NIKAY Mas lalo akong nahilo pagsakay sa elevator kaya siniksik ko pa lalo ang mukha ko sa leeg niya at pumikit. Dahil sa ginawa ko ay nanuot sa ilong ko ang pinaghalong amoy ng alcohol at perfume niya. "Ang bango mo." Humagikgik ako pagkatapos ko ito sabihin. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya. "Mahal siguro ang perfume mo, ano?" tanong ko pa. Lasing na talaga ako dahil kung ano-ano na ang lumalabas sa bibig ko. "Mura lang." "Magkano?" "Basta." "Mahal siguro kasi ayaw mo sabihin ang halaga ng perfume mo?" giit ko. Hindi ko siya titigilan hanggat hindi niya sinasabi sa 'kin. "Hindi porke ayaw ko na sabihin ay mahal na," katwiran niya. Sumimangot ako. "Lagi ka na lang playing safe kung sumagot." O baka hindi lang talaga siya ang tipo ng tao na hindi pinagmamayabang ang an

