NIKAY "T-Thadd…" I don't know what to say. It's like my brain didn't immediately process what he said. And it's like his eyes have a magnet, which is why I can't take my eyes off of him. His hand moved automatically and brought it to my head. Katulad ng dati ay muli niyang ginulo ang buhok ko. "Don't think too much, Nikay. Stay focused on your study, hmm?" Umalis na siya sa duyan at naglakad patungo sa bungad ng kubo. Palabas na siya ng muli akong lingunin. "Kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Tumaas ang kilay ko. Nang dahil sa mga binitiwan niyang salita ay kung ano-ano na ang pumapasok sa isipan ko tapos sasabihin niya na kalimutan ko na lang ang mga sinabi niya? Hindi gano'n kadali iyon lalo na at malinaw kong natatandaan ang mga sinabi niya. Ilang oras pa kami nagtagal sa farm

