NIKAY Dahan-dahan akong naglakad papasok ng function room. Sa totoo lang ay hindi ako sanay na may kumukuha sa akin ng larawan lalo na ngayon dahil kabila't kanan na nagkikislapan ang mga camera pero wala akong magagawa dahil kasama ito sa binayaran ni Ate Nikki. Nang tuluyan na akong makapasok ay napahinto ako dahil naglalakad palapit sa akin ang isang gwapong nilalang. Ang gwapo ni Kenneth sa suot niya, mas lalong lumabas ang kakisigan niya. "The prince is now approaching his princess!" sabi ng babaeng host. Kasabay nito ang ugong ng hiyawan at palakpakan sa loob ng function room. Nang nasa harap ko na si Kenneth ay buong paghanga niya akong tinitigan. "You are so beautiful tonight, Nikay," aniya sabay gagap sa kamay ko. "Hindi na ako makapaghintay na masolo natin ang gitna," Baka

