NIKAY Tulala ako habang nakaupo sa sofa at hinihintay ang pagdating ni Kari. Kanina pa gumugulo sa utak ko ang tumawag sa akin kanina. Posible kayang siya iyon? Pero bakit siya tatawag sa 'kin? Katatapos lang ng kasal niya at imposibleng hindi iyon pagod. Baka wrong number lang ang tumawag. Bumalik ako sa katinuan ng bumukas ang pintuan at niluwa si Karina. Nasa likod nito si Kenneth at may dalang food container. "Gutom ka na ba, girl?" tanong ni Kari. Tumayo ako at lumapit sa kanila sabay silip at amoy ng pagkain. "Gutom na ako ngayon," malawak ang ngiti na sabi ko. Sabay-sabay namin tinungo ang kusina. Pati kanin ay sila na rin ang nagdala sa akin. Kahit matagal ko na silang kilala ay nakakahiya pa rin. "Okay lang ba kina tita at tito na dito kayo kakain?" Naglalagay na ako ng

