaldalan ko ay nauna na ang bibig ko na magtanong. Mula sa notes ko ay lumipat ang tingin niya sa akin, salubong ang kilay. "No. Why do you ask? Do you smoke?" balik tanong niya. May kakaiba sa timbre ng boses niya. Pakiramdam ko kapag nagkamali ako ng sagot ay hindi niya magugustuhan. And the way he stared at me, parang nagbabanta. Tumulis ang nguso ko at nag-iwas ng tingin. "Of course not. Hindi pumasok sa isip ko ang manigarilyo. Baka isumpa ako ng magulang ko kapag ginawa ko iyon." "Good." Binaba na niya ang notes ko, nakasara na ito ng balingan ko. "How 'bout dating? Are you dating someone or… is someone currently courting you?" Nag-angat ako ng mukha para sulyapan siya. Mahirap basahin kung ano ang iniisip niya. Blangko rin ang ekspresyon ng mukha niya. Inayos ko ang salamin ko bago kinuha ang notes ko at nilagay sa bag ko. "Wala akong time sa pakikipag-date. At isa pa, I'm not beautiful like Ate Nikki kaya siguro wala pang nagkakamali manligaw at makipag-date sa akin." Totoo naman iyon, hindi ako kagandahan katulad ni Ate Nikki para ligawan. Pero baka totoo rin ang sinabi sa akin ni Karina na kaya walang nangangahas manligaw sa akin dahil naglalagay na agad ako ng pader sa gustong lumapit sa akin. "I'm glad to hear that from you." Hindi ko napigilan ang sarili na samaan siya ng tingin. Kahit hindi niya sabihin ay parang pinaparating niya na hindi nga ako maganda kaya walang nanliligaw sa akin. "Whatever you think, you are wrong. What I am trying to say is, you need to focus on your studies rather than dating like other students do. And…" He paused and looked at me intently. "Who told you that you are not beautiful? Nikki and you have different beauties. You don't see what beauty you have because you think you're not beautiful. And stop comparing yourself to your Ate Nikki. You have your own beauty, Nikay. Always bear that in mind." Hindi ako nakahuma ng pinatong niya ang kamay sa ulo ko at parang bata na ginulo ang buhok ko. Bigla ko tuloy naalala ang mga eksena na pinapanood ko sa mga Korean dramas, ganitong-ganito ang ginagawa sa mga female leads. Pasimple kong ipinilig ang ulo ko ng umalis na siya sa study table ko. Epekto ito sa pagka-adik ko manood ng mga Korean dramas kaya pati eksena ay kinukumpara ko. "Hihintayin kita sa baba. Magpapaalam na rin ako kay Tito Nelson at Tita Kelly." "Saan mo ba gusto pumunta?" tanong ko ng nasa pintuan na siya. In fairness, mabait ako sa kanya ngayon. Pero hindi ibig sabihin ay gusto ko na siya para kay Ate Nikki. Sa ngayon, behave muna ako. "Kahit saan, basta ikaw ang kasama ko." Awang ang labi at nakatulala na pinagmasdan ko lang ang likod niya habang palayo sa akin. Parang hindi agad nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Nagpalit lang ako ng damit at nag-spray ng kaunting cologne bago bumaba. Paglabas ko ay kausap ni Kuya Thaddeus ang magulang ko. Sa tuwing nakikita ko sila na masaya habang kausap si Kuya Thaddeus, pakiramdam ko ay tanggap na talaga nila ng buong-buo ang mapapangasawa ng Ate ko. Ako kaya, kailan ko matatanggap na mag-aasawa na si Ate Nikki? "O, nariyan na pala si Nikay, hijo." Pinalapit ako ni mommy. "Ikaw na ang bahala kay Thadd, anak. Pero bago sana mag-hapunan ay narito na kayo para sabay-sabay tayong kumain." "Don't worry, Tita, hindi kami aabutin ng dilim sa labas," sagot ni Kuya Thaddeus. Nagpaalam na kami sa magulang ko. Nakaupo na ako sa front seat ng sasakyan ng balingan ako ni Kuya Thaddeus. "Aren't you going to fasten your seatbelt?" salubong ang kilay niyang tanong. "Malapit lang naman ang pupuntahan natin," sagot ko at binuksan ang bintana para lumanghap ng sariwang hangin. Narinig ko ang buntong-hininga niya bago binuhay ang makina. Kumaway pa ako sa magulang ko bago umalis. Ngunit hindi pa kami nakakalayo sa bahay ay huminto ang sasakyan kaya binalingan ko siya. Ngunit nanlaki na lang ang mata ko at napasinghap ng biglang lumapit si Kuya Thaddeus sa akin. Hindi ko na nagawang gumalaw ng ikabit niya ang seatbelt sa katawan ko. "Binilin ka sa 'kin ng magulang mo kaya dapat ay safe kang makabalik sa kanila." Nag-angat siya ng mukha ng tapos na niyang ikabit ang seatbelt sa katawan ko. "Siguro naman ay naiintindihan mo ako, Nikay." Tikom ang bibig na tumango na lamang ako. Ngunit para akong nagpigil ng hininga ng bumaba ang mata niya sa nakatikom kong bibig. Hindi nakaligtas sa pandinig ko ang mabigat na pagpapakawala niya ng buntong-hininga. May napansin din ako sa mga mata niya ngunit mahirap ito pangalanan. "Good." Hinarap na niya ang manibela. "So, saan tayo?" Tinuro ko sa kanya ang daan ng lugar na pupuntahan namin. Mabilis naman namin