NIKAY Hindi nawawala ang ngiti na bumalik ako sa cottage. Ngunit napahinto ako dahil pagbalik ko ay nakaupo na si Thaddeus. Hinanap ng mata ko si Ate Nikki, may kausap itong lalaki. Mukhang nagkakatuwaan pa ang dalawa. Mabuti na lang ayos lang sa kanya na may kausap ang kapatid ko na ibang lalaki knowing na nakalantad pa sa mata ng lalaki ang katawan ng ate ko. Pagbalik ko ay kung bakit sakto naman na magsu-swimming ang magulang ko. Ayoko maiwan kasama siya pero ayoko naman makahalata ang magulang ko na iniiwasan ko ang manugang nila. Kumuha ako ng pagkain dahil nakaramdam ako ng gutom. At kahit paano ay may dahilan ako para hindi siya pansinin. "Thaddeus, hijo, hindi ka ba maliligo?" tanong ni mommy. "Later na lang po, tita," sagot nito. "O, sige. Kayo na lang muna ang bahala r

