NIKAY Malalaki ang naging hakbang ko habang pabalik sa farm. Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil malabo na ang salamin ko dahil sa tubig ulan. Huminto ako sandali ng tanggalin ko ang salamin ko. Nang muli ko itong isuot ay nagsimula ulit akong maglakad. Ngunit ilang hakbang pa lamang ang nagagawa ko ay nadulas ako at napaupo sa damuhan dahilan para muntik pa masubsob ang mukha ko kung hindi ko lang agad naitukod ang dalawang kamay ko. Nag-angat ako ng mukha ng tumambad siya sa harap ko. "Let me help you." Hinawakan niya ako sa kamay pero tinabig ko lang ito. "Kaya ko ang sarili ko," mataray na sagot ko. Umupo ako. Natalsikan ng putik ang salamin ko kaya muli ko itong tinanggal para linisan. At kahit hindi ko sulyapan ang sarili ko ay puno na ng putik ang suot ko. "Nik