ito narating. Nauna na akong bumaba at agad na tinungo ang patag kung saan malawak na tanawin ang matatanaw. Nakangiting pumikit ako saka sinamyo ang sariwang hangin na sumalubong sa 'kin. Sa dami ng ginagawa ko sa school ay bihira na ako pumunta rito. Minsan ay si Karina ang dinadala ko rito kapag gusto namin makawala pansamantala sa stress dahil sa kaliwa't kanan na reports at activities sa school. Pero may pagkakataon na pinipili ko na lang na mag-isang pumunta rito. Hindi na rin ako masamahan ni Ate Nikki dahil busy ito sa kabila't kanan nitong photo shoot. Kaya nga mas pinili ko na dito na lang muna dalhin si Kuya Thaddeus. Namimiss ko na kasi ang lugar na ito. Kapag narito ako, pakiramdam ko ay nawawala ang mga negative energy sa katawan ko. "This place is nice." Mabuti naman at nagustuhan niya. "Favorite place namin ito ni Ate Nikki. Noong bata pa kami ni Ate, nagba-bike kami para lang makapunta rito," nakangiting sabi ko. "How about now?" Unti-unti naglaho ang ngiti ko sa labi dahil sa naging tanong nito. "Hindi na. Busy na si Ate Nikki. Lalo na ngayon, ikakasal na siya at mag-aasawa na. Paano pa siya magkakaroon ng time para puntahan ang lugar na ito?" I couldn't hide the sadness in my voice. Bukod pa roon ay masama rin ang loob ko dahil hindi na ako nabibigyan ng oras ng kapatid ko. Pero hindi ko masisisi si Ate Nikki, malaki na kami at kailangan ko na rin tanggapin na may kahati na ako sa oras niya. Binalingan ko ang malaking puno sa bandang kanan ko. Muli akong napangiti ng makita ko ito. Lumapit ako at kinapa ang katawan nito kung saan nakaukit ang pangalan naming dalawa ni Ate Nikki. "Si Ate Nikki ang nagsulat nito. Ang sabi niya, hanggat naririto ang malaking punong ito at nakaukit pa rin ang pangalan naming dalawa, h-hindi siya aalis sa tabi ko, n-na kahit ano ang mangyari ay magkasama pa rin kaming dalawa." I bit my bottom lip as I couldn't stop my voice from breaking after I said the last words. Malabo ng matupad ni Ate Nikki ang mga sinabi niya dahil mag-aasawa na siya at bubukod. Matagal ng sumagi sa isip ko na darating ang araw na magkakaroon na siya ng sariling pamilya pero iba pala kapag dumating na ang araw na iyon, nalulungkot ako. "Hindi ka pa ba talaga ready na mag-asawa ang Ate Nikki mo?" Nasa tabi ko na siya at kahit hindi ko siya balingan ay nakatuon ang tingin niya sa pangalan namin ng kapatid ko. Mabuti na rin at tinanong niya. Lumunok ako para mawala ang pagbabara sa lalamunan ko saka matapang kong hinarap si Kuya Thaddeus. Mataman na siyang nakapamulsa at nakatingin sa akin. "Tulad ng sinabi ko, hindi pa ako handa…" I paused. "P-pero kung gusto na ni Ate Nikki, wala akong magagawa. Kung saan s'ya masaya ay susuportahan ko na lang s'ya." "Hindi ko makita na nakasuporta ka sa kanya?" He said frankly. "If you want to support her, first of all, you should accept that she is getting married. And you must accept who the man she will marry is. But that's not what I see. Iba ang pinaparamdam mo sa akin. You're avoiding me, Nikay." Totoo lahat ng sinabi niya kaya hindi na ako nangatwiran. Pero at least ay alam niya. Inirapan ko na lang siya at hindi na rin ako kumibo. Hindi ko na kailangan magpaliwanag. Sapat ng malaman niyang hindi ko pa tanggap na mag-aasawa na ang kapatid ko. Hindi ko na siya narinig na nagsalita. Ngunit ilang sandali lang ay napakunot ang noo ko ng may narinig akong tila kinakaskas. Pagtingin ko sa gawi niya ay nanlaki ang mata ko. "Ano'ng ginagawa mo?" takang tanong ko habang nakatingin sa ginagawa niya sa puno. "While your sister is not around, I will replace her for a while. Ako muna ang laging nasa tabi mo. So it means, I also have to write my name here." "What? No!" Pinigilan ko siya at pilit kinukuha ang hawak niya na ginamit na pang-ukit sa pangalan niya sa katawan ng puno. Saan ba niya nakita ang matulis na bagay na ito at walang kahirap-hirap na nakapagsulat siya ng pangalan niya? "Kahit maglagay ka ng pangalan mo riyan, pareho lang kayo ni Ate Nikki na hindi na ako masasamahan dahil magpapakasal na kayong dalawa." Tumigil siya sa paglalagay ng pangalan niya at seryoso akong tinitigan. "Magkaiba kami ni Nikki, Nikay. If she can't give you time because she's busy, ibahin mo ako because I'll find a way just to give you time." Para yata tumigil ang oras ko ng sinabi niya iyon. Hindi ko namalayan na titig na titig na pala ako sa kanya. Saka lang ako nakahuma ng muli niyang hinarap ang puno para tapusin ang paglalagay niya ng pangalan sa tabi ng pangalan ko. Wala na akong nagawa kundi tingnan na lang ang pangalan naming tatlo sa puno.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD