NIKAY "Halika na. Baka may pagkain na silang niluto para makakain ka na rin bago ka umalis," yaya ko sa kanya. Makahulugan siyang ngumiti kaya tinaasan ko siya ng kilay. Nagusot ang mukha ko ng pinisil niya ang ilong ko. "Gusto ko ang pagiging concern mo sa akin, Nikay. Mas lalo mahuhulog ang loob ko niyan sa 'yo e," aniya. Napasimangot ako. "Halika na nga. Gutom lang 'yan." Napapailing na hinila ko na siya. Habang palapit kami sa cottage na inukopa ng magulang ko at ni Ate Nikki dahil natanaw ko na sila ay hindi ko naiwasan tapunan ng tingin si Thaddeus. Bakit si Mik-Mik ang kasama niya at hindi si Ate Nikki? At saka, parang ang lalim ng iniisip niya habang tinitingnan ko siya. I bit my lower lip when Mik-Mik seemed to smell my arrival. Bigla kasing hindi na ito mapakali habang

