NICAH KAYEZIEL
Pagkatapos kumain ay tumulong ako kay mommy sa pagliligpit ng pinagkainan habang si daddy naman ay tumulong sa pag-aakyat ng gamit ng fiancé ni Ate Nikki.
"Ang gwapo ng magiging asawa ng kapatid mo, anak." Halata sa boses ni mommy ang kilig.
I rolled my eyeballs. "Kailan ba pumili ng hindi gwapo si Ate Nikki, 'my? Mabuti nga at naisipan na niyang lumagay sa tahimik. Nabagok siguro ang ulo niya kaya nakuha magseryoso– aww!" daing ko. "'My naman, bakit n'yo ako kinurot?" Hinaplos ko ang tagiliran na kinurot nito.
"Iyang bunganga mo talaga, Nicah Kayeziel. Maging masaya ka na lang sa Ate Nikki mo," sermon niya sa akin at tinuloy ang paghuhugas ng pinggan.
Sumimangot ako. "Totoo naman ang sinasabi ko, 'my," katwiran ko pa.
Si Ate Nikki kasi ang tipo ng babae na kapag tapos na ang relasyon ay wala pang isang buwan, may pinakikilala na naman sa amin na bagong boyfriend nito. May ilan namang nagtatagal– nang limang buwan pero madalas ay isang buwan lang. Katwiran nito ay hindi raw sila nagki-click sa isa't isa. At kapag may bago ay nahulog na raw agad ang loob– nang gano'n kabilis? Paano ba naman, ilang linggo pa lang nanliligaw ay sinasagot na agad. Hindi man lang kilalanin ng lubusan bago sagutin. Kung gaano kabilis sumagot ng manliligaw ay ganon din kabilis maghiwalay at magpalit. Ako na lang ang sumasakit ang ulo sa kanya. Well, kailangan ko rin siguro pasalamatan si Kuya Thaddeus dahil nagawa niyang patinuin ang kapatid ko.
Two years na ang relasyon nila. Medyo nabibilisan lang ako dahil gusto na agad nila magpakasal. Ilang taon na ba si Kuya Thaddeus? Grabe, ganon na ba ako walang kainteres sa kanya at pati edad niya ay hindi ko alam samantalang madalas mag kwento si Ate Nikki sa akin ng tungkol sa kanya?
"'My, punta muna ako kina Karina," paalam ko ng tapos na kami maghugas ng mga pinggan.
Tumango lang ito kaya lumabas ako sa likod ng bahay at kinuha si Mik-Mik. Halatang excited itong lumabas dahil wala itong tigil sa pagtahol at pagkawag ng buntot.
Tatlong bahay lang ang pagitan ng bahay namin sa bahay nina Karina. Ito ang kaibigan ko simula ng high school hanggang ngayon na pareho na kaming nasa kolehiyo. Pareho rin ang kurso naming dalawa.
Seatmate ko si Karina ng high school. Madalas kami magkwentuhan kahit oras ng klase pero patago. Kaya naging magkaibigan kami dahil iisa ang likaw ng bituka naming dalawa. Pareho kami ng gusto at ayaw. Kaya nga para ko na rin siyang kapatid kung ituring.
Sumilay ang ngiti sa labi ko ng makita ko itong nakaupo sa swing sa labas ng bahay nila. Mukhang naghihintay na ito sa pagdating ko dahil bago ako bumaba para salubungin ang bisita ni Ate Nikki ay nagpadala ako ng mensahe dito na pupuntahan ko siya.
"Nikay!" tili nito ng makita ako sabay alis sa swing at patakbong sinalubong ako. "Nariyan na ang fiancé ng Ate mo?" bungad na tanong kaagad nito.
Umikot ang mata ko. Ang lakas talaga ng radar ng babaeng ito. Tumango na lang ako bilang tugon.
Hinila niya ako patungo sa swing at sabay na naupo. Agad namang sumampa si Mik-Mik sa kandungan ko at pumuwesto ng higa.
"Gwapo ba?" Nakapaskil ang malawak na ngiti sa labi nito.
"Gwapo," walang gana kong sagot.
Tumili ito. "Talaga?" Hindi pa yata ito makapaniwala kaya parang gusto pa nito ulitin ko ang sinabi ko.
"Gwapo, matangkad, maganda ang kutis, mukha nga siyang may lahi, english speaking pero nagtatagalog naman at halatang mayaman dahil feeling ko ang mahal ng mga suot niya."
Muli siyang tumili. Pareho pa kami ni Mik-Mik na binalingan ito dahil sa tili nito na halos magpalabas sa tutuli ko. "Oh my! Talaga ba? Ihahatid kita pag-uwi mo, girl, ha?" excited na sabi nito.
"Kararating ko lang, pauuwiin mo na agad ako?" nakasimangot na sabi ko at inirapan ito pero tinawanan lang ako.
Simula ng pumunta ako dito sa bahay nila at paalis na lang ako ay ang fiancé pa rin ni Ate Nikki ang pinag-uusapan naming dalawa. Akala mo ay siya ang pakakasalan dahil sobra kung kiligin. Excited na raw siyang makita si Kuya Thaddeus.
Paalis na ako ng dumating naman ang kuya nitong si Kenneth sakay ng motorsiklo. Nakangiti itong lumapit sa amin. "Hi, Nikay. Pauwi ka na?" Nakangiting tumango ako. "Ihahatid na kita," presinta niya at kinuha si Mik-Mik.
"Ako ang maghahatid kay Nikay, Kuya," singit ni Karina.
"Hindi na, Kuya Ken. Malapit lang naman–"
"I insist." Tumalikod na ito at pinuwesto na si Mik-Mik sa unahan ng motor nito. Hindi rin nito pinansin ang sinabi ng kapatid.
Alanganin na lang ang ngiting binigay ko kay Karina na ngayon ay nakasimangot at masama ang tingin sa kuya nito.
"Better luck next time na lang, girl. Don't worry, magtatagal naman si Kuya Thaddeus dito sa lugar natin kaya chill ka lang," sabi ko sabay kindat.
Nawala ang gusot ng mukha nito dahil sa sinabi ko. Tinalikuran ko na siya at lumapit kay Kuya Kenneth. Tulad ng dati ay nilagyan niya ako ng helmet kahit malapit lang ang bahay namin. Pagdating sa tapat ng bahay ay kinuha ko na si Mik-Mik.
"Thank you."
"You're welcome, Nikay. Malakas ka sa 'kin, eh." Tinanggal niya ang helmet sa ulo ko. Ginulo niya ang buhok ko na parang bata at pinisil ang ilong ko kaya nagusot ang mukha ko. Tuwang-tuwa naman siya kapag ganito ang nagiging reaksyon ko.
Nagpasalamat akong muli. Nagpaalam na ako na papasok sa loob ng bahay at pumihit na patalikod ngunit napahinto ako sa paghakbang ng makita ko si Kuya Thaddeus na nakadungaw sa bintana at nakatingin sa akin– sa amin.
Ngumiti ako rito at kinawayan siya. "Hi, Kuya Thadd. Si Kuya Kenneth nga pala, kapatid ng kaibigan ko." Tinuro ko si Kuya Kenneth na nakaharap na kay Kuya Thaddeus.
"Hi, bro. Nice meeting you." Kumaway ito kay Kuya Thaddeus.
Tumango lang si Kuya Thaddeus at bahagyang tinaas ang kamay pero walang makitaan ng pag-ngiti sa labi nito. Pero at least, hindi naman siya naging bastos sa harap ni Kuya Kenneth.
"Sige, Nikay, aalis na ako," paalam ni Kuya Kenneth.
Bago ako pumasok sa loob ng bahay ay alanganin muna ang ngiti na binitawan ko kay Kuya Thaddeus dahil nasa bintana pa rin ito. Sa sobrang seryoso niyang tao, kahit ngitian ako ay hindi niya magawa.
"Sungit!" sigaw ng utak ko.
Napapaisip tuloy ako kung paano siya nangligaw kay Ate Nikki gayong parang hindi naman ito marunong manligaw. Ni kahit ngumiti ay hindi nito magawa.
Napapailing na pumasok ako sa loob ng bahay. Kasama si Mik-Mik ay diretso ako sa silid ko at nagkulong hanggang hapon. Nakatulogan ko na rin ang panonood ng episode ng k-drama na inaabangan ko. Nagising na lang ako sa pagdila sa mukha ko ni Mik-Mik at katok sa labas ng pintuan ng silid ko.
"Nikay, gumising ka na riyan dahil magha-hapunan na tayo," tawag ni mommy sa akin sa labas ng kwarto. Nang sulyapan ko ang digital clock sa bedside table ay ala siyete na ng gabi. Madilim na rin sa labas. "Nikay!"
"'My, nariyan na po!" sagot ko.
Sinuot ko ang salamin ko at agad na bumangon saka tinungo ang pintuan para pagbuksan si mommy. Nakasunod naman agad sa akin si Mik-Mik na kakawag-kawag ang buntot. Alanganin akong ngumiti ng tumambad sa harap ko ang panliliit ng mata ni mommy.
"Magpupuyat ka na naman sa kakapanood ng korean dramas na 'yan, ano?"
Umangkla ako sa braso niya at hinilig ang ulo ko sa balikat niya saka naglakad patungo sa hagdan. "Wala pa rin naman pasok bukas, 'my, kaya pwede pa ako magpuyat. Kilala n'yo naman ako, hindi ba?" paliwanag ko habang pababa ng hagdan sabay hikab.
"Nako, ikaw na bata ka, ang dami mong dahilan," napapailing na sabi na lamang nito.
Tumuwid ako ng tayo ng makita ko si Ate Nikki at Kuya Thaddeus sa sala. Ang sweet ng dalawa, akala mo ay sila lang ang tao dito sa bahay. Parang si mommy at daddy lang. Ako lang talaga ang walang lovelife. Pero okay lang, pagmamahal pa lang ng magulang at Ate ko, busog na busog na ako. Isa pa, wala pa akong panahon sa love na 'yan.
"Halina kayo sa dining at kakain na," yaya ni mommy sa dalawa.
Naunang tumayo si Ate Nikki. Hihilahin ko na sana si mommy patungo sa dining ng tawagin naman ako ni daddy mula sa labas ng bahay.
"Anak, si Kenneth, nasa labas. May ibibigay raw sa 'yo," bungad nito sa akin.
Tinanggal ko ang pagkaka-angkla ng kamay ko sa braso ni mommy at lumabas ng bahay.
"Ano 'yon, Kuya Ken? Gabi na 'yan, ah?" natatawang tanong ko.
"Si Karina kasi, ayaw paawat, ibigay ko raw ito sa 'yo." Inabot nito ang nasa maliit na paper bag. Sinilip ko ang laman. Napangiti ako dahil mukhang nag-experiment na naman ang loka-loka ng cup cake.
"Thank you."
Alanganin itong ngumiti. Pasimple pa itong sumilip sa likuran ko bago dumukot sa bulsa ng pantalon saka inabot sa 'kin ang nakabalot sa isang maliit na net. Malamang, sa bawat rides niya, tiyak na galing na naman ito sa lugar na pinuntahan ng grupo nila. Palagi kasi akong binibigyan nito kapag may rides ito sa ibang lugar kasama ang ibang riders.
"Hulaan ko, ito talaga souvenir ang pinunta mo rito, ano?"
Malutong siyang tumawa sabay kamot sa ulo. "Yeah. Nakalimutan ko kasing ibigay sa 'yo kanina. I hope you like it."
"Kailan ko ba hindi nagustuhan ang lahat ng binigay mo?"
Tila natigilan ito sa sinabi ko. Kalaunan ay ngumiti na lang siya bago nagpaalam sa akin. Hinintay ko muna siyang umalis bago ko sinara ang maliit na gate namin. Ngunit pagpihit ko paharap ay muntik ko ng mabitawan ang hawak kong paper bag dahil sa gulat. Nakapamulsang nakatayo hindi kalayuan si Kuya Thaddeus at salubong ang kilay na nakatingin sa akin. Kitang-kita ko iyon dahil sa liwanag na nagmumula sa ilaw sa labas ng bahay namin.
"K-Kuya Thadd, kanina ka pa riyan?"
"Sino ang kaibigan mo, si Kenneth o ang kapatid niya?" sa halip ay tanong niya.
Nagsalubong ang kilay ko. Hindi ba ay sinabi ko na kanina na ang kapatid ni Kuya Kenneth ang kaibigan ko?
"Si Karina."
"So, why do I have a feeling na parang mas close kayong dalawa?" he asked meanigfully.
Umawang ang labi ko dahil sa lumabas sa bibig niya. Big deal ba iyon sa kanya? Malamang ay close ko rin si Kuya Kenneth dahil kapatid ito ng kaibigan ko.
"Close talaga kami kasi–"
"Don't get too close to him. I'm a man too so I know their moves," putol niya sa sinasabi ko.
Muntik ng malaglag ang panga ko. Binibigyan niya ng malisya ang pagiging close namin ni Kuya Kenneth. At sino siya para magdesisyon kung sino ang lalapit sa akin at lalapitan ko? Kung maka-asta nga siya ay feeling close samantalang ngayon lang kami nagkitang dalawa.
"Let's go inside. It's getting cold here." He walked closer to me. Nang nasa harap ko na siya ay tinitigan niya ako. "Don't smile at him either, baka isipin niya ay nagpapa-cute ka sa kanya."
What the hell? Seryoso ba ang lalaking ito?
Wala na akong nagawa ng kunin niya ang hawak ko at hinawakan ang kamay ko sabay hila papasok ng bahay.